Chapter 28

47 9 5
                                    


Pagkatapos ng dasal ay pila-pila kami na may dala-dalang mga bulaklak nagsisimbolo ng pagmamahal namin sa kanya. Lahat ng mga kasama ko ay umiiyak samantalang ako'y hindi. Ang gusto ni Blake ay maging malakas ako at ayaw niya sa lahat ay makita niya akong umiiyak. Gusto ko gawin lahat ng mga hiniling niya. Magsisimula ako ng maayos at masaya pero bawat hakbang ay nasisiguro ko na hindi ko siya makakalimutan.

"Ally," tawag sa'kin ng mommy ni Blake.

"Po?"

"Nasayo pa ba yung susi na binigay ni Blake?" Tanong niya sa'kin. Sinubukan ko alalahanin ang sinasabi niyang susi hanggang sa maalala ko na baka ang tinutukoy niya ay yung binigay sa'kin ni Blake nung goodbye letter. Tumango-tango ako sakanya bilang sagot ng 'oo'

"Do you have it now?" Tanong niya sa'kin.

"Opo, tita. Balak ko nga po ibigay sainyo dahil akala ko kinuha ni Blake yung duplicate key ng bahay." Sagot ko.

"Hindi yun duplicate key ng bahay, Ally. Susi yun ng attic namin at may hinanda siya para sa'yo." Paliwanag niya sa'kin.

Inaya niya ako sumama ng bahay nila para ipakita ang sinasabi niyang hinanda para sa'kin ni Blake. Nasa likod ako ng Mommy niya nung binubuksan ang pintuan gamit ang susing binigay sa'kin ni Blake. Sa pagbukas nito ay bumungad sa'kin ang isang mala-theater na dating na attic. Desenyong tipong manonood ka ng sine or kahit anong play. At laking gulat ko na may lumabas na tuta pababa ng hagdan ng attic.

"This is shark, binili ni Blake para sa'yo." Binuhat ni Tita ang tuta sabay abot niya sa'kin. Napapaiyak ako ng sobra dahil ang tagal ko na hiniling magkaroon ng alagang aso.

"And this attic, gusto niya iparamdam sayo na kahit wala na siya ay gusto niya parin na maalala mo siya in a good way. And this house... balak ko na ibigay sa'yo dahil lilipat na ako sa America. Alagaan mo ah? Dito kasi lumaki si Blake." Ngiti ni Tita sabay tapik sa balikat ko.

Maiyak-iyak kong karga si Shark habang naglalakad papasok ng attic. Bumuhos lalo ang mga luha ko dahil sa mga imahe na nakasabit sa pader. Naglakad ako patungo sa taas at dun ko nakita ang isang camera na naka-display na at nakatutok ito sa isang puting makapal na tela. Binuksan ni Tita ang camera at nalungkot ako sa lumabas. Video and pictures namin dalawa ni Blake na never na mababalik muli.

Kung alam ko lang sana tungkol sa sakit niya at hirap naranasan niya, naalagaan ko pa siya ng matagal. Sumagap sa isipan ko bigla ang mga email na ginawa ko para lang sa kanya. Bumaling ako kay Tita. Nakatayo siya na pinapanood din ang videos na ginawa ni Blake para sa'kin. Nakakadurog sa puso lang na panoorin siya kasi iisang anak lang niya si Blake. Pero wala naman ako magagawa dahil hindi ko naman mababalik si Blake. Tumayo ako't lumapit sa kanya.

"Tita, I know it's hard but I just want you know that Blake will be happy if he sees you happy." Tapik ko. Hindi na ako magugulat kung bigla na lang niya ako yakapin. She needs this. Binaba taas ko ang kamay ko sa likod niya.

"Labas niyo lang po yan Tita." Mahinang sabi ko.

"Salamat talaga hija."

Unsend (COMPLETE) Where stories live. Discover now