Chapter 19

543 23 0
                                    

Chapter 19

Jinna's P.O.V.

"Ahhhhhh!!!" Bumagsak kami ni Michael sa isang cart bago gumulong at bumagsak sa damuhan.

Pagbangon namin ay tiningnan namin ang paligid at namataan namin ang Eiffel tower.

"Nasa Paris tayo" bulong ni Michael

"Hmmm. Sounds good for a double date" sabi ng isang babae kaya tumalikod kami ni Michael. Nakita namin sina Jes at France.

Lumabas ang mga Ice spikes mula sa Lupa at hinabol kami nito habang tumatkbo kami

"Lift!"

Sigaw ko at biglang umangat ang lupang kinatatayuan namin ni Michael kaya naiwasan namin ang mga Ice spikes.

Di pa kami nakakapag recover sa mga pangyayari pero bigla namang may paikotikot na nagaalab na apoy ang papunta sa direksyon namin. Agad kong pinagalaw ang lupa palayo doon at muntikan na kaming maabutan.

Nagsisistakbuhan na ang lahat papalayo siguro dahil sa takot.

"Anong plano?" Bulong sakin ni Michael habang kinokontra ang mga tira nila papunta samin.

"Aba di ko alam?!" Sabi ko at gumawa ng malaking barrier sa harap namin para maiwasan ang trail ng apoy na papunta samin.

Halos magsabay sila sa pag atake saming dalawa kaya napapatalsik kami.

Bumuo si Michael ng dalawang malaking kamao mula sa likuran nya at pinagaatake si Jes.

"Jes!" Aatake sana si France pero napalibutan sya ng kadena.

Hinila ko ang kadena at binalibag ko sya sa lupa at pinaikot ikot sya bago pakawalan kaya tumilapon sya sa Eiffel Tower

"FRA--" Naputol ang sasabihin ni Jes nang sinuntok sya ulit ni Michael gamit yung mga kamao nyang ginawa.

Agad akong lumipad patungo kay France. Naka sandal sya sa Isang bakal ng tower. Lumabas ang mga kamay na bakal mula sa sinasandalan nya at hinawakan sya ng mga ito dahilan para di sya makakawala.

"Sumuko ka na France, wala kang binatbat sakin" sabi ko at hinigpitan ang pagkakawak ng mga bakal na kamay sakanya

"Hindi ngayon" sabi nya. Lumiwanag ang mga mata nya na para bang may lualabas na malakas na enerhiya mula sa katawan nya.

Nagyelo ang kinasasandalan nya, pati narin ang mga bakal na kamay na nakahawak sakanya. Bigla yong nabasag kaya nakakawala sya.

Nagpalabas sya ng malakas at malamig na hangin kaya halos magyelo ak. Bumagsak naman ako sa lupa dahil sa sobrang lakas ng hangin. Gumawa ako ng barrier sa paligid ko para malabanan yon at maprotektahan din ako sa lamig.

Maslumakas ang liwanag sa mata nya at maslumakas rin ang ihip ng hangin kaya napaluhod ako.

Michael's P.O.V.

Sinuntok suntok ko na si Jes ng paulit ulit at halos bumaon na ang katawan nya sa lupa. Bigla nalang nagkaroon ng crack ang lupa at bumulwak ang napakainit na lava.

Biglang dumilat ang mga mata ni Jes. Nagliliwanag ang mga mata nya at nagaapoy ang mga ito. Susuntukin no na sya dapat pero umuga na ang kinatatayuan kong lupa.

Tumalsik ito sa ere dahil samalakas na bulwak ng Lava.

Agad akong tumaloon pababa sa isang bahagi ng lupa na safe pang tapakan. Lumutang si Jes at tumingin sakin. Ipoipong apoy ang ipinukol nya saakin. Ginawa kong liwanag ang buong katawan kokaya tumagos lang yun saakin.

Patuloy sya sa pagatake sakin ngunit tumatagos lang yon. Papalapit na ako sakanya at nagkaroon ng blade ang dalawa kong kamay.

Umuga mulit ang lupa at nagkahiwahiwalay na ang mga piraso nito. Lumutang lang ako at pumunta na sakanya.

Bigla syang nagpakawala ng malaking ipoipo ng apoy. Nilamon ako non pero wala akong maramdamang init.

