Chapter 8

114 6 3
                                    

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
It hides the truth and rips me apart. It pierces me, I'm going crazy. I hate this.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Eto na yung pinabili mo." sabi ni Ate Addison habang pumapasok sa kwarto ko.

"Salamat naman po. May tanong lang ako." sabi ko sakanya. Nakanuot noo niya akong tinignan.

" Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nakasalubong ko si Jungkook sa daan?" tanong ko sakanya at bigla siyang natawa. Oo na, alam ko namang hindi kapani-paniwala.

"Sige, mangarap ka lang. Normal lang yan sa buhay" sabi niya habang tumatawa pa rin.

"Okay." yan nalang ang nasagot ko. Hindi manlang ako nakapag-picture. Sa ganung scenario pa talaga kami nagkita. Kapag minamalas nga naman.

***
BTS_TWT posted a photo.

"Wala daw subject ngayong hapon sabi ni Miss!" sabi ng president namin sa classroom

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.


"Wala daw subject ngayong hapon sabi ni Miss!" sabi ng president namin sa classroom. Bigla namang sumigla ang classroom at nagkanya-kanya na silang ginagawa.

"Di na kinakaya ng utak ko math naten ha." sabi ni Cielle habang nakatingin sa notebook at halatang litong - lito.

"Kung ilagay ko kaya si J-Hope sa harapan mo? Gaganahan ka kaya?" sabi ko sakanya habang nag-aayos ng buhok ko.

"Deal. Magugulat nalang kayo, ako na first honor niyo dito sa klase" sabi niya at tumawa.

"May club na kayo na sasalihan?" sabi ng biglang sumulpot na si Iris sa likod namin.

"Nakakatamad" tipid na sagot ni Cielle habang nakatitig parin sa notebook niya. Natawa nalang ako.

"Hindi pa ako sure. Photography siguro o singing club? Kapag tinamad, edi mag-cut, joke"

"Kung saan nalang kayo, doon nalang rin ako" sabi naman ni Iris. Wala namang gagawin kaya natulog na rin lang ako.

***
"Gising na! Pili na tayo club. Baka maubusan pa tayo slot at kung saan-saan tayo mapunta." sabi ni Cielle habang inaangat ang ulo ko at nakitang onti nalang rin ang tao sa classroom. Inayos ko lang ang bag ko at sabay-sabay na kaming umalis.

"Kapag minamalas ka ba naman talaga." bulong na sabi ko nang makita ko si Lance kasama ang tropa niya na palapit sa dinadaanan namin.

"Hello! Anong club mo Jerrene?" tanong niya sakin pero hindi ko sinagot at nakatingin lang sakanya.

"Ako kasi mag dance club eh. Magaling kasi ako sumayaw kagaya ng mga idol niyo." dagdag niya pa na ikinatawa ng ni Cielle at Iris habang ako nakapoker face lang.

"Hindi ko naman sinasabe na wala akong pake, pero parang ganun na nga." sabi ko at nilagpasan sila habang tuloy parin sa pagtawa sina Cielle at Iris.

***

Photography sana ang sasalihan kong club pero nagkaubusan ng slot kaya napunta kami sa singing club. Nagsisisi pa yung dalawa na bakit daw sumama pa sila saakin. Ginusto nila yan eh.

"Sinong pwede mag-sample dito ng kahit isang maikling kanta lang? Para naman before tayo mag-end may magandang boses tayo na marinig" sabi nung teacher na naghahandle sa singing club.

"Si Jerrene po. Maiiyak ka nalang po kapag narinig mo siyang kumanta." sabi ni Cielle at sinenyasan ko siyang ayaw ko pero wala na rin akong nagawa.

"I could make it better

I could hold you tighter
'Cause through the morning
Oh you're the light (Oh)
And I almost lost ya
But I can't forget ya
'Cause you were the reason that I survived.

