Chapter 18

523 26 0
                                    

Dyllan's P.O.V.

Iniluwa ako ng portal sa isang malamig na lugar. Babalik pa sana ako pero sumara na ito. Aish! Bat dito pa ko napunta.

Pagtalikod ko nakita ako ang isang malaking snow golem. Shit anong gagawin ko rito!

"Mahina ka! Hanggang gawa ka nalang ba ng portal ha Dyllan? Poor Portal guy" pangaasar ni Fhaye. Magkasama pala kami rito. Arghhh

Akmang susuntukin na ko ng golem pero nagbukas ako ng portal at sinara kaagad yon para maputol ang braso nito.

Paglingon ko ay pinatamaan na ako ni Fhaye ng mga ice spikes. Pero may ilaw ito sa loob. Grr. Nuclear energy ba yan?!

May lumabas na portal sa dalawa kong kamay. Yung isa pinang harang ko sa mga spike at yung isa ay in-aim ko sa golem kaya sya ang natamaan at sya ang sumabog.

Patuloy lang si Fhaye sa pag tira ng kung ano anong sumasabog na yelo sa akin. Pinapapasok ko lang ang mga ito sa portal sa kanan kong kamay at pinapalabas to sa portal sa kaliwa kong kamay na nakaaim na kay Fhaye.

Sumabog na yung golem eh ahahhaha!

"Ano pagod ka na Fhaye?" Tanong ko.

Tinitigan nya lang ako ng masama. Biglang nabalutan ng yelo ang dalawa nyang kamay at naging blade na yelo ang mga ito

Espadahan pala gusto neto dapat nag sabi sya.

Bumukas ang isang portal sa gilid ko at mula don ay hinugot ko ang espada na binigay sakin nila Xen. Nawala ang mga portal sa kamay ko nang kinuha ko yon.

Tumakbo papunta saakin si Fhaye at inatake ako gamit ang mga ice blade nya. Kahit isa lang ang blade na gamit ko, nagagawa ko pading kontrahin ang mga tira nya. Halos magkapunit punit na ang damit nya. Haha buti nga.

Pagsway ko ng sword ay nagiba ang kinatatayuan namin. Nasa gubat kami ngayon nag lalaban. Ako naman sakanya ang umaatake habang ilag ilag lang sya.

"Ha! Duleng!" Pang asar nya saakin

"Hindumi kaya" sabi ko at tinuro ang eroplano sa taas namin. Yung baging na sumosuporta rito ang natatamaan ko kaya ngayon pabagsak na ito.

Agad akong nagteleport palayo para sya langangmabagsakan.

Kitang kita ko kung paano sya mahulugan nung malaking eroplanong yon at yung iba pang sanga. Haha dali lang pala nito kalabanin.

Bigla namang tumakip ang mga itim na ulap sa langit. Kakaibang kidlat ang nakikita ko ngayon. Ibang iba. Hindi na puti o asul ang kulay nito kundi pinaghalong dilaw at purple.

Ano bang nangyayri ha?

Nakita ko si Fhaye na lumulutang sa langit. Untiunti syang napalibutan ng mga ulap na may kidlat kidlat. Hinanda kng muli ang espada ko dahil mukang beast mode na si Fhaye.

Umiilaw ang mga mata nya na parabang may kidlat sa loob nito. Pinatamaan nya ako ng mga kidlat pero kinokontra ko lang ito gamit ang espada ko.

Napapaatras ako sa tuwing tumatama ang kidlat sa sobrang lakas ng pwersa nito. Biglang tumalsik ang espada ko kaya nawalan na ako ng depensa..

Bigla nalang akong hingop ng ipo ipong ginawa nya at ngayon ay katapat ko na sya. Mga ilang metro lang ang layo niya saakin.

Naging matulis na mga blade ng yelo ang kamay nya saka sya ngumisi saakin. "Any last words Dyllan?"

Wala na akong magagawa sa sitwasyong to. Natrap na ko sa loob ng ipo ipo at halos mamilipit na ang katawan ko dahil sa sobrang lakas ng pwersa ng hangin.

Eto na ata ang katapusan ko.

Umatake na sya saakin at napapikit ako. Pagmulat ko ay nakapasok  ang mga kamay nya sa portal na nasa harap ko habang naka ekis ang mga kamay ko.

Ngumiti ako. "Any last words for your hands Fhaye?" Tanong ko at ngumisi. Nanlaki ang mata nya.

Bago pa man nya mabawi ang kamay nya ay sinara ko ang portal. Tumalsik ang dugo sa muka at dibdib ko habang pinapanood ko ang pagtagas ng dugo mula sa kamay nya.

Nawala ang mga kulog at kidlat, ang mga ulap at ang ipo ipo.

Sabay kaming bumagsak sa lupa at umaagos parin ang mga dugo sa kamay nya.

"A-ang mg kamay ko!" Sigaw nya at tumingin sakin na lumuluha

Nagkibit balikat ako at kinuha ang espada ko. Binuksan ko ang portal pabalik sa park pero bago yon ay lumingon muna ako kay Fhaye

"Dont underestimate the portal guy" sabi ko at pumasok na sa portal. Sinara ko na iyon bago pa sya makahabol.

To be continued....

Love into Magic(Book 1)Where stories live. Discover now