Chapter 9

85 4 0
                                    

Naiilang man si Badette sa ginawang pag-akbay sa kanya ni Gerald pero bakit parang kay sarap sa pakiramdam ang mapalapit ang kanyang katawan sa katawan ng binata. She feel secured habang malapit siya rito. She feel a warm electrifying wave na gumugulo sa kanyang sistema at parang nanghihina ang kanyang tuhod. Pakiramdam niya mawawalan siya ng lakas anumang oras. Naaamoy rin niya ang amoy tsokolateng pabango nito na siyang kanyang kahinaan. She was a chocolate lover.  

Tumingin siya sa mukha ng lalakeng ngayon ay nakaakbay sa kanya at iginigiya siya palabas ng mall papunta sa parking lot na naroroon sa likod ng mall. Seryoso ang mukha nito pero may masisilayan kang bahagyang ngiti sa mga labi nito. She was amazed on how he carry that expression and it was cute. Naramdaman niyang namula siya ng mapansin niyang masyado na siyang napapatitig sa mukha ng binata.

“Gwapo ba ako?” tanong ni Gerald na hindi tumitingin kay Badette.

“Ha? Ano bang sinasabi mo diyan? Siyempre alam mo na iyon sa sarili mo” sagot ni Badette

“Hmmm…” napakamot si Gerald sa kanyang baba habang nangingiti

Hindi mapigilan ni Badette na hindi titigan si Gerald. Gerald was a good-looking man. Alam niyang madaming babae ang nahuhumaling rito at ayaw niyang magpabiktima sa mga lalakeng katulad ni Gerald. Iniisip niyang katulad lang ang binata ni Angelo na magaling magpaasa at magpaibig at malalaman mo na lang isang araw na pinagtataksilan ka na. Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang natutuwa siyang pagmasdan ang lalake sa ganoong akto. Para itong bata at ang cute nito. Mabuti na lang at naiiwas niya agad ang paningin ng tumingin ito sa kanya.

“Ang talino mo talaga Badette. Alam mong gwapo ako pero mas masarap sanang pakinggan kung sasabihin mong gwapo ako mismo” sabi ng binata at saka mas hinapit ang dalaga sa katawan nito.

“Teka!” naiinis na sabi ni Badette saka inalis ang pagkakaakbay ng binata sa kanyang balikat. “Napasobra na yata ang pag-akbay mo sa akin”

Nawala ang ngiti sa labi ng binata at saka parang nakonsensyang tumingin kay Badette. “Ah! I…I’m sorry. Nadala yata ako masyado sa pag-akto ko” sabi naman ng binata

Nadismaya man at nanghinayang si Badette dahil napalayo siya sa binata ay naging seryoso muli ang kanyang ekspresyon. Humalukipkip siya at saka diretsong tumingin sa binata. Sa kanyang kanang kamay ay hawak niya sa kamay ang teddy bear na bigay ng binata.

“Mr. Sanchez anong nalalaman mo tungkol sa akin?” seryosong tanong ng dalaga.

“Anong nalalaman?” patanong na sagot naman ng binata na nakakunot pa ang noo.

“I know you know something Mr. Sanchez. About my past. Please don’t deny it. Sa iyong bibig na mismo nanggaling kanina na nadala ka sa pag-akto mo” saad ng dalaga.

Matagal na tumitig si Gerald kay Badette. Wari ay naghahagilap ng magandang isasagot sa dalaga. Nakatitig lang ang binata sa mga mata ng dalaga.  Masyado ng matagal ang kanilang pagtititigan at naiilang na si Badette.

“Ano matagal pa ba? Di ka pa ba sasagot?” namumulang tanong ng dalaga bagamat seryoso pa rin at tumingin sa ibang direksyon.

“Ang ganda at ang talino mo talaga Badette” pabulong na sabi ni Gerald ngunit dinig pa rin ni Badette ang binigkas ng binata.

Alam ni Badette na mas lalo siyang namula pero mas nangibabaw ang kanyang pagkairita. Seryoso siya pero heto ang binata at nagawa pang mambola. Sa inis niya ay naibato niya sa binata ang teddy bear na bigay nito. Agad namang nasalo ni Gerald ang kawawang teddy bear.

“Mr. Sanchez! Look I am serious here! Kung di mo ako magawang seryosohin puwes mauuna na ako sayong umalis” sabi ni Badette at saka naglakad palayo ngunit may pumigil sa kanyang kamay. Alam niyang si Gerald iyon kaya agad niyang tiningnan ang binata ng masama. “What?”

Marry Your Daughter by SunpriestessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon