Chapter 13

123 5 4
                                    

              Hindi inaasahan ni Badette na makikita niya si Angelo ng umagang iyon. Nagpunta siya sa boutique na pagmamay-ari ng isa sa kanyang mga kaibigan para mamili ng mga damit. Paglabas niya ay nakita niya si Angelo na tila nag-aabang na talaga sa kanyang paglabas sa boutique.

                “Hi!”, bati ni Angelo kay Badette.

                “Anong kailangan mo?”, seryosong tanong ni Badette na nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kanyang kotse.

                “Grabe naman! Wala man lang bang hello?”.

                “Para saan pa?”, tanong ni Badette sa seryosong tinig. “Diretsahin mo na ako. Alam kong may kailangan ka”.

                “Matalino ka talaga Badette. Hindi ka pa rin nagbabago”.

                “Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa”.

                Bumuntong-hininga si Angelo saka tumingin sa dalaga. “Badette, baka pwede pa nating ibalik ang dati”.

                Napariin naman ang pagkakatikom ni Badette sa kanyang mga labi tanda ng labis na pagtitimpi sa kanyang nararamdamang galit. “Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin? Pagkatapos ng panloloko mo? Pagkatapos ng pagdurusa ko? Akala mo ba ganoon lang kadali ang lahat?”, walang emosyong salaysay ni Badette ngunit mahahalata sa mga sinabi nito ang matinding poot para kay Angelo. “Isa pa may boyfriend na ako, kaya huwag ka ng manggulo pa”.

                Papasok na sana ang dalaga sa kanyang kotse ng pigilan siya ni Angelo sa braso. “Please Badette! I’m sorry! I’m really sorry sa ginawa ko sa iyo. Pero nalaman ko na hindi ko pala kayang mawala ka. Yung totoo, mahal pa rin kita”.

                Nagulat si Badette ng bigla na lang may sumuntok kay Angelo na dahilan para bumitaw ang kamay nito na nakahawak sa braso ng dalaga. Nang lingunin niya kung sino ang sumuntok kay Angelo ay nakita niya si Gerald na halata sa mukha ang matinding galit.

                “Layuan mo ang girlfriend ko!”, galit na sabi ni Gerald kay Angelo saka iniharang ang katawan kay Badette.

                “Gerald!”, sigaw ni Badette saka dinaluhan si Angelo na nakahandusay sa sahig. Tinulungan niyang tumayo ang binata habang sapo-sapo nito ang nasaktang panga. “Ano bas a tingin mo ang ginagawa mo?”, pagalit na tanong ni Badette kay Gerald saka tumingin kay Angelo. “Are you ok?”.

                Sa iniakto ni Badetten ay nasaktan ng husto si Gerald. Noon pa man ay alam na niya kung gaano kamahal ng dalaga si Angelo. Iniisip niya nang sagutin siya ng dalaga ay nakalimot na si Badette kay Angelo. Akala niya ay napalitan na niya ang binata sa puso ng dalaga ngunit nagkamali siya.Sa nakikita niyang pag-aalala sa mga mata ni Badette para kay Angelo ay parang hiniwa ng matalim na espada ang kanyang puso.

                Agad tumalikod si Gerald at naglakad palayo. Nakasalubong pa niya ang kanyang mga kaibigan na nagtatanong ang mga mata habang palipat-palipat ng tingin sa kanya at kay Badette na katabi si Angelo.

                “Gerald…”, naputol ang sasabihin ni Luther ng hawiin siya ni Gerald.

                “Get out of my way!”, malamig na sabi ni Gerald sa mga kaibigan habang patuloy sa paglalakad palayo.

                “Gerald!”, tawag ni Badette sa binata ngunit hindi ito tumigil sa paglalakad. Sinubukang humabol ng dalaga kay Gerald at iniwan si Angelo pero hinarangan siya ni Simon, Diego at Luther. “Excuse me! Padaan ako”.

Marry Your Daughter by SunpriestessWhere stories live. Discover now