Noon: pwede kang magselos dahil kayo.

Ngayon: wala ka ng karapatang magselos dahil wala na kayo.

Noon: pinapaasa mo siya.

Ngayon: ikaw na ang umaasa sa kanya.

Noon: naiinis ka dahil pinagbabawalan ka sa mga bagay-bagay.

Ngayon: naiinis ka dahil kailangan mong sanayin ang sarili mo na wala na siya para pagbawalan ka.

---------------------------

Paasa Pa-fall

 

Bakit nga ba may mga ganyang tao? nakakatuwa ba magpaasa? Nakakatuwa ba tignan na nagdurusa yung taong pinaasa mo sa wala? Kasi diba, kakausapin mo sya, maglalandian kayo, tatawagin mo sya ng “mahal ko” “babe” “honey” at kung ano ano pang endearment. Tapos sya naman kilig na kilig, pero sayo? Joke lang lahat. Oo napapasaya mo sya, pero kapag nandun ka na sa mahal mo talaga, sobra syang nasasaktan.nakakagalit talaga ang paasa, kasi papasahin ka nila sa wala. Papaasahin na may care sya sayo, yung care na gusto mo. Pero wala. FRIENDS lang talaga. Iba kasi e. Iba talaga. Minsan ayaw mo na umasa. Nakakalimutan mo na sya, nakakalimutan mo na yung mga ginagawa nya sayo. Happy ka na. TAPOS BIGLA SIYANG MAGPAPARAMDAM ULIT ?! Ay gaguhan talaga. Nakakainis talagaa! Parang ayaw nila nang nalilimutan sila.

---------------------------

Types of PAASA:

 

Ang Playboy-Ito yung hahayaan kang mahulog sakanya pero di ka naman niya sasaluhin.

The Innocent-Eto naman yung turing niya sayo ay kaibigan lang at di rin niya alam na may gusto ko na pala sakanya.

Ang mangi-iwan-Ito naman yung makikipag-fling sayo pero pag nalaman niya na mag gusto din sakanya yung isa pa niyang crush, iiwan ka na.

---------------------------

♥ Naaalala ko yung mga .....

 

panahon na nakakatext ko sya panahon na ang sweet at ang thoughtful nya panahon na nakakapag-puyat ako dahil sa kanya panahon na inaaalala nya ako kung kumain na ako panahon na kapag di ako okay kinocomfort nya ako panahon na sinasabi nya na namimiss nya ako panahon na sinusuyo nya ako, kapag ako ay nagtatampo panahon na pinapatawa at pinasasaya nya ako......AT YUNG PANAHON NA AKALA KO MAGIGING TAYO

(pero mas pinili mo sya at pinaasa mo ako)

 

---------------------------

 

3 SIGNS na nawawalan na sya ng gana sayo:

—>Dry sya kung magtext!

—> Pag kasama ka nya. ndi sya masaya!

—> Yung ginagawa nya dati, wala na ngayon!

2 SIGNS na pagpapakitang may mahal siyang iba:

—> Minsan ka na lang nyang itext!

—> Wla na yung words na ILOVEU at tawagan nyo!

1 SIGN na hindi ka na nya mahal:

—> Maghahanap sya ng dahilan para magalit ka ng bonggang bongga!

---------------------------

 

♥ Malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag:

 

- namimiss mo ang kakulitan niya.

- namimiss mo ang mga text niya sayo.

- namimiss mo ang napakalakas niyang tawa.

- namimiss mo yung mga ngiti na dati rati hindi mo pinapansin.

- at ang mga pang-aasar niya sayo na ngayon hinahanap-hanap mo.

---------------------------

 

♥ Nagbago ka na nga ba?

 

Feeling mo marami na nagbago. Yung parang hindi na sya katulad ng dati. Yung mga dati nyang pinapakita sayo unti-unti na yung nawawala. Nagbago ka na nga ba? napapaisip na lang ako siguro nga totoo yung sinabi nila na kapag lumayo ka sa isang tao, lumalayo na ring yung loob nila sayo. Yung feeling na parang wala na syang pakielam sayo, habang tumatagal napapadalas na yung hindi pagkakaintindihan nyo. Lumalayo na nga ba loob nya sayo? minsan di ko ring maiwasang isiping siguro may nagugustuhan na syang iba o sadyng wala na syang panahon sakin. Madami akong naiisip. Pinaka worst na ata na naisip ko.. siguro ayaw nya na sakin. Kung pwede nga lang mag umpisa ulit kami.

---------------------------

 

"Mahal at Mahalaga"

 

Ang salitang“MAHALaga at MAHAL”ay may kaibahan.May mga taong mahalaga sa iyo kahit hindi mo naman mahal o gusto..May mga tao rin namang mahal mo pero di mo kayang pahalagahan nang husto…Ano ngayon ang mas maganda? Ang sabihing mahal ka niya? O ang sabihing mahalaga ka sa kanya?Walang silbi ang mga salita kung di kayang ipakita sa pamamagitan ng paggawa.

---------------------------

 

♥ Matuto kang magpahalaga sa taong iniingatan ka. Mahalin yung taong minamahal ka ng sobra. Hindi yung saka ka maghahabol kung kailan wala na.
Kadalasan kasi saka lang tayo MANGHIHINAYANG, pag iba na ang NAKIKINABANG 

 

---------------------------

 

♥ Ang gusto at ang mahal. Bow!

 

Yung mga tao ngayon di na ata alam yung pinagkaiba ng dalawang yan.Halos same lang daw, Pag sinabihan ka ng "gusto kita" mahal ka na agad?! EKSAHERADA! ako din naman di ko rin naman alam yung difference pero ang sa akin lang,

--- ANG GUSTO:

Gusto kita KASI mabait ka.

Gusto kita KASI maganda/ gwapo ka.

Gusto kita KASI matalino ka.

--- ANG MAHAL:

Mahal kita KAHIT ang sama sama mo sa akin.

Mahal kita KAHIT panget ka.

Mahal kita KAHIT ang shunga mo.

---------------------------

 

♥ Bakit masakit yung katotohanan na minsan kahit gaano ka sweet, ka lambing, ka close, ka bait sayo ng isang tao. Hindi ka pa din niya kayang mahalin? Simple lang. .. Dahil hindi mo tanggap na kahit gaano ka man kahalaga sa kanya, bumabalik pa rin sa katotohanan na.. .. Iba pa rin talaga ang mahal sa mahalaga. 

Quotes Nating LahatWhere stories live. Discover now