Di ko rin madama ang katawan ko na tila ba ay nagkalat yun hanggang sanandilim na lahat.

Ang weird ng pakiramdam.

Bigla naman akong may nakita muli. Ano bang nagyari ha?! Pagtingin ko ay gawa na sa apoy ang katawan ko.

"Ha!"

Sigaw ko at nagpakawala ng apoy mula sa katawan ko papunta kay Jes. Unti unting naging gawa na sa liwanag ang katawan ko hanggang sa wala na akong naibugang apoy.

Bumalik sa dati ang lupa at nagkabitkabit muli.

Habang si Jes ay nakahandusay at wala nang malay.

"One down" sabi ko

Jinna's P.O.V.

"Yan lang ba ang kaya mong ipakita ha Jinna!" Sigaw ni France

Bigla namang humina ang hangin at pagdilat ko ay pinagbubugbog na ni Michael si France. Paglingon ko ay wala nang malay si Jes sa di kalayuan.

Kinuha ko ang spellbook ko at lumipad papunta sakanya. Lumapag ako sa harap ni Jes at umupo. Hinagod ko ang muka nya "sorry Jes" maluhaluha kong sabi.

Itinapat ko sakanya ang spellbook ko at unti unti nasyang nilamon nito. Napunta sya sa isang bahagi ng page ng spellbook ko.

Michael's P.O.V.

Gamit ang mga kamao kong gawa sa liwanag ay pinagsusuntok ko si France. Wala na sya halos maigalaw sa katawan nya pero nagulat ako nang bigla nalang syang dumilat at binugahan ako ng malamig na hangin.

Untiunting nagyelo ang katawan ko habang tumitilapon ako. Bumagsak ako sa lupa. Di ko halos maramdaman ang katawan ko. Namamanhid ito dahil sa sobrang lamig. Lamig na mas nakakapaso pa sa apoy.

Namataan ko naman si Jinna na lumapag sa harap ko kaya nakaramdam ako ng luwag sa aking dibdib

Jinna's P.O.V.

"Jes, ang salamankera ng apoy! Tinatawag kita upang ibigay saakin ang iyong kapangyarihan!"

Mula sa spellbook ko ay lumabas si Jes at sumapi sakin. Ngayong nasa spellbook no na sya ay makakaya ko na syang kontrolin.

"A-anong ginawa mo kay Jes?!" Galit na galit na sigaw ni France.

Sa galit nya ay naglabas syang muli ng sobrang lamig na hangin na halos magpayelo sa buong Paris. May kasama itong malalakas na kidlat na di malaman kung ano. Dahil kung anong matamamaan ng kidlat ay nagiging yelo

Lumapit ako kay Michael at niyakap sya.

"Ang init ng pagmamahal ay mas mainit at mas magbabaga kesa sa kahit na anong apoy" bulong ko.

Nagliwanag kaming dalawa hanggang sa palibutan kami ng apoy ni Michael. Tumayo ako at humarap kay France. Ibinato ko ito sakanya at kinontra naman nya ito ng yelo.

Napaluhod ako. Di ko na makaya. Nagliwanag ang paligid at bumagsak ang katawan ko.

Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko si France na lumapit at kinuha ang spellbook ko.

"Akin na to ngayon" sabi nya at ngumis

"Hindi mo yan pagmamayari" sabi ko at sinubukang tumayo.

Tumingala ako sakanya at ngumisi. "Dahil Pagmamayari ka nya"

Nanlaki ang mgamata nya at nabagsak nya ang libro. Unti unti syang hingigop nito. "Hindi....hindeee!!" Ang huli nyang sigaw bago pa man sya malamon ng libro ng buo.

Kinuha ko ang spellbook ko at niyakap ko si Michael. Nagising sya at ngumiti sakin.

"Babalik na tayo" sabi ko at naglaho na kami.

Pagmulat ng mga mata ko ay nasa park kami. May biglang bumukas na portal kaya kinabahan ko pero si Dyllan lang pala.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong niya saamin.

To be continued....

Malapit na matapos tong book na to hanggang 21 chapters labg kase ito eh kaya dapat stay tuned lang kayo lagi!....

Meron pa kong isang story "Gold" yung title and fantasy bromance din sya at yun yung origin ng isa sa magiging characters sa susunod na book ng "Love into Magic" basahin nyo yan ha!

Love into Magic(Book 1)Where stories live. Discover now