CHAPTER 4

13 0 0
                                    

Chapter 4: Different Situations

[Claire's POV]

Naglalakad ako papuntang locker's area para ilagay ang ilang gamit ko do'n bago mag-start ang klase ngunit sa hindi inaasahan ay nakita kong nakatayo doon si Zeke. Mukhang may hinihintay siya...Sa locker ng girls? Parang ang weird lang na may hinihintay siya dito dahil wala naman siyang kaibigan or maybe, he's interested to one of the girls in school at dito niya na lang kakausapin dahil nahihiya siya.

Well, it's none of my business.

Dire-diretso ako at di siya pinansin. Nilagay ko ang mga gamit na hindi kailangan at kinuha para ilagay sa bag ang mga gagamitin. Pagkatapos no'n ay isinara ko na ang locker ngunit nagulat ako ng makitang nasa tagiliran na pala ng locker ko si Zeke at titig na titig sa'kin. Shucks! Sa gulat ko'y napaurong ako and that caused me to lose my balance making my books fell on the ground. Buti na lang naagapan kong tumuwid ng tayo. Kinuha naman ni Zeke ang mga libro ko't maayos na ibinalik sa aking kamay.

"Be careful next time." Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako sa pagkakasabi niya no'n.

"Well, thanks for scaring me. Nahulog ang libro ko at naging careless ako. And because of that, muntik pa akong mahulog sa sahig." Sarkastikong tugon ko sa kanya. Nakita ko ang ginawa niyang pag-ikot ng mata at sa tagal niyang ginagawa 'yan ay napansin ko'ng wala siyang masabing salita.

Maglalakad na sana ako paalis ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat at napilitan akong lumingon sa kanya wearing my blank face.

"Sandali lang. Ibinigay mo na ba yung letter na sinulat mo sa kanya?"

"Why are you interested?" Hindi mapigilang magsalubong ang aking kilay. Bakit naman nya natanong? Ipinikit-pikit niya pa ang mata ng ilang sandali at mukhang hindi alam ang sasabihin. Ano ba'ng pake niya kung ibibigay ko 'yon o hindi? At higit sa lahat, he's Zeke. Why would he care about it? Dahil ba dun sa nakita niya?

"Look Zeke, ayoko ng maalala mo na nakita mo ang hindi mo dapat makita. I want you to forget about that letter. Kung anuman ang nararamdaman ko kay Dylan, kung ibibigay ko man sa kanya yung letter o hindi, wala ka na do'n and it doesn't concern you so just give us some privacy, okay?"

[Zekes POV]

Science Class. As usual, eto na naman ang boring na subject ni Mr. Salvan.

"Class, makinig kayo. Bawal ang natutulog sa klase ko alam niyo 'yan." Sabi niya habang nakapatong ang dalawang kamay sa desk niya. Napansin ko na nakatingin pala si Sir kay Claire na mukhang nakatulog sa klase. Reminds me, karatig ko nga pala ang babaeng 'to tuwing Science Class.

Dinunggol ko siya gamit ang aking paa pero hindi siya nagising so I did give her a kick.

"ARAAAAAY!" Malakas na sigaw niya upang maaagaw ang atensyon ng buong klase. Nang marealize niya ang ginawa'y nanlaki ang kanyang mata at kita doon ang pagkapahiya. Inis niyang ibinaling ang tingin sa'kin na mukhang naninisi.

"Ikaw Ms. Rutherfords. Pagkatapos mo akong tulugan, sisigaw ka naman sa klase ko?"

"Sir, sinipa niya ho ako!" Inis niyang turo sa akin habang nanatili lang ako'ng walang kibo. Tumingin naman sa'kin ang buong klase. Great! I really hate being the center of attention.

"Mr. Almendra, totoo bang sinipa mo nga si Ms. Rutherfords?" Tanong ni Sir sa'kin.

"Ginigising ko lang siya. Ayaw niyo ho na may natutulog sa klase niyo lalo na't nagdidiscuss kayo kanina ng lec- "

"You don't have to kick me!" Pagalit na sigaw niya dahilan para maputol ako sa pagsasalita. Hinarap ko ang galit niyang mata at nakipaglabanan ng titig do'n.

Love You Like A FoolWhere stories live. Discover now