XXI. Making Every Moment Precious

1.8K 141 15
                                    

GULAT ang unang rumihestro sa mukha ni Darwin nang makita ang ama sa loob ng silid niya. Nakatalikod ito sa kanya at nakatingin sa mga picture frames na nakasabit sa pader. Hindi niya alam kung bakit bigla itong bumaba mula sa itaas. Simula kasi nang magkamali si Strar ay hindi pa siya nito hinaharap at kinakausap man lang.

Hindi niya alam pero, para siyang kinabahan.

His father must have an important thing to say to him para lang iwan nito ang trabaho sa itaas.

"Pa?" tawag niya.

Nilingon siya nito. "Darwin."

"Anong ginagawa mo rito?" Lumapit siya rito hanggang sa pareho na silang nakatingin sa malaking picture frame. 'Yon ang group photo nila noong birthday niya. Lahat ay mayroong malaking ngiti.

"You found a family here," pag-iiba nito sa halip na sagutin ang una niyang tanong. "Ikaw na hindi napipirmi sa isang lugar."

"Masaya ako kapag kasama ko sila," amin niya.

"You want to stay here?" kalmadong baling na tanong nito sa kanya.

Hindi niya mabasa ang ekpresyon sa mukha nito. It was like, he was looking at a blank canvas. Mahinahon ito masyado. Walang ano mang inis o iritasyon sa boses at mukha nito. Isang bagay na hindi niya nakasanayan dito. Mas madalas kasi na sinisigawan siya nito at sinisermonan. 

"I can't stay here, alam mo 'yan. Tinatapos ko lang ang kung anong gusto ng langit. Wala rin naman akong magagawa." May iritasyon sa boses niya. Hindi niya lang mapigilan. "Alam ko namang, hindi maki-question ang kagustuhan ng itaas. Sana nga lang ay para 'yon sa ikabubuti ni Alyce."

"Here." Inabot nito sa kanya ang isang matulis at maliit na itim na gunting. Kumunot ang noo niya. "Matatapos ang lahat sa pagsapit ng ikalawang Destiny's Night ngayong taon." Napalunok siya. May ideya na siya kung para saan ang gunting na 'yon. Alam niya kung ano ang gunting na 'yon. "Putulin mo ang pulang sinulid na nagdudugtong sa inyo bago matapos ang Destiny's Night. 'Yon lamang ang paraan para maputol ang koneskyon n'yong dalawa."

Parang may sumuntok sa tiyan niya nang ma-realize kung anong gusto ng ama. He was giving him the scissor of fate. At gusto nito na siya mismong ang pumutol ng pulang sinulid nilang dalawa ni Alyce. 

Hindi pa niya nagagamit ang gunting na 'yon. Ang ama niya lang ang may pahintulot na pumutol ng mga pulang sinulid ng tao. 

"Anong mangyayari kay Alyce?"

"Your existence will be erased in the minds of the people who knows you. Maliban lamang kay Alyce. Siya lang ang nag-iisang mortal na makakaalala sa'yo."

Naikuyom niya ang mga kamay.

"Don't you think it's too harsh for Alyce?"

"'Yon ang gusto ng karma niya. Wala tayong magagawa."

"What about me? Makakalimutan ko rin ba ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya?" Tumango ito. Damn it! "Paano kung hindi ko putulin ang sinulid?"

"You will become human. All of your years will slowly come back to you and turn you into ashes."

"I will die."

Nagtagis ang mga panga niya.

"Choosing to be human limits your time in this world. You are a heaven being, Darwin. Pinanganak tayo with a vow of obedience and contentment. Immortality and power are our greatest gifts. So it is right for us not to wish more because we have already given enough. Ano sa tingin mo ang nangyayari sa mga katulad natin na piniling umalis sa langit? Hindi man sila naging tao pero namumuhay naman sila sa kadiliman at pananakot sa mga tao."

FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Where stories live. Discover now