♥ Usapang lalake 101

16.1K 55 1
                                    

Kahit na sinong mga matatalinong mga iskolar ng bayan at pati na rin ang mga hinahangaan nating mga pantas eh hindi talaga alam kung ano ba talaga ang tinatakbo ng utak ng mga babae.Masyadong komplikado kung mag-isip ang babae kayat minsan wala tayong ka-alam-alam na meron na pala siyang dinaramdam sa atin.Isa ito sa pinakamalaking misteryo na nakabalot sa mga babae.Kadalasan, ang kinahahantungan lang ng mga lalakeng nagtangkang maintindihan ang mga babae na walang experience sa ganitong mga bagay eh nagmumukhang tanga, trying-hard, may tililing sa utak o 'yung mga taong emosyonal kung mag-post sa Facebook.Kung meron kang plano sa target na chika, isa sa pinakamabisang move na gagawin mo ay ang malaman kung ano ba talaga ang mga hinanaing at gusto ng babae.Dahil para mapa-ibig ang babae, dapat meron kang plano.Meron kang mga sinusunod na guidelines at ethics sa target na chika ng hindi magmukhang ewan kapag kaharap na s'ya.Concern ako sa kapwa ko mga lalake kaya gumawa ako ng konting listahan para hindi kayo mapariwara sa tatahakin ninyong landas.Listahan ito tungkol sa nakabalot na hiwaga kung papaano maintindihan ang mga babae.

1.Maging simple- Isa sa mga pinakamaling hakbang kapag pumoporma sa isang chika ay ang magmukhang arogante at mayabang.Isang malaking 'turn-off' ito sa mga babae mga babs.OK lang naman kung tutuusin ang napakalaking tiwala sa sarili o 'confidence' pero kung sosobra natural nakakasama.Dahil sa utak ng babae, kung totoo man 'yang mga pinagyayabang mo sa kanya hindi mo na ito ipagsisigawan sa kanyang harapan o sa madla.Mas appealing sa isang babae kung sa ibang tao n'ya marinig ang mga achievements mo o ang pagkagwapo mo kaysa marinig n'ya ito sa bibig mismo ng lalake.

2.Huwag maging 'demanding'- Isa din itong malaking 'turn-off' sa isang babae, ang pagiging demanding.Alam n'yo mga babs kung masyadong needy ang isang lalake, nangangahulugan lang ito na hindi maganda ang takbo ng relasyon mo sa kapwa mo dahil kinakain mo na lang lahat ng kanyang atensyon.Walang matinong babae ang mag-iisip na dapat siya na lang parati ang nasa isip ng isang lalake dahil kadalasan, nagiging isa ito malaking pabigat kinalaunan.Payo ko sa inyo mga babs, kung gusto n'yo talaga ang chika, sundin lang ito.

3.Maging totoo sa sarili- Alam n'yo babs kahit na hindi ka man kagwapuhan sa paningin ng iba o mismo sa target na chika hindi ito magiging hadlang para mapasagot ang babae.Sa panahon na ito na naglipana sa eskinita ang mga gwapong lalake na may tinatagong bonggang-bonggang pagkatao o in short shutey o bakla, minsan na lang makakakita ng mga lalake na as in lalakeng-lalake talaga.Kung ikaw mismo sa sarili mo presentable ka sa harap ng chika, pwede na 'yan.Dahil sa utak ng babae, kung papaano mo pinapahalagahan ang sarili mo eh 'yun din ang iniisip n'ya na pagpapahalaga na ibibigay mo kung sasagutin ka man n'ya.

4.Maging 'attentive'- Isa ito sa bumebentang pamamaraan kapag pumoporma sa chika, ang maging attentive.Binibigyan n'ya ng malaking puwang sa puso n'ya ang lalakeng pinapahalagahan ang kanyang mga saloobin, hinanakit, o opinyon sa mga bagay-bagay.Dahil gusto ng mga babae na meroong taong makikinig sa kanya at magpapayo sa kanya.Kaya kung meron man s'yang i-share sa inyo tungkol sa kanyang nararamdaman mga babs, unawain ang sitwasyon at payuhan ng kung ano ang pwedeng magandang solusyon na maiisip mo.

5.Mahalin ang sarili- Kung gaano mo kamahal ang sarili mo, sa utak ng babae, ganoon din ang ibibigay mong pagmamahal sa kanya.Kahit na basurero ka man o ikaw si Justin Bieber, kung makikita ng isang babae na mahal mo talaga ang trabaho mo eh mahuhulog at maa-attract talaga s'ya sa'yo.Nasa utak na talaga ng tao mapa-lalake man o babae ang mabighani sa mga mababait na tao.

Quotes Nating LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon