Chapter 9: Than I'd Ever Thought

Start from the beginning
                                    

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kirby at napailing na lang. "Bahala kayo diyan." Tumayo si Kirby at lumabas ng kwarto kaya naiwan kaming dalawa ni Storm.

I didn't move. I just focused my eyes on the screen but I felt tears welling on my cheeks.

"Dad feels sorry for whatever happened to your parents' business long time ago. They didn't know." Dylan spoke in a calm voice. "Now I know why your Auntie Rona treated me bad." Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. "I feel sorry for whatever you've gone through because of my dad, being a business freak."

I shook my head. "I don't know if they can forgive your dad."

He heaved a sigh. "Well, my dad can't also apologize to them personally, but he told me that he knew nothing about it."

I didn't talk, so we fell silent again.

"Do you hate us?" he asked.

I shook my head. I couldn't hate them. His mom and dad were so nice to me like him. They were like my second family. "I am sorry for everything I've said―" He cutted me off.

"I said you're already forgiven."

Napangiti lang ako ng bahagya at muling tinuon ang tingin ko sa TV.

"Do I still have to stay away from you?" he asked.

Muli akong napatingin sa kanya at malungkot na ngumiti pero umusod ako palapit sa kanya. I leaned my head on his shoulder and said, "You are my best friend, Dylan. Let's just keep our friendship a secret."

***

Bumangon ako sa kama at nag-unat ng kamay. Tumayo ako at tinungo ang bintana. Hinawi ko ang kurtina ng bintana at binuksan ang bintana kaya naamoy ko ang napakasariwang hangin ng hacienda.

Sa guest room ako natulog habang si Kirby naman ay natulog sa kwarto ni Dylan. Palagi namang magkatabi matulog ang dalawang 'yon sa tuwing nandito kami.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Kirby. "Demi, pakigising si Dylan. Magbreakfast na raw tayo sabi ni Lolo Max," anito at nilagpasan ako, dumiretso sa kusina.

Sinunod ko naman ang sinabi ni Kirby. Pumunta ako sa kwarto ni Dylan at naabutan ko itong tulog-mantika sa kama niya. Napatitig ako rito. Buti pa si Dylan kahit tulog, maayos pa rin ang hitsura kaya hindi siya pwedeng picture-an para i-prank.

Napahawak ako sa baba ko habang nag-iisip ng paraan kung paano ko siya gigisingin. Napangiti ako ng malawak nang maka-isip ako ng paraan. Lumapit ako kay Dylan para itutok ang bibig ko sa tainga niya. He was sleeping sideways so his left ear was exposed. I was about to shout when he suddenly moved and his head turned to me.

My eyes widened because his lips barely touched mine!

Oh my gosh!

Mabilis na napalayo ako at saglit na napatulala sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. Mabuti na lang tulog pa rin siya.

Mariin akong pumikit at sinampal ang sarili ko ng ilang beses. Anong ginawa mo, Demi? I scolded myself.

"What are you doing?"

Napamulagat ako nang marinig kong magsalita si Dylan. Nakaupo na ito at nakatingin sa akin nang tila naweweirduhan siya sa akin.

"W-wala. Kain na raw tayo." Ngumiti ako ng peke bago ako tumalikod at napangiwi. Mabilis na lumabas ako ng kwarto niya at iniwan siya.

Holding on to His PromisesWhere stories live. Discover now