You were there for me through all the times I cried

I was there for you and then I lost my mind
I know that I messed up but I promise I
Oh-oh, I can make it right "

Pagkatapos ko kumanta ay nagpalakpakan sila lahat. Nahiya ako ng onti. Hindi ako sanay na ipinaparinig yung pagkanta ko sa iba. Pagkatapos non ay dinismiss na kami.

"Galing naman pala kumanta. Sana all" sabi ni Irish sakin habang naglalakad kami.

"Ako lang to HAHAAHAHHAHAHSH" sabi ko at nagtawanan nalang kaming tatlo.

***
"Saan ka pupunta ate?" tanong ko sakanya habang tinutulungan ko si Mama na magbalot ng mga pagkain na dadalhin ko dahil birthday ni Tita, ang mama ni Taehyung. Alam kong hindi madali sakanya na mag-isa sa kaarawan niya kaya naman sasamahan ko siya kahit namatay na ang anak niya.

" May pupuntahan lang. Pasabi nalang kay Tita, happy birthday. Bye!!" sabi niya at umalis na.

"Ikaw Mama? Hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko sakanya.

"May aasikasuhin kasi ako eh. Sabihin mo next time nalang. Pakibati nalang siya para sakin. Mag-ayos ka na. Ako na bahala dito at baka kung anong oras ka na makauwi" sabi ni Mama at umakyat na ako para magbihis.

Simpleng white na croptop at denim skirt lang with closed shoes ang suot ko at nagmessy bun rin ako ng buhok.

"Ma, alis na po ako" sigaw ko kay Mama dahil naghuhugas pa siya ng mga plato.

Nag-book na rin ako ng grab dahil alam kong matraffic ngayong araw at baka malate lang ako.

"Manong, pwede po pahinto saglit." sabi ko sa driver at pumayag naman siya. Huminto kami sa isang convinient store dahil may kailangan lang akong bilhin na mga pagkain pangdagdag sa regalo kay Tita.

Nag-ikot ikot ako sa loob dahil hindi ko makita ang gusto ko bilhin.

"Excuse me" sabi ng isang lalaking nakahoodie na black at cap saakin. Tumabi naman ako para mabigyan siya ng daan. Matangkad siya. Hindi ko nalang pinansin iyon at nagtuon nalang sa binibili ko at pumunta sa counter.

"Eto po" sabi ko at nilagay na ang mga binili ko sa cashier.

"Nakalimutan nung lalaki sukli niya. Halatang nagmamadali." sabi ni Ate habang busy sa pag-aasikaso sa mga nabili ko.

"Ako nalang po magbibigay. Hindi pa naman siguro nakakalayo yun. Keep the change nalang po, Salamat" sabi ko at dali-daling lumabas. Hinanap ko siya at tinignan kung saan-saan kaso wala na. Ang bilis naman nun.

***

"Hello! Si Tita?" tanong ko sa isang kasamabahay nila Tita habang papasok ng bahay nila.

"Ay, may pinuntahan salit Jerrene pero pauwi narin yon ngayon." sabi niya at tumango ako.

"Akyat lang po ako, pakilagay nalang po ito sa kusina" sabi ko at umakyat pagkatapos ibigay yung mga pagkain.

Naisipan kong dumaan sa kwarto niya bago pumunta sa guest room.

Binuksan ko iyon at pumasok sa loob. Buti naman at naisipan nilang linisin at ayusin ang kwarto niya. Nandito rin yung mga gamit at parang nakatira pa rin siya dito.

"Nandito na ba si Jerrene?" rinig ko at alam kong si Tita na yun. Dali-dali kong sinara ang pinto at pumunta sa baba.

Pero habang pababa ako ay parang napako ang paa ko sa hagdanan ng makita ko ang isang lalaki na pumapasok sa pinto na nakahoodie at cap na black . Hindi ako makagalaw.

"Taehyung?"

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Feb 02, 2021 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Always and Forever❤️ ( BTS tagalog Fanfic)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt