Half Dead

894 18 4
                                    

"We need this, this and that" turo ni Dr. Peterson sa iilang surgical instruments set na nakahilera sa isang sulok.

"Seriously doc?I mean just us?" Di parin makapaniwalang tanong ni Ehra

"Yes, just the two of us...

and the patient himself" anito na tila naman may ibang ibig sabihin sa unang sinabi

"Kaso first time ko po doc tapos dalawa lang tayo, are you sure we can do this?I mean I am not in the position to ask..."

"Then don't ask!" Pasigaw nitong sagot na ikinatakot naman ni Ehra.

"Rules!if you are not ready to assist me, go out of the OR and drop the subject before the day ends!" Dugtong pa nito na lalong ikinanginig ng mga kalamnan ni Ehra, isa lang ang malinaw sa kanya ngayon, I'm not gonna drop the subject!and I'm not gonna quit!

"I'm ready" simpleng ani Ehra bagamat nanginginig ay mas pinili na lamang na huminga ng malalim at pinagdadampot ang mga surgical sets na tinuro nito kanikanina lang.

"good!remember the rules?you don't do anything unless I say it, clear?"

"Crystal clear" let's do this!

Dumating na ang patient at nagsimula na sila.

"VS is on the monitor, when the alarm starts to bell read the vitals"

"Okay doc"

"Scalpel..." at hiniwa nito ang tiyan ng pasyenteng tulog na tulog sa anesthesia matapos iabot ni Ehra ang isang matalim at matulis na bagay.

"Suction..." Itinapat naman ni Ehra ang suction tube sa parteng maraming dugo upang mahigop nito ang dugo

"Gauze..." Inabutan nya ito ng kapirasong tela na gawa sa sinulid upang pamunas

"Hold the retractor" tumalima naman si Ehra at hinawakan ang nasabing instrumento

Bahagyang kinapa nito ang isa sa mga intestines at may kinuha mula doon.

"Omg!"

"Shshshsh!did I tell you to speak?"

"Sorry doc"

Hawak nito ang isang diamond na halos kasing laki ng isang butil ng mais.

"We will discuss everything outside later"

"Okay doc"

"Now after care, surgery finished at 6:30PM, write down the vitals before you endorse the patient to the recovery nurse, she will be here in 30mins, send the vitals to me before the endorsement" anito matapos tahiin ang tiyan ng pasyente hudyat na tapos na at successful ang operation

"Okay doc"

Akmang aalis na si Dr. Peterson ng biglang tumunog ang alarm.

"VS dropping, heart rate-60, blood pressure 100/60, respiratory rate..." Di na natapos ni Ehra ang sasabihin at nanginginig na sya.

"Get the Defib now!" Mahinahong ani Dr. Peterson na tila ba inaasahan na nyang mangyari ito.

Kinuha ni Ehra ang Defibrillator. Bagamat alam nya ang makinang ito, hindi nya alam kung ano ang tamang paraan ng pag gamit nito maliban sa kung paano ito gamitin sa mga palabas sa television.

"Give it to me!" Ani Dr. Peterson at dretso nya itong isinet to 250volts.

"Clear?"

"Clear!" Sagot ni Ehra na sinabayan naman ng paglapat ng makina sa dibdib ng patient

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naughty StepsisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon