6) Shopping [4.1]

6.1K 130 12
                                    

Ayah's POV

Ambilis ng araw. Monday na at Papunta na ako sa school...

Paalis na sana ako sa mansion ng mga Rodriguez nung may biglang nag busina sa labas.

*BEEP BEEP!*

At dun, nakita ko si Nathan na nakabusangot ang pangit niyang mukha. Joke. Ampogi kaya niya.

"Oh. Problema mo?" Tanong ko.

Aga-aga eh, nakabusangot ang mukha.

"Bilisan mo, aba! Sakay! Dali!" Utos niya.

Umupo ako sa passengers seat.

"Bakit, halimaw na manyakis?" Tanong ko.

"Aalis kase tayo— teka ano? Halimaw na manyakis?!" Kunot-noo niyang tanong.

Bigla namang nag init ang pisngi ko. Naalala ko kase bigla yung nanyare kagabi.

Flashback...

Last night...

"Hayup kang manyakis ka! Kinuha mo na nga yung First kiss ko, pati ba naman second?! Argh! Bakit ba ako nalang pinagtritripan mo?! Ha?!" Naiinis na wika ko.

"Kase cute ka." Nakangiting sabi niya habang nakapikit ang isang mata.

==////////==

"A-Ako? C-Cute?" Nauutal na tanong ko.

Shemay. Seryoso ba talagang cute ako?! Ano? sagot!

Andami na kasing nagsasabi eh...

"Oo nga— *hik* —ang cute mo kaya." Sabi pa niya.

"E-Edi wow!" Nahihiyang sabi ko.

Baka mamaya niloloko lang ako nito eh.

Tatalikod sana ako nung narinig kong sumuka si Nathan.

"N-Nathan?! Uyyy...." Nagaalalang wika ko.

Akala ko sumuka siya pero wala naman talagang lumabas.

Nung nilapitan ko siya...

"Waaaahhhh!!! Bitaw! Alis! A-Ano ba!!! *cough cough* Di ako maka hinga!!!" Pagpupumiglas ko.

Niyakap ba naman ako.

"Mommy..." Sabi niya. Sabay iyak. Lumuwag yung kapit niya sakin.

"Psssstttt... Uyyy. Halimaw na manyakis? Huy." Tinapik tapik ko pa siya.

Ayun. Knock-out na ang amo ko kagabi. Haha.

Pero, napaka mysterious nitong si Nathan... May something sakanya na nagiging dahilan ng kung ano siya ngayon...

Anyways...

Pinuntahan kame sa isang malaking mall.

"Uh... Nathan, May pasok pa tayo diba?" Tanong ko.

"Tch. Stupid..." Bulong niya.

"Anong stupid?! Eh Monday ngayon ah?!" Inis na paliwanag ko.

"Are you stupid? Today is a holiday." Masungit na Pag sabi niya.

"Ooopppsss. Sawrry." I apologized sarcastically.

"Teka nga. Ano bang gagawin natin dito?!" Naiiritang tanong ko.

Eh kung wala palang pasok. Edi sana nagpahinga na lang ako. Tss.

"We'll shop for my new clothes." Sagot niya.

"Eh bakit kasama pa ako?" Tanong ko. Curiosity kills. Joke. Haha.

"You'll be picking my clothes. Ikaw ang mag dedecide kung bagay ba o hindi." Sagot niya.

K.

Andami na naming nadaanang shops. Tapos mga nagpapacute yung mga babaeng nakakakita sakanya.

Psh. Mga talanders whuala. Kahit may boypren nga eh, nag papacute.

'Don't tell me na selos ka Ayah?'

Ay! Bwiset na isip ito! Hindi no.

A big NO. NO. N.O.

'Maka NO 'to, masyadong defensive.'

Shut up mind. Tch.

Lastly, pumunta kame sa bench.

Napangiti ako sa mga damit na nakikita ko. How adorable.

"Halimaw! Eto oh, try mo." Sabi ko sakanya sabay bigay ng tatlong polo shirt.

"I don't like the design." Pag iinarte niya.

"Arte mo uy! Bahala ka nga!" Nagtatampong sabi ko sabay talikod.

"Tch. Fine." Napipilitang sabi niya.

"Nye nye nye! Daming arte, gagawin din naman pala..." Bulong ko.

Napatigil lang ako sa dalawang staff na naguusap. Kame lang naman ang tao dito eh.

Mga staff, Cashier, Guards, Ako, at si Nathan.

'Answerte ni girl noh? May boyfriend siyang pogi.'

'Medyo bagay sila. Kase cute si Girl, tapos pogi si Boy.'

'Oo nga eh.'

'Sana ako nalang si girl.'

Hayst. Di ko nalang sila pinansin. Bahala sila.





His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon