Chapter 21 : First Date

3.6K 69 2
                                    


•Hector's POV•

Inimbitahan ako ng governor na doon na raw ako mag dinner sa kanila. Madali kong tinapos ang aking gawain sa kumpanya. Umuwi ako ng mansyon upang magpalit ng damit. Hindi ako mapakali kung alin ang isusuot ko. Gusto ko kasing mag mukhang desinte sa paningin ni Georgina. Magmukhang tao. Daig ko pa ang isang babae sa ginagawa ko. Hindi ako makadecide kung anong isusuot ko.

Now I know, kaya matagal magbihis ang isang babae dahil nahihirapan silang pumili ng isusuot. Just like what happen to me.

Biglang pumasok si Ate sa kwarto ko. Buti na lang at nakapants ako. Nakalimutan ko pa lang i-luck ang pinto. Halos magulat naman siya ng makita ang mga kalat na nasa ibabaw ng kama. Mga damit na sinukat at hinubad ko.

Tinawanan niya pa nga ako dahil para raw akong babae. Wierd lang dahil ngayon lang ako naging concervative sa isusuot ko. Dati okay lang na v-neck shirt at coat lang ang suot ko kapag umaalis tapos ngayon, pinapagulo ko pa.

Tinulungan ako ni Ate na mamili ng isusuot bago iyon ay tinanong niya ako kung saan ako pupunta dahil sa get up ko. Sinabi ko naman sa kanya na inimbitahan ako ng governor na mag dinner sa kanila. Nakiusap naman ako sa kanya na siya na ang bahalang magpalusot kung nasaan ako. Alam ko naman hahanapin nila ako.

Pinagmasdan ko ng maigi ang aking sarili sa harap ng salamin. Wearing a black long sleeve. Inayos ko pa ang buhok ko sa harap ng salamin. Isinuot ko din ang isa sa favorite watch ko. Bagay na bagay sa akin ang suot ko.

“Hindi ba panget?” ang tanong ko kay Ate sabay halukipkip niya ng tawa.

“Bagay nga sayo. Wala ka bang tiwala sa fashion taste mo? Magaling ka kaya magdala ng damit. At isa pa, wala sa kasuotan ang sukatan sa lahat ng bagay dito sa mundo nasa kung paano mo sila pakisamahan.” ang saad ng ate ko.

“Oo na.” ang pagsuko ko saka ko siya nginitian.

Dinampot ko ang susi na nasa table at inilagay sa bulsa ko. Nagpaalam na ko kay Ate bago lumabas ng kwarto. Mabuti na lamang at wala pa sila Mom and Dad kaya malaya akong makakalabas ng mansyon.

Palabas na sana ako ng main door ng biglang---

“Where are you going?” ang biglang pagsulpot ni Mom. Nagkatinginan pa nga kami at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na pupunta ako kila Georgina dahil alam kung pipigilan nila ako. Ang alam kasi nila hindi pa kami okay ng governor. Wala din akong lakas ng loob na sabihin sa kanila.

“Somewhere?”

“Hector saan ka pupunta? Masyado ng gabi!?” ang tugon ni Mom sa akin.

Istriktang babae si Mom. Naalala ko pa nung bata pa kami ayaw na ayaw niyang nagkakamali kami. Sobrang protective lang siguro nila.

“Mom may dinner si Hector with Mr. Basco.” ang singit naman ni Ate.

“Mr. Basco?” nagkatinginan kami ni Ate sa tanong ni Mom. Hindi ko rin kilala kung sino si Mr. Basco. Patay na!

'Yung owner ng coffee shop malapit sa company.” ang sagot ni Ate. Agad naman akong tumango at sumang-ayon kay Ate.

“Bakit hindi namin alam?”

“Mom matanda na kami. We can manage it well. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay dapat alam niyo ang ginagawa namin. We have our own privacy.” ang saad ko na siyang kinagulat ni Ate at maging si Mom.

“Mom, I mean--Nagbibiro lang ang anak ninyo. Go ahead Hector baka malate ka pa. Ikumusta mo ko kay Mr. Basco.” saad ni Ate at pinagtulakan na ko palabas ng mansyon. Sinamantala ko naman iyon at agad na pumasok sa loob ng sasakyan.

His MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon