Chapter 3

1.5K 56 0
                                    

Xen's P.O.V.

Normal lang ang takbo ng mga sumunod na araw. Magdadalawang linggo naring nakatira dito sa bahay si Dyllan. Pinagmamayabang nya lagi yung powers nyang gumawa ng portal.

Lunes ngayon at nasa school kami. Ilang araw ko naring sinusulyapan si Aien. Inaalam ang backgrounds nya. Gusto kong sakanya mismo manggaling ang sagot sa katanungan ko. Di malayong sya ang kababata ko. Na minahal ko na noon higit pa sa pagiging kaibigan.

Pumasok ako ng CR at nilock iyon, chineck ko na ang bawat cubicle pero wala si Aien. Nakita ko sya kaninang pumasok dito!

"Bat Mo ko sinusundan"

Nakita ko nalang si Aien na nakatayo malabit sa pintuan.

"M-may Itatanong lang ako" sabi ko at unti unting lumapit sakanya.

Nakita kong dahan dahan nyang tinanggal yung pagkakalock nung doorknob. Tatakas sya! Agad kong pinainit yon kaya napaso sya at napahawak sa kamay nya. Hinila ko sya papalapit saakin at niyakap.

"Yen" bulong ko.... "Alam kong ikaw yan".

Aien's P.O.V.

Nagulat ako nang narinig kong tawagin nya ako sa palayaw ko. Naluluha tuloy ako. Di ko akalaing dito ko sya makikia. Sobrang namiss ko sya. Iniisip ko sya kung ano na ang lagay nya ngayon. Pero andito sya yakap yakap ako.

Pero hindi ito dapat nangyayari ngayon. Target namin ang kapangyarihan nya. At dapat kong isantabi ang nararamdaman ko para maisakatuparan ang misyon naming tatlo dito.

Tinulak ko sya papalayo kaya napaatras sya ng ilang hakbang. Agad akong nagpalit anyo. Tumubo ang  balahibo saaking katawan hanggang sa unti unti na akong naging isang tigre.

Nakatingin lang sya sakin. Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata. Naging kulay berde ang mga ito. Biglang sumakit ang ulo ko ng may narinig akong boses

'Bumalik ka sa dati Aien'

Nakokontrol nya ang isip ng mga hayop, at dahil nasa ganito akong anyo nagagawa nya akong kontrolin. Hindi ko na napansin na bumalik ako sa dati kong anyo. Unti unti akong nahilo sa sakit ng ulo.

Xen's P.O.V.

Pagkatapos kong dalhin si Aien sa Infirmary ay pumunta akong classroom. Tahimik lang lahat at may sarisariling mundo. Di mawala saakin ang pagaalala ko kay Aien. Ano ba kasing ginawa mo Xen?! Ang tanga mo!

"Lalim ng iniisip mo ha, couz" sabi ni Dyllan at lumapit saakin

"Wala to" sabi ko.

Wala pang ilang segundo nung biglang may sumigaw.

"May sunog sa ospital?!"

Agad akong napabalikwas ng tayo at lumabas. Malapit lang dito ang ospital kaya kaya ko na to. Tumalon ako pababa ng building at lumapag sa lumulutang na kapiraso ng lupa

Pagdating ko ay nakita ko agad ang isang itim na salamankero. Humarap ito sakin at pinatamaan ang piraso ng lupa na tinatapakan ko dahilan para bumagsak ako sa lupa.

"This Aint happening" tanging sambit ko sa sarili ko. There's no way to run right now. Marami nang namatay at masmarami pa kung di aagapan.

My eyes glows in yellow color. I raised my hand and absorb the electricity around me then i shoot it towards the opponet. Bumagsak ito sa ground. Tinuloy ko lang ang pagkoryente sakanya until I dont feel that he's alive.

Tatalikod na sana ako nang biglang malock ang mga kamay ko sa isang bakal. Ganun rin ang paa ko. Nakita ko ang isang babae. Nakamask sya at nakasakay sa hoverboard.

Tiningnan ko ang mata nya pero pinalutang nya lang ako kaya nawala ang focus ko.

Umilaw muli ang mga mata ko. This time, its brown in color. I made the rocks smash her habang sinusubukan kong kumawala rito.  I finally succeed kaya binalikan ko yung babae. Naktakas na sya.

Binaling ko na lamang ang atensyon ko sa ospital. Agad kong inapula ang apoy gamit ang tubig na kinokontrol ko. Nang dumaring na ang bumbero agad akong lumipad palayo gamit ng apoy ko. Lumapag ako sa tapat ng room na pagod na pagod.

Lumapit sakin si Dyllan na may manghang mangha na ekspresyon sa muka

"Ano? May ipagmamayabang ka pa sakin?" Sabi ko then I smirked.

"Alam mo Xen, sa bahay nanatin pagusapan yan"

After ng klase ay agad na kaming umuwi ni Dyllan. Di ko na nabisita si Aien sa Infirmary kung ayos lang ba sya or what.

Kasalukuyang nasa harapan ko si Dyllan. Inoobserbahan ako. "May powers ka, maganda pangngatawan mo, you're perfect to be a hero" sabi nya na parabang excited

"Dyllan. Isang beses lang yun. Di na mauulit" sabi ko sabay kamot ng ulo

"No Xen, may obligasyon ka kaya may ganyan kang powers. Kaylan mo pa alam yan?"

"Since I was a child, aksidente kong nagalaw ang lupa and in a sudden, lumutang ito habang kinokontrol ko" sagot ko. Bumalik nanaman ang mga alalang yon.

"Okay. Kaya pala enhanced na enhanced na" sabi nya sabay clap.

"Ano? Itatago mo nalang yan?" Tanong saakin ni Dyllan.

Di na ako sumagot. Di ko rin naman alam kung anong isasagot ko. I dont think I can decide that easy. Tama rin naman kase sya.

To be continued....

What do you think? Gagamitin ba ni Xen yung powers nya para protektahan ang mga taong nasa paligid nya? Well well well thank you sa reads! Please vote and leave some comments!

Love into Magic(Book 1)Where stories live. Discover now