Chapter 26 : Paint of Love

3.3K 68 5
                                    

•Hector's POV•

Hindi ko alam kung anong bukas ang nag-aantay sa akin kung sakaling kunin na nga siya sa akin. Anong bukas ang gigising sa akin? Paano ko haharapin ang bukas kung wala na ang taong naging mundo ko. Ang taong nagbigay kulay sa madilim kung mundo.

Anong bukas ang meron para sa akin?

Kahit ilang beses kung sabihin sa aking sarili na wag akong malungkot, wag mag-alala, wag matakot pero iyon at iyon pa rin ang lumalabas sa akin. Lungkot, nag-aalala at takot.

Kahapon nung ihatid ko si Georgina sa mansyon ay kinausap ako nila Tita at ang governor. Kinausap nila ako na kailangan kung maging matatag. Deserve ko daw maging masaya. Huwag daw akong matakot na ipagpatuloy pa ang buhay. Nagpapasalamat sila sa akin, kahit sa konting panahon ay nakita nilang naging masaya si Georgina. Hindi ko napigilan ang mapaiyak sa harap nila dahil kapag naiisip ko kung anong mga pinagdaanan naming dalawa, nahihirapan pa rin ako. Sobrang hirap.

Bakit kailangan may mang-iwan? Bakit kailangan pang may mawala? Diba pwedeng wala na lang umaalis? Diba pwede iyon?

Napabuntong-hininga ako ng malalim habang inaantay ko si Kara. Nagpasya akong sunduin siya dahil sasama raw siyang pumunta kila Georgina. Okay na rin naman kami. Masaya ako dahil nandirito siya upang damayan ako at maging si Georgina.

“Hector!” ang tawag niya sa akin. Malapad ang mga ngiti niyang nakatingin sa akin habang naglalakad palapit. “Sorry ha. Kanina ka pa?”

“Kakarating ko lang.” ang sagot ko. Napadako ang aking tingin sa dala dala niya. “Ano 'yan?”

“Ah. Ito, makeup kit! Gustong magpaayos ni Georgina sa akin.”

“Really?”

“Oo. Namiss niya raw kasing mag makeup. Alam mo na, girls thoughts.” ang saad niya.

“Allergy siya sa makeup. Hindi niya ba nasabi sayo?” ang alalang sabi ko.

“Let's go na nga. Basta ako ng bahala.” saka siya pumasok sa loob ng sasakyan. Napailing na lamang ako sa kawalan at sumunod na pumasok sa loob.

Hindi naman naging awkward sa loob dahil kahit paano ay nag-uusap naman kami. Naging kaibigan ko naman dati si Kara. Masaya niya pa ngang kweninto sa akin si Georgina. Puro magagandang salita ang mga naririnig ko mula sa kanya.

“Alam mo, bilib ako kay Georgina. Kasi, kahit na may malubha na siyang sakit nagiging positibo pa rin siya. Gusto niya, bago siya mawala she make sure na lahat ng maiiwan niya ay masaya at walang lungkot sa mga mata. Nakakahanga siya. Siguro kung ako yun, matagal na kung sumuko.” ang pahayag niya.

“She's a strong woman. Kung nakita mo lang sana noon kung gaano siya nahihirapan sa kanyang kalagayan. Tama ka. Tinitiis niya ang sakit para sa mga mahal niya sa buhay.” ang sabi ko.

“Alam mo, ang swerte ni Georgina sayo. Hindi mo siya pinabayaan kaya hindi ako magtataka kung ganoon kadali mo siyang minahal.” napadako ang aking tingin sa kanya. Nakatingin siya sa harapan at hindi man lang tumingin sa akin. Alam ko kung ano ang pinupunto niya. “Kung maibabalik ko lang yung mga panahon na tayong dalawa pa. Kung itinuloy ko ang pagpapakasal sayo siguro may mga anak na tayo.”

“Kara.”

“Don't worry, tanggap ko na Hector. Sa buhay, hindi lahat pwedeng mapasayo. Napasaakin ka nga, sinayang naman kita. Sinaktan. Patawarin mo sana ako Hector.” hindi niya magawang tumingin sa akin at pilit na nilalabanan ang kanyang emosyon.

“Wag mong sisihin ang sarili mo. I'm sure, darating din ang taong nakalaan para sayo.” ang sabi ko.

Pasimple niyang pinunas ang mga luhang nagbabadya sa kanyang mga mata at nakangiting humarap sa akin.

His MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon