42) Date with Crush [30.2]

1.6K 50 24
                                    

Ayah's POV

Nakakakilig na eto Ahhhh!  Bakit Ba kase napaka ni Xavier???? Arghhhhhhh ayoko umasaaaaa!!

Nakain kami ngayon ng ice cream. Cookies and cream akin.

Kanina ko pa siya napapansing tumititig sakin pero binabaliwala ko lang. Hanggang sa di ko na napigilan mag tanong.

"Bakit Xavier? May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko.

Dahil dun napaupo siya ng maayos at sabay ngumiti sakin ng pagkatamis tamis.

"Ang cute cute mo kase kahit sa mga simpleng bagay lang." Banat niya na nag painit ng pisngi ko.

"A-Ah... E-Eh... T-Ta-Talaga?" nauutal kong tanong. My ghad Ayah wag mong ipahalatang kinikilig ka!

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi niya na nagpangiti sakin.

Tapos na kami kumain ng ice cream pati nga dinner treat na niya eh. Sanaol gentleman haha!

"Ayah, I really missed you."

Napatingin ako bigla kay Xavier. Hala siya, lakas mag pakilig eh. Enebenemenyen. Hahahaha bwiset Ayah mag pakipot tayo.

"A-Ah. Oo ako d-din." mahinang sambit ko.

Alam niyo ba pinipigilan ko na talaga yung sarili ko na ngumiti. Ayoko mag mukhang shunga dito nakakahiya kayaaaa.

Tumigil si Xavier dahilan para maumpog ako sa matigas na- na- na likod niya.

Ayan nako mga pinag iisip niyo! Nako nako!

Lumingon siya sakin at tinignan ako ng mabuti.

"Uhm... A-Ayah?" tawag niya sakin.

"Why?" sagot ko. Jusko Ayah anong klaseng sagot yan. Why? Why? Dapat bakit babe. Joke joke joke lang! Hehe.

Nilagay niya yung buhok ko sa likod sabay lapit sakin.

Shemay I kennat! Anlapit ng mukha niya sa mukha ko. Ayah! Ayah! Mag hunos dili ka! Jusko Ayah. Pumikit ako at nag antay.

Huh?

Napamulat na ako at nakitang nakangiti lang siya sakin.

OH EM GI!!!

Halaaa nakakahiyaaaa!

Asdfghjkl nubayan ih!

"Salamat naman at bagay sa'yo." Sabi niya.

Ha? Bagay? Ang alen? Tayo? Char.

Napatingin ako sa dibdib ko. Napansin kong may nakasabit na kwintas dun na kulay silver.

Simpleng puso lang ito na silver. Simple lang siya pero sobrang ganda.

"Naaalala kita sa kwintas na yan. kaya kita binigyan niyan. Simple lang siya, pero kahit na simple nakaka attract siya ng attention..." Natatawa niyang sabi.

Ang pogi pogi niya talaga... Ayieee Ayah. Hahaha haba ng buhok ah!

"Xavier..." bulong ko. Na shoshock pa din ako sa mga sinasabi niya.

"Please keep it for me." Sabi niya sabay tapik sa ulo ko.

"Sige." nakangiti kong sagot.

"Tara na? Gabi na kase eh. Baka mapahamak ka pa sa daan." sabi niya sabay akbay sakin.

"Arat na." Natatawa kong sabi sabay lakad na din.

Pero bago kami lumabas ng mall nahagilap ng mata ko ang dalawang tao sa gilid. Nakayakap yung babae sa isa.

Di ko alam kung bakit, pero parang may biglang nawala sakin. Parang may kulang. Parang...

Ay basta! Bahala sila diyan. Wala na akong pakialam sakanila. Dapat hindi ako nag gaganito.


Sana di ko na lang sila nakita.

Bakit?

Bakit Nathan? Bakit ganito ako mag react sayo?



Anong ginawa mo sakin?




Itutuloy...




Sorry kung sobra sobra sobrang tagal ng update ko. Nako sorry talaga. Nagulat nga ako kase pag bukas ko ng wattpad ko sabog mga notif ko haha.

Thank you sa support ahh.

I love you mga ka readers lol.


Thank you so much at naapreciate ko lahat ng efforts niyo sakin.





Penge din palang ka chat sa fb de joke hahaha!

Please

Vote

Comment

And Share



P.S. Sorry din kung maikli lang ito. Nawawalan na ako ideas eh help naman hahaha.


~A.S.












His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon