CHAPTER 9

26 0 0
                                    

Chapter 9: That Rainy Afternoon



[Claire's POV]


Lunes. Hindi ko nagawang iinvite pa si Zeke sa bahay para mag-dinner tulad ng pakiusap ni Mom bilang pasasalamat sa ginawa nitong kabutihan sa akin ng magkasakit ako. First, I don’t have his number and second, I’m not comfortable to ask him. Hindi naman dahil magkaibigan na kami ay mawawala na ang awkwardness namin sa isa’t-isa.

Actually, hanggang ngayon ay sinasanay ko ang sarili ko’ng kausapin siya ng walang halong pagkailang dahil nga gusto ko na talagang maging close friends kami.

Pagkapasok ko ng room ay una ko agad napansin ang bakanteng upuan ni Zeke pero andito naman si Dylan. Hindi ba’t palagi silang sabay pumasok? O baka naman nauna lang ang kaibigan niya.

Ng ilang minuto na lang bago magsimula ang klase ay wala pa din si Zeke ay tumingin na ako sa pintuan at nagbantay do’n kung papasok siya pero hindi siya dumating. Papasok pa kaya siya?

I notice myself worrying. Hindi ko inalis ang mata ko sa pintuan ng classroom waiting for him to come. Kahit nagkaklase na kami ay hindi ko pa din maiwasang hindi sumilip sa may pintuan.

“Are you looking for Zeke?” Gulat na napalingon ako kay Leni.

“Hindi pa siya pumapasok.” Sagot ko.
Nakita ko ang ginawa niyang pagngiti at mukhang may balak na naman na lokohin ako.

“You know what? Konti na lang talaga Claire at iisipi ko’ng may gusto ka na talaga kay Zeke."

“Sshh… Ano ka ba Leni. I’m just worried because he’s still not here.”

“Is it a problem? Baka naman absent lang siya.”

Kung gano’n ba’t naman siya aabsent? Hindi ko napigilang mapatingin sa gawi ni Dylan.
Alam niya kaya ang dahilan kung bakit hindi pumasok ang kaibigan niya? I have to know.




[Zeke’s POV]


‘Bakit hindi ka pumasok?’ 'Yan ang nabasa ko sa text sa’kin ni Dylan.
Pagkabasa ko ng text niya’y ini-lock ko ang phone na hawak ko’t tumingin sa labas ng bintana ng kuwarto. It’s still raining outside at hindi ako ginaganahang tumayo o gumalaw man lang dahil mabigat ang pakiramdam ko.
I have a bad headache and even I don’t have, I’d still choose not to go to school.
Sa araw na ito, hindi mahalaga kung makapasok man ako o hindi. I’d rather stay up in bed all day than go to school and interact with people when I have something inside that I want to hide from anyone.

Some people said you can’t escape loneliness if you kept running away from it but, what if running away is the only solution so I could get on with my life again?

It takes time to heal a wound but what if the wound is too deep that it will forever remain there at kahit mawala ang sugat na 'yon, nandoon pa rin ang tanda na hindi na ito maibabalik sa dati nitong anyo na ngayon ay isa peklat na lamang. It will only forever remain a scar to remind me.




[Claire’s POV]


Kasalukuyang kumakain sa canteen kaming magkakaibigan habang nag-uusap ngunit wala ako’ng ganang makinig o makisali sa usapan nila. Ang isip ko’y lumilipad ng dahil sa isang bagay este isang tao. Why is Zeke bugging my mind again?

“Claire…Claire.” Natigilan ako sa pag-iisip at napatingin sa nagtatakang si Leni.

“Hindi ka ba nakikinig? Ang sabi ko, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Anong nangyayari sa’yo?”

“Wala naman.” Nasabi ko lang at tiningnan ko ang mukha nilang tatlo. Tumigil sila sa pag-uusap at sa akin itinuon ang kanilang atensIyon.

“Ano ba’ng probelma mo Claire? Lutang ka na naman eh.” Si Janine na as usual ay nanlalaki ang mata sa’kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love You Like A FoolWhere stories live. Discover now