Chapter One

518 70 5
                                    

Chapter One

Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya matapos kong iabot ang isang bungkos ng bulaklak at isang balot ng tsokolate. Halata naman ang pagtataka sa kanyang mga mata pero hindi ko na sya hinintay pang magsalita at tumalikod na.

"Anong drama yon?" Salubong sakin ni Janina, kababata ko. Janina ang gusto niyang itawag namin sa kanya pero kalokohan! Jano talaga ang pangalan niya.

"Alin?" sagot ko sa kanya pero imbes na sumagot ay inirapan lang ako ng bakla.

"Alam mo ikaw, hindi kita maintindihan. Ubod ka ng pagka-pihikan pero hindi ka naman kagandahan. Alam mo ba yun, te?"

"E sa wala akong feelings e."

"Ang feelings, natututunan rin naman yang maramdaman kung gusto mo. Kailangan mo lang bigyan ng chance 'yong tao," tumigil sya saglit sa paglalakad at hinarap ako. Nakapameywang siya at nakaduro sakin ang pink na pink niyang kuko. "May nagugustuhan ka na ba kaya todo tanggi ka 'don sa anak ni Mayor?"

Napatawa na lang ako sa pag-aakusa niya. Humakbang ako ng isa palapit sa kanya at ibinaba ang nakaduro niyang daliri sa harapan ko.

"Wala, ano ka ba. Kung gusto mo sayo na lang 'yong anak ni Mayor," biro ko sa kanya.

"E ikaw nga ang gusto ano ka bang bakla ka. Kung pwede nga lang na sa akin na lang ay di sana masaya na kami sa piling ng isa't isa."

Tinawanan ko lang siya. Kung babae siguro siya ay may pag-asa pa siya sa anak ni Mayor, kaya lang mas pogi pa siya sa anak ni Mayor e. Bakit nga ba karamihan ng pogi ngayon ay bakla? Sayang ang lahi mygad.

"Oy bakla, nalimutan natin bumili ng panulak!" Palatak sakin ni Janina pagkapasok ko ng classroom namin. Nauna kasi siyang maglakad sakin kanina kaya nauna siya sa loob ng room. Sa haba ba naman ng biyas ng baklang 'to.

"Aba ay kasalanan ko ba 'yon?" Pagtataray ko sa kanya. Hindi ako papatalo no? Kasi for sure ako ang uutusan nitong bumalik sa canteen at bumili ng inumin, sa tamad ba namang maglakad ng baklang 'to.

"Oo! Nakuha mong umawra awra sa harap ng anak ni Mayor nakalimutan mong bumili ng tubig!" Sigaw niya. Nanlaki naman ang mata ko. Letseng bibig ng baklang ito talaga. Napilitan akong ngumiti at umiling sa lahat ng kaklase ko na bumaling ang tingin sa akin.

Mga term ba naman kasi nitong si Jano e. Sa lagay tuloy ay nagpapacute ako sa anak ni Mayor. Mamaya isipin ng mga kaklase ko e ang kirekire ko hindi naman ako kagandahan.

"Tumigil ka nga jan! Tara na sasamahan kitang bumili." Palatak ko kay Jano. Jano na,  hindi Janina. Naiimbyerna ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang panlakihan siya ng mata at nangangati ang mga daliri ko na kuritin siya sa tagiliran. Kaya naman pagkalabas namin ng room ay agad ko siyang sinabayan paglalakad at kinurot ng pino sa tagiliran.

"Ouch! Ouch! Rape!" Nahampas ko siya ng malakas sa braso dahil sa pagsigaw niya ng rape. Kahit kailan talaga ang baklang ito, eskandalosa.

"Ang cheap mo babae ha. I demand for a libre ang sakit ng kurit mo," may pag-irap pa niyang sabi bago nauna ng maglakad.

Pagbalik namin sa canteen ay wala na don yong anak ni Mayor at mga tropa nito. Kakaunti na rin ang tao.

"C2 na lang sakin." May pagsiko pang sabi sakin ni Jano. Nang lingunin ko ito ay busy ito sa pagpindot sa sariling telepono. Napairap na lang ako sa hangin.

"Ate isang mineral water at isa pong C2 yong maliit--" naputol ang pag order ko sa tindera sa canteen ng sumingit si Jano.

