MSMGMBMB // 17

5.1K 117 4
                                    

MUSE and ESCORT

-moon-

"Let's announce the winners" pagkatapos i-announce ang panalo sa cheerdance. Nandito kami sa stage, ina-announce na nila ang panalo sa muse and escort.

   Wala naman akong pakialam diyan, sigurado naman ako kung sino ang mananalo. Nakakainis lang na naglilihim na sa akin si Sun. Akala ko ba twin brother? Tapos ako pa selos? Hindi ako nagseselos! Naiinis lang ako!

"For the year-level, first year!" paniguradong nag-hiyawan ang mga freshman.

   Natanaw ko naman si Sun, nakikipagkwentuhan at ngitian pa siya. Kailan pa sila naging close? Baka mamaya saktan niya si Sun, tatamaan na talaga sa akin yang Jonas na iyan. Walang Captain, Captain.

"For the sports club, from Chess Club!" nang dumaan sa harap si Clyde at partner niya, binalik ko ang tingin sa unahan.

    Nakakainis lang na sa buong linggo pagkatapos ng lunch na iyon, hindi kami nag-usap. Tapos ano? Makikita ko siya, kausap ang muntik ng mapatay siya? Nakakainis lang! At siya pa ang may ganang sabihin sa akin na hahanapin niya iyon? Ano siya nawawalang bata?! Kailangan laging kasama? Nakakainis.

"Third runner-up, from second year!" lumingon ulit ako sa kanila, yung totoo. Parang bula na parang walang nangyari noon, ang sarap sabihin sa kanya na ang lalaking kasama niya ngayon ang muntik ng ika-ospital at hindi na siya magising.

"Second runner-up, from Football club and partner Cheerleading squad" ang bilis naman niya atang makalimutan ang nangyari, hanggang ngayon naiinis pa din ako kay Jonas. Okay lang sana kung hindi niya nilalapitan si Sun, parang tuwing malapit siya. Malapit din si Sun sa kapahamakan.

"Our first runner-up, Mr. Jonas and Ms. Lee! From Bball and Vball club!" tumingin sa direksyon ko si Sun kaya lumihis ako ng tingin. Medyo nagulat lang ako na dumaan siya sa harap namin, hindi ko pala napansin na nanalo siya. Kung sabagay girlfriend ko nga pala iyan at may kasamang ibang lalaki.

"For the most awaited, the year's muse and escort of 20** who will receive a sash and a price of P10,000 also they will compete with the other school for incoming Bachelor's Patimpalak. No other than, Mr. Lee Hyun and Ms. Roello! Congratulations!" tinapik pa ako ng partner ko, kami pala ang panalo.

   Umunahan naman kami, inabot sa akin ang sash at trophy. Nagpalakpakan naman sila, ang iba naghiyawan at nagtilian. Normal na sa akin iyan. Tumabi naman ang mga guest para sa picture taking. Tumabi pala sa akin si Mama, hindi ko man lang napansin.

"Smile son" bulong niya sa akin kaya ngumiti naman ako.

"One, two, three!" sabay nag-flash.

"That's all for the morning event, we can gather in the backstage for picture taking. Enjoy your lunch!" sabay palakpakan ulit at nagtayuan ang iba. Nagpasalamat at nakipagkamay kami sa mga bisita.

   Tulad ng sabi kanina, pumunta naman kami sa backstage. Nagpaalam sa amin ang Principal at si Mr. Cigar, kasama pa niya yung teacher na si Mr. Jimin. Kasama ko ngayon si Mama at ang partner ko. Pagkapasok pa lang sa backstage, kahit kanina sa hagdan madami na ang nagpakuha. Hindi naman namin hinindian, ngiti dito ngiti doon.

"Congratulations son!" yakap sakin ni Mama. Hinalikan ko siya sa pisngi, binati niya din ang partner ko.

   Hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano inakbayan ni Jonas si Sun at ngumiti sa nagpa-picture. Mukhang nabawasan na nga ang nanakit kay Sun pero nandiyan pa din yung may dahilan. Nakatingin lang ako sa kanila, magkakasama sila doon. Wala malamang si Clyde, kasama ang partner niya at naghahanap pa siguro ng paraan para makatakas.

My Sister, My Girlfriend. My Brother My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon