MSMGMBMB // 2

18.8K 420 4
                                    

BLONDIE GIRLFRIEND

-moon-

Nandito na kaming apat sa garden malapit sa court doon, yung medyo tago.

"Tol! Bakit ba nandito tayo?" Fred, dumiretso kasi kami dito kaagad pagka-bell pa lang.

"Nakalimutan mo na? Yung kapatid niya, makikipagkita" Vinn, nalaman nila na may kapatid ako ganito kasi iyon.

*

"Oh! Nandito na pala kayo!" sabay yakap sa akin ni Mama.

"Oh Fred, Vinn, Clyde!"

"Hello po Tita" sabay nilang sabi.

"Siya halika na, kain na tayo" tapos umupo na kami.

"Nga pala, Apollo" sabay serve nung food.

"Yes ma?" sabi ko.

"Uuwi na pala kapatid mo" sabay subo ng hiniwa niyang karne. Nagulat at nanlaki ang mata ko, uuwi na siya?

Umubo sina Vinn at Fred dahil nasamid at nabulunan, natigil naman sa pagkain si Clyde. Ako hindi ko na naituloy yung hinihiwa ko.

"Oh mga hijo, okay lang ba kayo? Claad!" nag-aalalang tanong ni Mama saka binitiwan yung kubyertos at nagpunas ng bibig.

"Okay lang po kami, Tita" Vinn, sabay punas ng bibig gamit ang table napkin.

"Ah ganoon ba, ano ba kasi nangyari sa inyo?" bumaling ulit siya sa pagkain.

"May kapatid po pala si Pollo?" tanong ni Fred.

"Oo! May kapatid siya, hindi lang basta kapatid kambal pa!" napatingin silang lahat sa akin bukod kay Mama na kumakain. Nanlaki ang kanilang mga mata bilang reaksyon nila.

"Di nga?! May kapatid ka?!" sigaw ni Fred.

"At partida! Kambal pa!" segunda ni Vinn. Si Clyde ayon nasa state of shock.

"Bakit mga hijo? Bakit kayo nagsisigawan?" nabiglang tanong ni Mama.

"Kasi po, hindi nila alam" at nagpatuloy ako sa pagkain.

"Ganoon pala, sorry mga hijo" nagpatuloy ulit siya sa pagkain.

"Siya nga pala makikita mo na siya sa pasukan, sabihin mo lang sa kanya kung saan kayo magkikita" kumain siya at ngumiti, tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Ganyan ka na pala dre, walang sabihan huh!" si Vinn sabay subo, ano na namang drama ito?

"Sige, walang share-an" Fred na uminom.

"Hindi naman kayo nagtatanong" sabay kain ko.

"Oo nga!" ramdam ko sinipa siya ni Vinn sa ilalim ng mesa .

"Kahit na" at balik sila sa dati.

*

Ngayon alam niyo na? Kaya napag-usapan namin na dito magkita sa court.

"Tol, sigurado ka ba na nandito yun?" tanong ni Fred.

"Oo nga dre, nagtanong-tanong rin ako kaso wala namang transferee" pagsang-ayon ni Vinn.

"Maghin--"

"MOON!!" hindi natuloy ang sinabi ko dahil may tumawag sa akin. Sabay may yumakap pa, paglingon ko isang babae na, teka BLONDE?! si.

-sun-

Ano ba yan, ang laki laki naman nito. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Ilang minuto pa feeling ko naliligaw ako. Tss. No choice, I need to ask. Sakto nakita ko yung kaklase ko.

My Sister, My Girlfriend. My Brother My BoyfriendWhere stories live. Discover now