XVII: Far From Each Other

1.9K 138 34
                                    

"WHERE'S End and Darwin?" tanong ni Allysa, sabay gala ng tingin sa paligid.

Pati siya ay nagtaka kung na saan ang magkapatid. Kahit naman hindi naging maganda ang pag-uusap nila kanina ni Darwin, ayaw niya rin naman na maapektuhan nun ang relasyon nilang magkakaibigan. Wala namang ginawa si Darwin. He was just being honest with his feelings. Though it hurts deeply inside but she couldn't demand anything from him. Alam niya na ganoon talaga ang personalidad ni Darwin.

"May emergency lang daw," sagot ni Keeper. "Kailangan muna nilang umuwi sa kanila."

She felt sad inside. Mukhang hindi naman nagkataon lahat. Bakit naman siya pagtataguan ni Darwin? Wala naman itong kasalanan in the first place?

"Ah, ganoon ba?"

"Anyway," she clapped her hands once to get their attention and smiled, "let's not ruin the night, alam naman nating okay lang sila Darwin. Let's just eat out. My treat."

"Wow! 'Yon oh." Strar linked his arms on her. "Ito 'yong gusto ko e. Libre pagkain."

"Napakalaking-user mo talaga Strar," pinaningkitan ito ng mata ni Keeper sabay hila rito palayo sa kanya, "huwag kang lingkis nang lingkis sa kung saan, 'di ka naman ahas."

"Sinabi ko bang ahas ako? 'Di pwedeng unggoy?" yumakap na naman ulit si Strar sa braso niya. "Clingy lang talaga ako."

Konti na lang, magpagkakamalan na silang mag-boyfriend nitong si Strar. Kahit kasi alam niyang mas bata ito sa kanya ay matured pa rin ang mukha nito at mas matangkad sa kanya.

"Oy, Strar, kay Boss Darwin na 'yan," singit naman ni Chu-Chu, "huwag kang ahas."

Naglapat naman ang labi niya nang marinig na naman ulit ang pangalan ni Darwin. Hindi niya lang talaga maiwasang malungkot sa tuwing nababanggit ang pangalan nito. She's trying to conceal the sadness.

"Bakit meron bang sila? 'Di naman sila e. Pwede ako."

Ang sakit ah. Nanakit pa 'to. Sarap itulak nitong si Strar.

"Merong sila," ni Mang Kaloy, "secret lang."

At hayon na nga, tinukso na siya nang lahat. Ano ba namang buhay 'to oh. Nasasaktan na nga e. Sinasaktan pa ako lalo.

"I'm single, okay? Nobody owns me. Kaya tara na, let's just go and eat dahil gutom na gutom na talaga ako."

Tinalikuran na niya ang mga ito. Saka naman siya nagpakawala ng buntong-hininga. Mapait na ngumiti siya sa sarili. You'll be fine Alyce. You're strong!




"WHAT happened?"

Naibaling ni Darwin ang tingin sa Kuya End niya. They were both at the top of the tallest building in the city. Parehong nakaupo sa gilid nang rooftop na para bang nakaupo lang sila sa gilid ng isang swimming pool.

He's really sad inside. Ang bigat nang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. He was not sure how to face Alyce after what happened. After he rejected her. He did it for her own good. It was for the best.

"I did what I needed to do."

"Pero mukhang 'di naman 'yon ang gusto mo."

Mapait siyang ngumiti. "May mga bagay naman kasi talaga sa mundong 'to na kailangan mong gawin kahit 'di mo gusto."

Tumango-tango lang ito.

"So why?"

"Naisip ko lang," he paused for a moment, "masasaktan rin naman si Alyce kung ibabalik ko ang pagmamahal niya. Iiwan ko rin naman siya sa huli. Bakit ko ba pagbibigyan ang sarili kong nararamdaman kung alam kong sasaktan ko lang din siya sa huli? So I pick the best solution for us."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Where stories live. Discover now