Chapter 16 "THE END"

176 4 11
                                    

“Walandiyo ka naman pareng Gerald! Parang kailan lang ikaw ang virgin sa ating lahat tapos ngayon ikakasal ka na! Naunahan mo pa kaming ikasal nitong mga ugok na ito”, saad ni Luther saka inakbayan sina Diego at Simon.

                “Ugok ka diyan! Baka ikaw ang ugok!”, singhal naman ni Diego kay Luther.

                “Pakitanggal nga ng kamay mo Luther sa balikat ko. Hindi ako napatol sa bakla”, saad ni Simon saka tinanggal ang kamay ni Luther sa balikat niya.

                “What!”, gulat na saad ni Luther. “Itong mukhang ito? Itong mukhang kinababaliwan ng mga babae? Hindi ako bakla! Hinahamon mo yata ako pare eh. Baka naman ikaw ang bakla?”, ganti ni Luther kay Simon.

                “Mas lalong hindi ako bakla!”, saad ni Simon kasabay ng paglayo niya kay Luther, pagkatapos ay nagtawanan ang magkakaibigan.

                “Akala ko din dati bakla itong si Gerald, kahit kailan kasi di pa nagkameron ng girlfriend o kahit flirt man lang itong anak ko. Pero ngayon, ikakasal na itong binata ko”, saad ng isang baritonong boses mula sa likod ni Gerald na naging dahilan para umayos at tumahimik ang mga kaibigan ni Gerald.

                Sinalubong ni Gerald ng yakap ang kanyang ama. “Dad! Salamat at nakauwi kayo para sa kasal ko”.

                Gumanti naman ng yakap si Mr. Sanchez. “Aba dapat lang! Hindi ako dapat mawala sa kasal ng anak ko. Akala ko hindi na dadating ang pagkakataong ito sa iyo. Akala ko bading ka na talaga.”, saad ni Mr. Sanchez na nagpatawa kina Diego, Simon at Luther.              

                Sinamaan naman ng tingin ni Gerald ang tatlong kaibigan na bigla namang nagpigil ng tawa ng makita ang reaksyon ng binata. Nang tumahimik ang tatlo ay muling tumingin si Gerald sa kanyang ama. “Dad! Hindi ako bading.”, angal ng binata sa ama.

                “Alam ko! Kaya nga ikakasal ka na ngayon di ba? I am proud of you! Magaling kang pumili anak. Talagang ang anak pa ng kaibigan kong si Mr. Fernandez ang pakakasalan mo.”, saad ni Mr. Sanchez habang nakangiti.

                “I love her dad! I love her with all of my heart. Hindi ko kaya na mawala pa siya sa akin. Pinakamamahal ko siya”, sinserong sabi ni Gerald.

                Tumahimik sandali si Mr. Sanchez habang nakatitig sa binata. Maya-maya ay tinapik-tapik ng matanda ang balikat ng anak. “I am happy for you anak. Shall we go? Baka naghihintay na sa iyo si Badette sa simbahan. Ikaw ang dapat ang mauna at hindi ang Bride”.

                “Thank you dad!”, ngumiti ng matamis ang binata ng maalala si Badette. Ang kanyang pinakamamahal. Masayang-masaya siya na makakasama niya habang-buhay ang babaeng minamahal ng lubusan.

                “Let’s go!”, aya ni Mr. Sanchez sa apat habang inaalalayan si Gerald papalabas ng kwarto nito.

                Naghihintay ang lahat sa simbahan lalong lalo na si Gerald sa pagdating ng Bride na si Badette. Kanina pa kasi ang nakatakdang oras para sa pagsisimula ng seremonya ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalaga. Nagbubulungan na ang lahat ng tao sa simbahan, pawang nagtatanong at nagaalala sa nangyari sa dalaga. May ibang haka-haka na baka umurong ang dalaga sa kasal dahil baka mahal pa nito ang dating kasintahan na si Angelo. Nang marinig ng binata ang bulungan ay di niya naiwasan ang hindi masaktan.Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso pero naniniwala siyang darating ang dalaga. Naniniwala siyang nakalimutan na nito si Angelo at siya na ang mahal nito ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marry Your Daughter by SunpriestessWhere stories live. Discover now