♥ Pag-ibig na nga ba ito ?

22.7K 50 2
                                    

Paano mo malalaman na pag-ibg nga yan? :)

- Kakaiba talaga ang nararamdaman mo para sa taong iyon. Pero paano mo malalaman kung ang pakiramdam mong ito ay pag-ibig nga talaga? Itanong ang mga tanong na ito sa iyong sarili.



1. Handa ba akong pakawalan siya sakaling "dapat" talaga ito?

2. Handa ba akong maghintay sakaling hindi siya payag na makipagsiping siya sa akin?

3. Ganoon pa rin ba ang pakiramdam ko kung sakaling tumaba siya o pumayat siya?

4. Handa ba akong isakripisyo ang mga pangarap ko para lang matupad ang mga dreams niya?

5. Ginagalang ko ba siya't sinasamba?

6. Ganoon pa rin ba ako sa kanya sakaling magkasakit siya?

7. Kung nag-aaway kami, ganoon pa rin ba ang pakitungo ko sa kanya?

8. Kung "No" ang sagot mo sa alin mang questions na ibinigay, tanungin mo muli ang iyong sarili kung bakit mo ibinigay ang sagot na iyon. Hindi kaya kawalan ito ng tiwala? Natatakot ka ba? Hindi kaya pagiging makasarili ang tawag doon? O kailangan mo pa ng time para makilala n'yo ang isa't isa?

9. Kung sinagot mo ng "Yes" sa lahat ng mga katanungang ito, ibig sabihin you feel very strongly about this person. Ibig sabihin nito maaring IN-LOVE KA TALAGA! :)

--------------------


TIPS :

♥ Kung ipinapalagay mo na in-love ka, natural ito dahil maaring binabase mo ang iyong desisyon sa iyong sagot. Be careful! Ang desisyon ay hindi dapat galing o bumabase sa "LOVE" lang. Dapat mo ring tignan ang "respecT", "commitment" at "trust"



♥ Tanungin mo ang iyong sarili kung naniniwala kang in-love ka talaga. Huwag mong i-pressure ang iyong sarili na malaman kung ang nararamdaman mo talaga ay "love" At huwag mo rin hayaang ma-pressure ka ng iba tungkol dito.



♥ Kug hindi ka sure sa sagot mo ngayon, bigyan mo ang iyong sarili ng chance o time - months o year para malaman kung ano talaga ang nangyayari sa iyo at sa surroundings mo. Then and only then, malalaman mo kung ano ang tamang sagot sa mga questions mo.

Quotes Nating LahatWhere stories live. Discover now