Chapter 21

1.1K 25 13
                                    

Chapter 21

Xen's P.O.V.

Mula sa langit, iniluwa ako ng portal. Tiningnan kong mabuti ang babagsakan ko.

"CuancoTech"

"Shet bat dito pa?!" Sigaw ko sa sobrang inis. Dito pa talaga ha?! Sige sisirain ko nalang to.

Pinagliyab ko sa apoy ang kamay at paa ko para makuha ko ang balanse ko at lumapag ako ng maayos. Inilibot ko ang mga mata ko para makita kung sinong kasama ko rito.

Napatingin ako sa itaas at doon ko nakita si Gian na pabagsak na sakin. "Heck" tanging nasabi ko bago lumipad palayo.

Bumagsak sya sa kinatatayuan ko kanina kaya nasira ito.

"Oops. Are you trying to demolish CuancoTech's Building" i said and crossed my arms.

Bigla syang lumutang mula roon. Parang gusto nya nang mapadali ang laban. Ang buo nyang katawan ay gawa na sa pulang bato. Nagbabaga. Nagiinit. May crack ito kung saan kita ang kalooblooban nya, isang di pangkaraniwang umaagos na lava.

Ibang enerhiya ang nadadama ko sa mga lava na yon. (Imagine nyo nalang si Heatblast sa Ben10 pero white and retmd yung kulay ng apoy nya imbes na red and yellow. Gets nyo? >~<)

"Kapalaran nga naman. Dinala ka mismo dito sa hihimlayan mo" sabi nya.

Walang ano ano ay bigla syang sumugod at nagliyab ng malakas ang katawan nya. Ngunit bago pa sya makaabot ay pinagalaw ko ang sementong kinatatayuan namin at iniangat ito na parabang pader.

Lumutang ako at isang dilaw na magic circle ang lumabas sa isa kong kamay. Umikot ikot to at nagpakawala ng koryente kay Gian. Sakto naman syang natamaan nito noong sinira nya yung pader.

Napaluhod sya na parang hinang hina pero bigla syang tumawa at tumayo na parabang walang nangyayari.

Untiunting naging asul ang maging circle sa kamay ko. Naging asul rin ang kidlat na nalabas dito kaya napa atras sya. Nahulog ang tipak ng mga bato sa katwan nya. Ang malalaking tipak naman ay untiunting nadudurog.

"Haaaa!" Naghilom ang mga tipak ng bato sa katawan nya. Naglabas sya ng kakaibang enerhiya nakinokontra ang kidlat na pinupukol ko sakanya.

As the beam slowly go near me, i felt the burning heat of it. Tila ba palapit ng palapit sakin ang impyerno.

Bigla akong tumilapon papalayo dahil sa lakas ng pwersang yon. Bumagsak ako sa harap ng building at kitang kita yon ng mga tao sa paligid.

Tumingin ako sa taas at nakita ko si Gian na tumatawa pa. Pinadyak ko ang mga paa ko at dalawang pilars ng bato ang biglang umangat at papunta kay Gian.

Kinontra nya lang to pero di naman nya namalayan ang pagsulpot ko sa harap nya. Naging metal ang kanang kamay ko bago ko yon ipangsuntok sakanya.

Bumagsak sya sa rooftop ng building kaya nagkabutas ito.

Isang magic circle naman na kulay puti ang lumabas sa mga kamay ko. Pinatamaan ko ang nakahandusay nyang katawan ng isang napakalakas na beam ng liwanag.

His body slammed at every floors of the building, breaking through with them leaving big holes na gawa rin naman ng beam ko.

Tumalon ako sa butas at untiunting ginawang bakal ang kaliwa kong paa. Bumagsak ang bakal kong paa sa dibdib ni Gian dahilan para magcrack yon.

Iminulat nya ang mata nya at mula sa mata nya ay naglabas sya ng umiikot at nagliliyab na apoy kaya tumilapon akong muli pataas.

Bigla naman akong nahulog at pagbaba ko ay nakaabang si Gian at binigyan nya ako ng isang malakas na suntok na ramdam ng buong katawan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love into Magic(Book 1)Where stories live. Discover now