Chapter 29 : Her Wish

Start from the beginning
                                    

“Bakit lumalaban pa rin siya?” ang tanong ko sa kanila. “George, sumuko ka na para hindi na kami mahirapan pa.” ang bulong ko sa kanyang tainga. Hawak hawak ko pa rin ang kanyang kamay habang nakalapat sa aking mukha.

“She's a fighter! Manang mana talaga siya sa akin. She's a strong woman, a warrior and a hero.” ang tugon ng governor. “Anak, tanggapin mo na. Tanggapin mo na, talo ka na sa laban.”

“M-mister?” muli akong napaangat ng tingin sa kanya ng marinig ko ang mahinang boses na iyon. Natahimik kaming lahat at nakatingin lang kay Georgina. “Mister.” mahina pero sapat upang marinig ko.

“Georgina!” ang saad ko. “She's awake Tito!” ang tawag ko sa kanila.

Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Deretso ang kanyang tingin na parang hindi niya ako nakikita. Marahan pa siyang ngumiti sa kawalan although hindi niya nga naigagalaw ang kanyang buong katawan.

“A-anong gusto mo?” ang tanong ko. Inabotan ako ni Tita ng isang basong tubig na pinainom ko naman kay Georgina.

“Mister.” ang sabi niya. Hawak ko pa rin ang kanyang kamay na nakadampi sa mukha ko. “Kahit hindi na ako makakita, nakaukit na ang gwapo mong mukha sa aking isipan.”

“George.” ang sabi ko.

Tumingin ako kila Tita at sa governor. Naintindihan naman nila ang aking tingin kaya lumabas muna sila ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni Georgina. Tumabi ako sa kanya sa paghiga. Nakapatong ang kanyang ulo sa aking braso habang hawak hawak ko naman ang kanyang kamay. Balot na balot ng emosyon ang kwartong ito.

“K-kung iiwan mo na ako. Wag mo na kung intindihin. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Nag-iisa ka lang sa puso ko.” ang emosyonal kong sabi sa kanya. “Kung hanggang dito na lang tayo, wala tayong magagawa. Tama na yung pakikipaglaban mo para sa ating dalawa.”

“M-mister, sumusuko ka na ba?”

“Hindi. Pero kailangan. You're tired Georgina. Pagod ka na. P-pagod ka na.” ang sabi ko kasunod nun ang pagbagsak ng aking luha. Kinabig ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi.

“I wish... I wish, I could stop time para hindi na matapos ang gabing 'to. I want to be with you for the rest of my life.”  ang natatandaang sabi niya sa akin noon.

Kung pwede nga lang itigil ang oras baka matagal ko ng ginawa.

“Did you still remember the time nung tinanong mo ako kung anong wish ko? This is the right time for you to know Mister.”

***

“Come on magwish ka!”

“Kailangan ba?”

“Yes! Say it loud!” sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Really?

My wish is to be with you forever.ang hiling ko sabay tingin ko sa kanya.

“Oh my god. Nawala na yung meteor! Ang tagal mo kasi.”

“Now its your turn! What is your wish?”

***

Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya habang hawak hawak ko pa din ang kanyang kamay.

“Naalala mo pa rin iyon?”

“O-oo.” ang mahinang sambit niya. Natahimik siya ng matagal bago nagsalita ulit. “I want to see you happy Mister. Gusto kong maging masaya ka kapag wala na ako.”

“George----”

“Alam kong hindi mo ko bibiguin. You deserve to be happy. Wag mong ikulong ang sarili mo sa akin.” iniangat ko ang aking tingin sa kanya at tinitigan siya sa kanyang mga mata. “Ligawan mo ulit si Kara. Mabait siya. Alam mo bang bagay na bagay kayo? Siguro kung hindi ako dumating baka nga kayo na ulit.”

“George please.”

“Mister pwede mo bang gawin iyon para sa akin? Can you court her?”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang binabasa ko, kung ano ang nasa isip niya.

“Kapag, wala na ako. Pwede bang dalawin mo pa rin sila Mommy at Daddy. Alam kong napalapit ka na sa kanila. Hindi na iba ang turing nila sayo.”

“A-ako ng bahala.”

“Promise mo sa akin tutuparin mo yung hiling ko. Iyon lang ang kahilingan ko.” saka siya ngumiti ng pilit at niyakap ko siya ng mahigpit.

Isang tagpong pamamaalam. Pamamaalam sa taong mahal na mahal mo. Sa konting panahon ay sobra akong napamahal sa kanya. Despite of her condition ay nagawa ko pa rin siyang mahalin. Maybe, ganon kapower ang love.

“Alam mo, kahit patay na ang aking katawan, my heart is still beating on you. Even I lost my memory sometimes, konting bulong mo lang, bumabalik na agad ang alaala ko. Kahit madilim na ang aking nakikita, tandang tanda ko pa rin ang hugis ng iyong mukha. Mister, I love you or should I say farewell.”

Hindi ko napigilan ang mapaluha dahil sa kanyang mga sinabi. Alam kong pagod na siya at nanghihina at siguro ito na rin ang tamang pagkakataon na kailangan ko ng tanggapin at ihanda ang aking sarili.

“George, thank you. Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Hinding hindi kita kakalimutan kahit na wala ka na. You're still in my heart, forever.”

“May mga bagay na hindi nagtatagal Mister. Kung dumating man iyong panahon na makalimutan mo ako para sa ikakabuti mo, it's okay. Mas tatanggapin ko pa iyon kaysa namang naaalala mo ako, kung nasasaktan at nahihirapan ka naman. Mas mabuting makalimutan mo ako.”

Pinahid ko ang aking luha at muling tumingin sa kanya. Walang luha sa kanyang mga mata pero ako naglalandas pa rin ang aking mga luha hanggang sa tuluyan na akong napahikbi sa kanyang dibdib. Hindi ko na kaya.

Vote and Comments po :)

PA-Help naman ako guys. Please recommend my story sa mga kaibigan ninyo. Malaking bagay na yun para sa akin.

Follow niyo din po ako sa Facebook and Instagram :)

FB : Chad Escorel
IG : Alisajin

Mamats.

----

Kuya Chad :)

His MillionaireWhere stories live. Discover now