"Malaki po yong C2 Ate. Siya ang magbabayad." Sabay turo pa sakin ni Jano. Aangal pa sana ako pero nakatalikod na si Ateng Tindera. Kinurot ko naman ulit sa tagiliran si Jano. Miyerkules pa lang ngayon pero paubos na ang isang linggong baon na binigay sakin ni Papa tapos papalibre pa 'tong si Jano. Kainis.

Nang tumunog ang bell ay nagmamadali ng bumalik sa kanya kanyang classroom ang mga estudyante maliban samin ni Jano. Wala ang teacher namin para sa next subject dahil nasa seminar ito kaya naman nag-iwan na lang ito ng gawain na tapos ko naman ng gawin. Ewan ko lang sa baklitang ito.

"Tapos ka na sa worksheet ni Ms. Catapangan diba?" biglang lapit sakin ni Jano. 30 minutes na lang at uwian na kami.

Inangat ko ang aking tingin mula sa binabasa kong libro. Nakalahad ang kamay ni Jano na parang batang pulubi na nanlilimos. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinapik ang kamay niya. Nagpapadyak naman siya na parang bata at lumuhod sa gilid ng desk ko. Nagpout pa at nagpapacute. Pwes, hindi niya ako madadaan jan.

Ibinalik ko ang tingin sa binabasa kong libro at ramdam ko na hindi pa umaalis si Jano sa gilid ko. Nahagip naman ng mata ko ang isang pares ng kumikintab na sapatos na katitigil lang sa harap ko. Hindi ako nag-angat ng tingin, baka hindi lang ito makadaan dahil nakahara si Jano sa daan.

Naramdaman ko ang pagkurit ni Jano sa tagiliran ko.

"Ano ba Jano. Masakit." Hinagip ko ang kamay ni Jano ay winaksi iyon. Nawala kay Jano ang atensyon ko nang isang rosas na pula ang bumungad saking paningin. Konti na lang nakapatong na ito sa librong binabasa ko.

Napahugot ako ng hininga. Mukhang kilala ko na kung sino 'to. Ngayon, paano ko babastedin itong anak na ito ni Mayor in a nice way? Ramdam ko na nasa amin ang atensyon ng lahat ng kaklase ko. Napalunok ako bago magsalita. Hindi ko kayang mag-angat ng tingin. Ewan ko ba pero kapag talaga hindi ako kumportable sa tao ay hindi ko sila kayang kausapin ng mata sa mata.

"Alvin diba sabi ko naman sayo na---" naputol ang sasabihin ko sana ng bumulong si Jano sa tabi ko.

"Hindi yan si Alvin bakla," agad na napaangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. At tama nga si Jano hindi ito si Alvin na bunsong anak ni Mayor.

Nang magtama ang mga mata namin ay napakagat ako sa sariling labi dahil sa hiya. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Hindi ako sa Alvin." Madiin ang pagkakasabi nitong habang sa gilid nakatingin.

"Oo nga," lang naman ang nasabi ko. Sa sobrang hiya ay ibinalik ko sa librong nasa desk ko ang aking tingin ngunit napaangat muli ng hampasin ng lalaking ito ang desk ko. Bahagyang nakayuko siya sa pwesto ko at nakatuon ang dalawang kamay sa desk. Napalunok ako sa lapit niya sakin at dahil na rin sa seryoso niyang mga mata.

"Kilala mo ba ako?"

Napahinga muna ako ng malalim at napalunok bago sumagot.

"O-oo."

Matagal itong tumingin sakin bago muling nagsalita.

"Say it."

Naguluhan ako kung ano ba ang gusto niyang sabihin ko. Hindi magkamayaw ang pagkabog ng dibdib ko. Walang kahit na sino ang nagsasalita o gumagalaw manlang. Kahit ang malikot at eskandalosang si Jano ay tahimik dahil sa tensyon. Shet. Napalunok muna ako muli bago nagsalita.

"Ahm... alin?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya. Daig ko pa ang natawag sa recitation sa math sa sobrang kaba. Putapete.

"My name. Say it."  Pagkasabi niya niyon ay mabilis na sumagot ang bibig ko.

"Vincent."

Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya? Vincent Maniego, panganay na anak ni Mayor. Pinakatahimik. Pinakaseryoso. Pinakasuplado. Ang pinaka sa lahat ng pinaka.

------
LYG|HermosaEscrito|09292019|

THE LAST KISS (KISS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon