Chapter 13 : The Governor

4.2K 86 5
                                    

•Hector's POV•

Dinala namin ni Nurse Mary si Cristine este Georgina. Sanay pa din akong tawagin siya sa pangalang Cristine! Ayuko ng maalala ang bahaging iyon ngayon.

Ang lakas ng kaba ko habang nakasakay kami sa bangka. Isang maliit na bangka na kayang magpalubog sa amin. Konting hampas lang ng alon ay paniguradong lulubog ang bangka. Mabuti na lamang at nakipagcooperate ang panahon. Papalubog na din ang araw at kailangan naming makarating ng mas maaga sa bayan ng isla.

Doon ay matutugan ang pangangailangan niya. Hindi rin ako mapakali dahil sa oras na may mangyare kay Georgina ay ako ang mas may kasalanan dito.

Pagdating namin ng pantalan ay mabilis namin itong ipinasok sa ospital. May kalayuan ang ospital mula sa pantalan. Buhat buhat ko si Georgina na wala pa ring imik at tahimik na nakatingin sa malayo.

Humingi agad ako ng assistance mula sa mga nurse na naroon. Pansin ko ang sobrang daming pasyente. Ang iba halos ay nakaupo na lamang dahil walang mahigaan o makuhang kwarto. Anong klaseng hospital ito?

I can't imagine na ang laki laki ng pondo para sa kalusugan pero bakit kulang pa rin? Sobrang salat sa medisina at kaalaman ang mga staff nurse ng ospital na ito. Mabuti na lamang at kasama ko si Nurse Mary.

Hindi ko alam kung saan kami makakakita ng pwesto na pwedeng higaan ni Georgina. Minabuti ko na lamang na kargahin ito. Maski upuan ay wala kaming makita dahil sobrang overpopulated. Sa sobrang ganda ng mga isla ay ganito naman kasalat ang kanilang ospital. Parang pinagkaitan ng salapi at mukhang tinipid.

“Thank you.” ang narinig kong sabi ni Nurse Mary mula sa staff na tumulong sa kanya.

May iniabot naman sa amin na wheelchair kaya napaupo ko na din si Georgina. Alam ko hindi pa sapat iyon bilang pundasyon ng kanyang katawan.

“We can't stay here.” ang sambit ko kay Nurse Mary at muling ibinaling sa mga pasyenteng naririto ang aking paningin. Hindi ko maatim at kayang titigan ng matagal ang kanilang sitwasyon. Pakiramdam ko, nagtatiyaga sila sa ospital na ito at nag-aantay ng isang milagro.

“This place is not safe for Georgina. We need find! Kailangan natin maghanap ng iba pang ospital.” ang sabi ko kay Nurse Mary. That's the only option na pwede naming gawin. Ayukong mag-antay dito at hintayin ang susunod na mangyayare.

“Pero Hector, ito lang ang kaisa-isang ospital sa isla. Tatawid pa tayo ng dalawang oras sa bangka para makarating sa City.” ang paliwanag niya sa akin.

“Ano pang hinihintay natin!? Tara na!”

“No Hector! Walang biyahe ang bangka pag ganitong gabi na. Masyadong delikado para sa kanila. Ipagpabukas na lamang natin ito. Okay pa naman ang mga signs ni Ma'am. Maybe nakalimutan niya lang inumin ang kanyang gamot.”

Napahugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kong kaya kong mag-antay ng ilang oras. Gusto ko na siyang madala sa ospital. Gusto kong malaman ang kanyang kalusugan.

Kung okay pa ba siya? Para akong napaparanoid sa kakaisip sa kanya. It's all my fault. Hindi ko sana hinayaang mangyare ito sa kanya. Kasalanan ko.

Mag-aantay kami dito hanggang umaga para lang makatawid ng dagat. Nagpaalam ako kay Nurse Mary na lalabas ako ng ospital. Nang makalabas na ako ay mas lalo akong naguluhan, natakot at sobrang lakas ng aking kaba.

Alam ko magagalit siya sa akin kapag ginawa ko ang ayaw niya. But I have no choice kailangan nilang malaman ang kondisyon ni Georgina.

Huminga ako ng malalim at dinukot ang cellphone ko na nasa bulsa ng short ko. Mabuti na lamang ay may signal na sa bayan. Nanginginig pa nga ang aking kamay habang nakahawak sa phone ko.

His MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon