Good Friend

1.1K 20 0
                                    

"Mom im coming over later,sunduin ka na po namin ni kuya"

"Oh-okay dear but why?anton is gonna pick me up too, is there something wrong?"

"Nothing mom!masama bang magshopping sa Vera Couture?hahaha" at sinabayan pa ni Ehra ng tawa na nagsasabing its just me mom!

"Well hindi naman, im just asking i thought you have a problem,nagsashopping ka lang kasi pag nasistress ka"

"Im not mom, i just need new clothes and im gonna bring Nica with me okay?"

"Okay dear, see you later then"

"See you mom, bye!" At tuluyan na ngang ibinaba ni Ehra ang phone nya, papasok na sya ngayon sa next class nyang pathophysiology kung saan classmate nya ang buong cast ng magulong nyang mga friends.

"Omg!is she wearing VC top?paired with VC tattered pants?" Ani hannah na isa sa mga classmate nya, mahilig ito sa fashion kaya naman lahat ng mga trending fashion styles at mga sikat na fashion designs ay alam nya maging ang mga designers ng mga signature clothes na nauuso at kung anong brand ito nakikita ay memorize din nya kaya di kataka takang alam nya ang suot ni Ehra ngayon

"Yeah!thats the exact pair na nakita ko sa latest cover page ng Candy Magazine tsk tsk how nice and elegant it looks on her" tila naman may naglalabasang puso sa mga mata ni Bree habang sinasabi iyon bilang sagot sa komento ni Hannah

"Sit here!" Matigas na utos agad ni Nica ng makapasok si Ehra sa classroom, agad nya itong hinila na mapaupo sa tabi habang si Ehra naman ay patay malisyang naupo na rin na kunyari ay di narinig ang usapang iyon nina Hannah at Bree.

"Aray kuh!bakit ba?" Reklamo naman ni Ehra ng makaupo, my arms!

"Why are you wearing those?"

"Why not?"

"Anong why not ka jan?bukas pa ang wednesday kaya dapat nakauniform pa tayo ngayon!" Suway agad ni Nica dito

"I know i know!di ko kasi napalabhan ang uniform ko kagabi alam mo namang 3 pairs lang ang binigay ni tita amber sakin di ba?wash and wear ko lang yun, wala akong choice kaya ayan tuloy nakapag civilian ako ngayon"

"Hai haba ng paliwanag,ayusin mo lang Ehra Avrin hmp!ngayon ka pa talaga nagcivilian ah!" Tila ba nagbabanta ang boses ni Nica

"Bakit ba kasi?ano bang problema kung di ako nakauniform?"

"Kasi hindi tayo twinning" nakanguso na ngayong ani Nica

"At three-ning" sabat naman ng kakarating lang na si Shai at ngumunguso na rin

"Hahahaha mga baliw kayo!tumawag na ako kay mommy sabi ko isasama kita mamaya sa VC mgsashopping tayo" ani Ehra na nakaharap kay Nica

"Pano ako???di na naman ako kasama, nakakatampo na kayo" tila nga may tampo sa boses ni Shai kaya naman ay...

"hai nako natural kasama ka kasi im sure mamaya ma.oOP ako kapag magkasama na sina Nica at Kuya, at least anjan ka hihihi tayong dalawa ang mgsashopping"

"Talaga?sige sige!"nanlalaki naman ang mga mata ni Shai sa narinig,first time ko sa VC!so excited!

"Hahaha nakuh besh!clan war nyan mamaya kala mo ba,nang iiwan yan ng kaibigan pagdating sa COC, wag masyadong umasa, masakit masaktan" at sinabayan pa ng malutong na tawa

"Hahaha ganun ba besh?okay lang hihihi pag iniwan nya ako, sya magbabayad ng mga shinopping nya" tumawa na rin si Ehra, nasa gitna sila ng katuwaan ng dumating si Elise

"Hey hmm mukhang masaya kayo ah!" Sabat naman agad nito ng maupo sa bakanteng upuan katabi ng kakambal nya

"Lagi kaming masaya Elise, ewan ko lang sayo!" Nagtaray si Shai na hindi naman natural sa kanya kaya nagkatinginan agad sina Nica at Ehra sa tinuran nito

Naughty StepsisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon