Chapter Five - The Great Escape

Start from the beginning
                                    

“Excuse me, hindi ako mang aagaw. Ikaw!” aniya. 

“May the best woman wins na lang.” tugon ko at saka ako lumabas habang pinagdadasal na sana ay makalabas na din si Mayel. Pero ilang minuto ang lumipas at di pa siya nakakasunod. Kinakabahan na ako nang makita ko siyang lumabas na may ngiti sa may labi. Mukhang merong good news.

Mayel Domiguez

“O anong good news?” nakangiting salubong sa akin ni Candy sa may stairs.

“Wag tayo dito, pasok muna tayo sa klase natin. Kita na lang tayo mamaya sa may likod ng chapel. Sa mismong likod merong dalawang closet na walang laman at wala ding lock. Doon ka mag tago. Kita na lang tayo doon.”

“Ha? Sa cabinet pa?” gulat niyang tanong. “Teka, ano bang sinabi niya sayo?”

“Wala naman. Pinalusot ko lang ang sarili ko kanina at humingi kunyari ng advice sa kanya kung ano ang dapat gawin. Walang duda, meron siyang pakana sa nangyari. Malas niya lang at tanga siya.” sagot ko.

“Teka, di ko maintindihan.” ani Candy.

“Talaga nga namang mapag higanti siya. Alam mo ba yung binigay niyang advice sa akin kanina? Gumanti daw ako? Di halatang maitim talaga ang budhi niya di ba?” 

“Di kaya paghihiganti ang puno’t dulo nito?”

“Tama ka. Kanina kasi habang nasa ilalim din ako ng teacher’s table, narinig ko na magkikita sila ni Director sa may likod ng chapel, mamayang 7 pm.”

“Ganoon ka late?”

“Yup. For the mean time, pumasok muna tayo sa mga klase natin. At dapat mamaya pagpasok natin ng cabinet, fully loaded na tayo ha?”

“Oo ba.”

Di ko alam kung anong espiritu ang pumasok sa akin at nagawa kong mag isip ng ganitong bagay. Feeling ko kasi malapit ko na masolve ang puzzle na ‘to. May mga nawawalang part nga lang, mga parteng dapat ako mismo ang mag patunay. Kung ano man ang motivation na ito ay madaming salamat. Ngayon ko lang kasi naranasan ang ganitong thrill sa tanang buhay ko. Haha!

Nakapagtago kami ni Candy sa may closet tulad ng pinagusapan. Nasa likod ng chapel ang closet na yun at doon mismo sa harap namin, ay naguusap si Prof Mike at si Director Manilyn. Ako mismo ay di makapaniwala sa nakikita ko. 

“Nagmamakaawa ako sayo Mike.” ani Director Manilyn. Nakapalda siya na may konting slit sa likod at itim na long sleeves na tulad ng palagi niyang suot sa tuwing makakasalubong namin siya. Pero ibang Director ang kaharap namin ngayon. Kung ang nakakasalubong namin ay isang babaeng mukhang strikta, ngayon naman ay para siyang maamong tupa na nagmamakaawa. “Itigil mo na ang mga binabalak mo.”

“Mom, sawa na ako sa trato sa akin ni Dad. I’m tired of everything. Mula bata ako, ni hindi man lang niya ako binigyan ng importansya. Lagi na lang ang mga anak niya kay Claudia. Bakit? Anak din naman niya ako ah.” mataas na ang kanyang boses habang sinasabi niya ito. Wala ng tao sa paligid kundi tanging sila lang at kami ni Candy sa may loob ng closet. 

“Pero kahangalan ang sirain mo ang school na ito. Hindi pa din tama. Madaming tao ang madadamay. Maawa ka naman sa mga inosenteng mga bata dito sa school. You’re big enough to know that.” Nagkatinginan kami ni Candy. So totoo ngang mag ina ang dalawa. Pero walang nakakaalam nun sa school. Malamang ay itinago nila ito.

“Sawa na ako Ma. Oo at anak ako sa labas pero it’s unfair.”

“Anak, wag mo ng idamay ang school, mapapahamak-”

Napatingin ako kay Candy. 

“Sorry” bulong niya sa akin. Bigla kasi siyang nabahing ng di sinasadya. Shit! Malamang narinig kami sa labas. Babahing pa sana uli si Candy nang biglang mag bukas ang closet at kitang kita namin ang pagkagulat nina Prof Mike at ni Direk. Walang anu- anoy, hinawakan ko si Candy at saka ko siya hinila papalayo. 

A Campus StoryWhere stories live. Discover now