"Saan dito yung court?" inihatid naman niya ako tapos iniwan din. Naglibot-libot ako ng may makita akong apat na lalaki malapit sa isang puno. Mas napukaw ng mata ko ang napaka-itim na buhok kaya.

"MOON!!" sabay yakap ko sa kanya.

"SUN!" medyo tumangkad siya sa akin.

"BABAE?!" sigaw nung dalawang lalaki habang yung isa nagulat lang. Anong meron? Umakbay bigla si Moon. Tss. Kahit kailan.

"Alangang lalaki kaya nga baba--" hindi siya natapos sa pagsasalita ng may humila sa akin.

"Hey you bitch! Stay away to my BOYFRIEND!" hindi lang iyon tinulak pa ako. Trip nito? Nagulat naman yung apat sa ginawa niya. Agad-agad akong tinulungan ni Moon para makatayo.

"Hey! Why do you help her?!" pag-iinarte niya."...And you!" duro niya sa akin."...This guy" turo niya kay Moon "...is my BOYFRIEND!" kailangan bang pa ulit-ulit? Unli unli? Nagets ko naman.

"Hoy! Bakit mo ginawa yun?! At ano bang pinagsasabi mo?!" sigaw ni kapatid, napacross-arms na lang ako.

"But boyfie, who is she?!" duro na naman ni landi. Her face looks familiar.

"Siya?" turo naman niya sakin, uso bang mag-turo dito? "Siya lang naman ang GIRLFRIEND ko! Angal ka?!" sigaw niya, sabay akbay. Wait tama ba narinig ko?

"But--"

"No buts Mitsy, go" pagpapalayas niya.

"Ugh! I hate this! Cursed you!" turo na naman niya sa akin, sabay layas.

Bigla ko siyang siniko sa tiyan na dahilan para mapahawak siya sa tiyan niya. Kinuwelyuhan ko siya at tinulak siya sa puno sabay taas ng paa ko at tinapat sa leeg niya. Tinaasan ko siya ng kilay at nagcross-arms.

"U..uhh... aa..aano.. ss..sso..ssoor..rrry..nn.aa" nauutal niyang sabi, pinipilit niya tanggalin yung paa ko na nasa leeg niya kaya mas lalo kong diniin.

"Uy, hinay lang" sabi nung isang lalaki na brown hair.

"Oo nga, maawa ka naman" sabat naman nung isang kasama niya, tinignan ko sila ng masama. Umiwas na lang sila ng tingin, nilingon ko naman ang kapatid ko na pinapalo palo na ang paa ko.

"Explain" madiin kong sabi.

"Paano siya makakapag-explain kung hindi mo tinatanggal yung paa mo" pagdadahilan nung isa.

"Ats aka gusto lang naman niyang tantanan siya nung babae" dagdag ni brown hair. Sinamaan ko sila ng tingin, tiklop. Tinanggal ko na yung paa ko at huminahon saglit.

"Paano ba ito" panimula niya.

"First of all I miss you and thanks kasi nandito ka na. Lastly, I'm sorry" panimula niya.

"Tss"

"Wala kasi akong alam na paraan para layuan niya ako, kaya yun na lang agad nasabi ko"

"Then"

"Then, kapag sinabi kong kapatid kita baka hindi pa ako tantanan niyon"

"So"

"So, yun na lang ang sinabi ko. Wala naman kasi maniniwala na kapatid kita"

"What?!"

"Kaya please, kahit ngayon lang" pagmamaka-awa niya, akmang susugurin ko na siya ng may pumigil sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

"CLOSE?!" tinanggal ko ang pagkakahawak niya. Psh.

"Ah eh.." ano ito? ah eh ih oh uh?
"Siya pala si Vinn" sabi ni Moon, turo niya doon sa lalaking humawak sa akin.

"Psh" we shake hands.

"Nice to meet you Sun--aw bakit mo ginawa yun?" bigla kasi siyang binatukan.

"Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganoon"

"Edi ano? Araw? Ano ba kasi pangalan niya?"

"Sun Luna Lee" sabi ko

"Ah, I'm Fred. Luna na lang tawag namin sayo" masaya niyang sabi ni brown hair sabay abot ng kamay kaya nakipag-shake hands ako.

"Ito naman si Clyde" pakilala ni Vinn, inabot niya sa akin ang kamay niya. Tinanguan ko na lang at nakipag-shake hands.

*

Napagdesisyunan na nila na pumasok tutal malapit ng matapos ang recess time. Papasok na ako sa kabilang building, building ko ng hawakan ako sa braso ni Vinn.

"Hindi ka pa ba papasok?" tanong niya.

"This is my building" lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya pumasok na ako sa 3rd-year highschool building.

--------------------------------------------------------------

Sun Luna Lee up there!

joy292000

My Sister, My Girlfriend. My Brother My BoyfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin