Marry Your Daughter

585 7 0
                                    

Teaser

                Masyadong nasaktan si Badette sa ginawa sa kanya ng kanyang kasintahan. Ito ang unang taong kanyang minahal ngunit ito rin ang unang nagwasak ng kanyang puso. Naging miserable ang kanyang buhay at para sa kanya ay wala nang katuturan ang pag-ikot ng mundo.

                Nasasaktan naman si Mr. Rogelio Fernandez habang nakikita niya ang kanyang anak na si Badette na nagdurusa dahil lang sa isang walang kwentang lalake. Kilala niya ang kanyang anak, kung magmahal ito ay totoo ngunit ang walang kwentang lalakeng iyon ay sinayang lang ang pagmamahal ng kanyang anak. Mahal na mahal niya si Badette kaya matapos ang trahedya sa buhay nito ay naging overprotective na siya rito.

                Pagkakataon marahil ang dahilan kung bakit nakilala ni Gerald si Mr. Fernandez. Nang masilayan niya ang anak nitong si Badette ay nahulog ang kanyang loob sa dalaga. Gusto sana niyang alamin at pawiin ang kalungkutan sa pagkatao ng dalaga ngunit lagi siyang hinahadlangan ng ama nito.

                Ano ang gagawin ni Gerald para makuha ang approval ng ama ni Badette? Nainlove na talaga siya sa dalaga kaya kailangan niyang gumawa ng paraan. Kahit magdildil ng asin gagawin niya magkameron lang ng pogi points sa overprotective na ama ng dalaga.

Marry Your Daughter by SunpriestessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz