Miss Congeniality Wins

2.2K 42 2
                                    

Ilang araw nalang at Intramurals na sa BAA,isang event sa buong taon na sadyang hinihintay ng mga studyante upang mailabas ang kani kanilang mga galing sa ibat ibang larangan.

"I heard sasali si Ehra sa Search for Miss Intrams?" Si Elise iyon

"So kung sasali sya?" sagot ni Nica habang nagbubuklat ng libro nya sa Physics

"I'll go for Miss Intrams instead of The Queen,I'm gonna prove this time that I'm better than her"

"Hai nakuh Elise!that's your choice but one more sisterly advice,if you keep comparing yourself to Ehra, darating ang araw na mawawala sayo ang lahat ng meron ka,don't drop opportunities just because you want to compete,at the end of the day it's you who'll gonna lose them not her" mahabang litanya ni Nica sa kakambal bago isinara ang aklat na hawak nya,she decided to study sa CDM instead sa Library at alam na nyang di sya patatahimikin ng kapatid

"Bakit ba lagi mo nalang syang kinakampihan?at saka lagi mo akong dinidiscourage,how sure you are that I'm gonna lose this time?" dismayadong sabi ni Elise

"Because I know you better than Ehra,alam kong marami kang gustong patunayan but honestly she is way better" tumalikod na si Nica at dirediretsong tumungo sa exit door ng Library.

"I hate you!!!" Nagpupuyos sa galit si Elise sa mga sinabi ni Nica, napalakas pa ang pagkasabi niyon dahil tahimik ang kapaligiran, nasa gitna mismo sila ng Library.

"Shhhhhhh!!!" anas ng mga studyanteng nakaupo malapit sa kanila

Agad namang tinawagan ni Nica si Ehra pag labas nya ng exit ng Library.

"Saan ka besh?" Bungad agad ni Nica dito

"Nasa lobby,on the way to my AnaPhysio, why?"

"Meet me at CDM" iyon lamang at ibinaba na ni Nica ang phone.

15 minutes lang ang nakakaraan ay andun na silang dalawa sa parehong cottage na lagi nilang tinatambayan,sabay pang nag angat ng mga paa sa mesa at naglapag ng kani kanilang mga bag sa tabi.

"What's up???ok ka lang ba??mukhang my problema ka base sa tono mo kanina ah" basang basa na ni Ehra ang kaibigan

"Yeah!sasali si Elise sa Search for Miss Intrams,she's dropping The Queen to compete with you" pagbabalita ng kaibigan

"What???are you serious???hai heto na naman tayo,sabi ko na nga ba sasali sya pag andun ako"

"So what's your plan now?"

"Honestly?wala besh hmm back out nalang kaya ako?what do you think?"

"Tangek!hai nako beshy ang talino mo pero di ka na naman nag iisip"

"Eh ano nga gagawin ko?kapatid mo kaya yun,di ko sya kayang saktan kahit pa ganun yun sakin, it's just out of her insecurities kaya sya ganun, ayoko syang patulan" malungkot ang boses ni Ehra,ayaw nyang maging dahilan para makasakit sya ng ibang tao

"Pag nagback out ka,para mo na ring sinabi na tama ang ginagawa nya,what you don't disagree means you agree" kilala na ni Nica si Ehra at kung may isang taong kayang magpatigil kay Elise sa kahibangan nito, si Ehra lang iyon

"Okie, pag iisipan ko but for now papasok muna ako sa AnaPhysio ko,I'm so late" pagtatapos ni Ehra sa usapan nila

"Ok update me whatever you decide on, see you later sa court after classes"

"Ok bye" at dirediretso ng lumakad papunta sa school lobby kung saan naman nya nakasalubong si Drei.

"Hi,so are you joining the pageant?"

"Still thinking about it"

"Nag usap na kami ni Gelo actually and you're joining hahaha sa ayaw at sa gusto mo daw" natatawa pang sabi ni Drei

Naughty StepsisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon