Chapter 15

183 3 8
                                    

Pagod na pagod si Badette sa  trabaho ng umuwi siya sa kanilang mansyon. Agad siyang bumaba ng kanyang kotse at pumasok sa loob ng mansyon at umupo sa sofa. Pumikit siya para ipahinga ang mga matang napagod sa kakabasa ng mga papeles sa opisina. Habang tumatagal kasi ay nagiimprove ang kanilang kompanya at madaming proposal ang nakahain para kaniyang pag-aralan. Masaya siya para sa paglago ng kanilang kompanya pero mukhang hindi na kinakaya ng kanyang katawan ang matinding trabaho. Kailangan na niya ng pahinga at pakiramdam niya ng mga sandaling isandal niya ang katawan sa upuan ay makakatulog na siya.

                Nagulat na lang siya ng may maramdaman siyang naghahawi ng ilang hibla ng kanyang buhok na napunta sa kanyang mukha dahil sa sandaling pagkakaidlip. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasilayan niya ang kanyang ama na nakangiti sa kanya.

                “How was my princess?”, tanong ng matanda.

                “Papa!”, inayos muna ng dalaga ang kanyang sarili at hinagod ng kanyang mga daliri ang mahabang buhok. “I’m just tired. Madami na po kasi akong inaasikaso ngayon. Our business is expanding very well”.

                “I’m sorry Badette for letting you take my responsibility. Ako dapat ang nagtatrabaho para sa ating kompanya”, nalulungkot na sabi ng matanda. Nagresign na kasi siya sa kompanya at ipinasa na niya kay Badette ang kanyang posisyon bilang presidente ng Fernandez Cosmetics Group of Companies  simula ng himatayin siya at sabihin ng doctor na kailangan na niyang magpahinga. Nais na din ni Badette na magpahinga na siya dahil sa pag-aalala  sa kanyang kalagayan kaya nagdesisyon siya na bitiwan na ang pamamahala sa kompanyang kanyang pinaghirapan.

                “No Papa!”, agad na angal ni Badette sa sinabi ng ama. “I’m ok. You’ve done enough. Nagawa na ninyo ang inyong parte all this years sa akin at sa kompanya. You raised me well dad. So for that, I thank you so much Papa!”, nakangiting saad ni Badette saka hinalikan ang kanyang ama sa pisngi.

                Naluluhang tinitigan ni Mr. Fernandez ang napakaganda niyang anak. Masayang-masaya ang kanyang kalooban dahil sa  mga sinabi nito.  Simula ng mamatay ang kanyang pinakamamahal na asawa ay siya na ang nagpalaki dito. Ang totoo, natatakot siya na baka hindi niya nagampanan ng ayos ang pagiging isang magulang sa kanyang kaisa-isang prinsesa. Pero ng lumaki na ito at maging isang ganap na dalaga, alam niya na lumaki ito ng maayos ngunit wala pa ring papantay ng mismong sa anak niya nanggaling na lumaki ito ng maayos at nagpapasalamat ito sa kanya. Bilang magulang, gusto niyang maging masaya ng lubusan ang kanyang prinsesa at alam niya ang tanging tao na makakapagbigay dito ng kasiyahang iyon.

                “Thank you also anak! You are my precious gift and I love you so much my lovely princess”, hinalikan ng matanda sa ulo ang kanyang anak saka niyakap. “I am so proud of you dahil lumaki kang matapang at magaling na babae. I can see your mom in you. Katulad na katulad mo siya”, tumawa ng bahagya si Mr. Fernandez saka nagpatuloy, “Nagmana ka nga sa kanya”. Humiwalay ang matanda sa pagkakayakap kay Badette. “I want you to be happy Badette. You deserve to be happy. You are a wonderful daughter and a great person”, pagkasabi ng matanda ay hinawakan nito ang kamay ng dalaga at niyaya sa bukana ng mansyon ang anak.

                Nang makarating na sila sa bukana ng mansyon ay nagtaka ang dalaga. Natatanaw niya ang langit na punong-puno ng bituwin at gayundin ang bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa harapan ng kanilang mansyon. Naramdaman ng dalaga na may kakaiba kaya nagtanong siya sa kanyang ama. “Why are we here Papa?”.

                Ngumiti lang ang matanda ng tumingin kay Badette saka muling tumingin sa kanilang harapan. “Naalala ko pa noong bata ka. You used to play here. Nakikipaghabulan ka pa sa mga maids natin. Tawa ka ng tawa at walang iniisip na problema. I miss those days. Napakasaya mo kahit na alam kong hinahanap mo ang kalinga ng isang ina”.

Marry Your Daughter by SunpriestessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin