Unsend

149 19 4
                                    


January 17

"Ha?" Paguulit n'ya kay Blake na para bang wala siyang narinig sa binata.

"Maghiwalay na tayo," malamig na inulit ng binata sa dalaga.

Hindi umiyak si Ally. Nanatili siyang malakas at humiling ng isang favor kay Blake.

"Puwede ba humingi ng favor bago ako umalis?" Malungkot n'yang bigkas.

"Ano yun?" Kunot noo' tinanong ni Blake.

"Puwede mo ba gawin yung palagi mong ginagawa sa'kin bago ako umuuwi?" Lakas loob niyang hiniling sa binata.

Ngumiti si Blake saka marahang hinila ang kamay ni Ally palapit sa kanya. Ngiting hinawakan ang pisngi ng dalaga at hinawi ang mga buhok kumakalat sa kanyang mukha.

"Napaka-suwerte ko talaga," ngiting bigkas ng binata na may tunog na sinseryo sa mga boses n'ya. Gustong maiyak ni Ally at sabihin na totoo lahat ng mga 'to.

Dahan-dahang pinikit ni Ally ang kanyang mga mata nang makaramdam siya ng halik sa kanyang noo'.

"I love you, Ally." Aniya ni Blake. Mahigpit niyang niyakap ang binata at sumagot. "I love you too," ang huling sagot n'ya sa kanya.

Dahan-dahan itong kumawala sa sariling yakap at tumalikod. Tumulo na ang kanina pa niyang pinipigilan. Tagalakpak ang mga luha ni Ally habang naglalakad palayo kay Blake.

It was there last kiss, hug and I love you to each other. Ito yung mga karanasan na walang kasiguraduhan kung maibabalik pa ba.

*****
This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Copyright © 2019 by BitterSiAnn

******

Unsend (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon