Chapter 11

726 38 0
                                    

Chapter 11

Xen's P.O.V.

Napalingon si Jinna doon.

Parang nagslowmotion ang lahat. Pumikit ako sa kaba.

Muling bumalik sa dati ang bilis ng mga pangyayari. Nasa tabi ko na si Jinna. Anong nagyari. Nandilim ang paningin ko. Parang nawawala at naglalaho ang paligid.

Jinna's  P.O.V.

Bago pa man mahawakan ng apoy si Xen, agad na akong nagchant ng spell para magkabarrier sya. Tumingin naman sya saakin. Kita ko ang pasasalamat sa muka nya. Pero ilang sandali lang ang biglang napalitan ito ng pagkagulat, tila ba isisgaw nya ang kung ano mula sa bibig nya.

"Jinna!"

Yun na ata ang huling beses na maririnig ko ang pangalan ko. Dahil paglingon ko nakita kong papalapit saakin ang isang sibat na may kuryente.

Napapikit nalang ako. Eto na ang huling sandali ng buhay ko.

Tumagal ng ilang segundo pero wala akong halos maramdaman. Pagdilat ko ay nasa tabi na ako ni Xen. Bigla nalang syang natumba sa harap ko.

"Protektahan nyo si Xen!" Sigaw ko sa mga kasama ko. Umatras sila papalapit sakin at pinalibutan namin si Xen. Sya ang pakay ng mga to. Alam ko yun. Sya lang ang pilit nilang inaatake kanina.

Malalaking scorpion ang pinabangon ko mula sa buhangin. Inatake nila isaisa sa mga kalaban namin.

"Dyllan kaylangan na nating tumakas!" Sigaw ni Michael.

Umilaw ang mga mata ko at unti unti akong lumutang sa ere. Ibinuka ko ang mga braso ko at ginalaw ang mga kamay ko pataas.

Unti unting lumabas ang mga kamay mula sa buhangin na pilit inaabot at hinahawakan ang mga kalaban namin. Naging distracted sila kaya hindi na nila kami naatake.

Bumagsak ako sa buhanginan. Sobrang pagod at kawalan ng lakas. Sa isang iglap ay naglaho kaming grupo at bumalik muli sa field.

Agad naming dinala si  Xen sa infirmary. Doon ay binantayan namin sya habang hindi pa sya nagigising.

Narinig kong tumatawa ng palihim si Dyllan kaya nilingon ko sya

"Bat ka natatawa dyan?" Tanong ko

"Matatagalan rin sa pagalis yung mga yon. Ahaha" sabi nya na nagpipigil ng tawa

Napatawa narin kami ni Mic. Sinong hinde. Tama naman ang sinabi nya.

Gian's P.O.V.

Unti unti nang lumulubog ang katawan ko sa buhangin. Shete! Bat ba kase di kumakawala ang mga kaway na to. Padami lang sila ng padami!

Nakita kong nakakawala na si Aien kaya tinawag ko sya. "Pwede patulong!"

Nagliwanag ang mata nya ng berde. Bumagsak sya sa buhangin at napaluhod. Nagtataka syang tumingin sa paligid

"B-bakit ako nandito?!"

Nawala na yung epekto ng gamot sakanya. Ay shit bat ngayon pa! Tiningnan nya lang kami ng masama bago sya magpalit anyo at naging ibon. Lumipad na sya palayo.

"Aghh buyset!"  Sigaw ko dahil sa Inis na nararamdaman ko ngayon.

Sinunog ko yung mga kamay na nakakapit sakin. Dapat pala kanina ko pa to ginawa. Ganun rin yung ginawa ko para mapakawalan sina Shai at Fhaye.

"So ano nang plano?" Tanong ko.

To be continued...

Love into Magic(Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora