♥ Vice ganda & Mr. Assimo lines

36.4K 93 5
                                    

VICE GANDA


♥  Sa Opisina:

vice: pasok mo nga dito yung mga papeles ko..
assistance: ser saan ko ipapasok , dito sa loob"?
vice: hinde sa labas, ipasok nga diba.pwede bang ipasok sa labas, sige nga subukang mong ipasok doon sa labas


♥   Another Day:
Kararating Lang sa Opis..
assistance: hi. good morning po ser nandito na po pala kayo
vice: hinde wala pa, picture ko lang toh, hindi pa ako to

♥  Patay:
vice: umiiyak sa harap ng kabao ng tatay
dumating si bestfriend, hinimas-himas yung likod ni vice
bestfiend: uy, okey ka lang?
vice: ikaw hayop ka, patayin ko tatay mo? okey ka lang!!!!
vice: ********* ka tatay ko nasa kabao, tapos tatanungin mo ko kung okey ka lang!!!
vice: okey lang ako, ako pumatay eh..bigtime! success patay na eh.. nasan tatay mo sunod na naten?!!! para okey ka den


♥ Fastfood:

Vice: (Umupo)
Waiter: Gud afternun po! Kakain po kayo?
Vice: Hindi, magluluto, tutulungan ko chef nyo.. Kakahiya naman nakiupo ako dito tapos hindi pa ko tutulong.. Bilis na.. Gusto mo tulungan pa kita sa mga customers nyo.. Tapos aasenso business nyo.. Edi masaya, di ba? Umunlad na kayo, nagutom pa ko.. Ang galing noh?


♥  Vice nakaupo sa park.. Walang nakaupo sa ibang upuan:

Manong: Pwede po bang umupo dito?
Vice: Hindi, tinatalunan yan.. Nakikita mo di ba, ang daming nakaupo.. Mamaya tatalunan ko yan.. Tapos sabay nating gagawin.. Sama na rin natin yung mga dumadaan.. Para mukha tayong mga baliw lahat.. Bilis na, simulan mo na.. Maya-maya lang susunod ako.

♥  (Sa gasoline station, pagbaba nya ng window)
Gas boy: Magpapagas po?
Vice: Hindi magpapaconfine ako. Malamang magpapagas, gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito, tapos dextrose ko 'yung unleaded gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.


♥  (Sumakay siya ng jeep na walang laman papuntang palengke)
Vice: Manong bayad po.
Manong: Ilan ‘to?
Vice: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo 'tong jeep.


♥  (Bababa na sya)
Vice: Manong, para.
Manong: Bababa ka na?
Vice: Ay hindi manong, sasakay ako. Sasakay ako ulit, dun naman ako sa bubong, mas presko kasi dun.

♥  (2nd attempt)
Vice: Para ho.
Manong: Dyan ba sa tabi?
Vice: Ay hindi manong. Dun ako sa gitna, sa gitna para masagasaan ako.


♥  (Binaba siya sa gitna)
Vice nabundol ng isa pang jeep…
Manong: Nasaktan ka ba?
Vice: (naasar) Ay hindi, nag-enjoy ako. Ulitin natin, bungguin mo pa. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi! Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo skin feelings mo, kaya na-enjoy mo, sige magbungguan tayo. Laruin natin, ipauso natin, bunggu-bungguan.

♥  (after kumain sa isang restaurant with friends, sumenyas si vice, nag-sign siya sa waiter gamit ang dalawang kamay para sa bill, yung korteng square na pagkakasign)

waiter: sir, bill po?
vice ganda: ay hindi, magpapapicture. hindi kasi kami nabubusog pag hindi nagpapapicture pagkatapos kumain eh.

MR. ASSIMO (BUBBLE GANG)


mr. assimo: boy ung basura ilabas mo mamaya ah may mangaakot mamaya!
boy: ilalabas ko sir?
mr. assimo: ai tinatanung mo ako kung ilalabas mo ang basura? hindi ipasok mo sa ref baka masira ata mamaya ako na lang maglalabas baka mapagod ka hiyang hiya naman ako sayo nuh!

 Mr. Assimo: Ipa xerox mo itong documents.
Assistant: Sir ngayon na ho?
Mr. Assimo: ah hindi. Mamaya na lang, o bukas, o sa makalawa, o sa susunod na linggo, taon, etc. Hindi lang naman yan importante. Ako na lang ang magpapa xerox. Baka mapagod ka. Hiyang hiya naman ako sa yo no.

♥  Mr.Assimo: Day!
Inday: Sir?
Assimo: Inday bagay ba sakin tong salamin?
Inday: Yung totoo po?
Assimo: Wag totoo! Yung kasinungalingan,yung kathang isip lang! Mahihirapan ka bang gumawa ng totoo?!!!! HIYANG HIYA AKO SAYO NOH!!!!

♥  Mr. Assimo habang nagpapaaudition 

mr. Assimo: game anung talent mo?
Girl: sasayaw po.
Mr. Assimo: sige sumayaw kana.
Girl: dito po?
Mr. Assimo: aiii hindi dun sa kabilang studio yung hindi ko nakikita para majudge kita hiyang hiyang naman ako sayo nuh


Quotes Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon