The 23rd Day of September

11 0 0
                                    

Before you read this story, I'm warning you this story is full of typographical errors and wrong grammars. So, don't expect too much the quality of this story.

Anyway, I wrote this story because one day, I felt sadness that I can't explain. I feel broken hearted that time and I don't know why kasi wala naman akong jowa at never nagkajowa. LOL.

I hope you can enjoy reading this!

-Melitta

*****

My day was come.

It was 23rd day of September.

Ang araw kung saan niyaya ko siya upang makasama man lang sa aking kaarawan. He have no idea on the things that I have going to do. I smiled bitterly.

I'm sorry... I'm sorry if I'm going to do this to you...

Nanumbalik sa aking kaisipan ang pagiging kampante ko na walang ibang aagaw sa kanya kundi ako lang. Ang araw na iyon, ang kaarawan ko. Ang araw kung saan gusto kong aminin ang nararamdaman ko para sa kanya.

But my heart broke into pieces. Habang papalapit ako sa kanyang puwesto, nakita ko ang masaya niyang mga ngiti. Kaakbayan ang isang magandang babaeng nasa kanyang tabi.

I clenched my fist nang maramdaman ko ang namumuong galit sa aking dibdib. How... how dare he? Wala pang kami pero he cheated on me!

Unti-unti kong naramdaman ang pagpatak ng maiinit kong luha. Hindi ko kayang tignan ang ganitong senaryo. Tumalikod ako para makaalis pero huli na ang lahat. Nakita na niya ako at tinawag ang aking pangalan.

"CASSANDRA!" I closed my eyes and clinched fists. Pinunasan ko ang mga luhang nagmumula sa aking mata. Ayaw kong makita niya ang pagluha ko dahil nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon.

"Hey..." I lazily said nang makaharap siya. Sinadya ko iyon para hindi niya mapansin ang mga mata kong kagagaling lang sa pag-iyak.

"May gusto akong ipakilala sa'yo, Cass..." nakangiting sabi sa akin ni Aljohn.

"Oh?" Sabi ko saka tumaas ang kilay. Gusto kong bigyan siya ng idea na hindi ko gusto ang sinabi niya pero sadyang manhid nga talaga ang lalaking kaharap ko.

Sobrang manhid niya. Hindi niya maramdaman kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya eh.

"Wait, I'll call her." I rolled my eyes as what he says. Tumakbo siya papalayo sa akin para lang lapitan ang babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng puso ko.

Don't tell me, ipapakilala sa akin ni Aljohn ang babaeng 'yan bilang nililigawan niya o girlfriend.

Ang lawak ng ngiti nilang dalawa habang pumupunta sila sa kinatatayuan ko. What now, Aljohn? Talagang seryoso kana sa babaeng pinili mo, huh?

"Cassidy... this is Cassandra, my friend." Pagpapakilala ni Aljohn sa akin doon sa babaeng nasa harap ko na ngayon.

Wow ha? Malapit pa talaga sa pangalan ko ang pangalan ng babaeng ito. Nakakatuwa nga naman. Tuwang-tuwa ako. Tss.

Malawak ang ngiting humarap sa akin si Cassidy sabay lahad ng kamay niya para lang makipag-shake hands.

"I'm glad to finally meet you..." nakangiti niyang sabi sa akin. Nag-cross arms ako at ngumisi saka inirapan siya.

"Oh, sorry... I'm not glad to meet you...." prangka kong sabi sa kanya dahilan ng unti-unting pagkawala ng ngiti niya.

"Cassandra! Don't be rude! Be nice to her!" Seryosong sabi sa akin ni Aljohn nang makita niya ang ginawa ko sa babaeng nasa tabi niya.

The 23rd Day of September (A One Shot Story)Where stories live. Discover now