Dance#7 (I Don't Care)

53 6 2
                                    

Dance#7 (I Don’t Care)

 

Mia “Shine” Furukawa Point of View

 

“Nakakainis!! Natalo nila tayo!” Paghihimutok ni Cydrille at pabagsak na humiga sa kama niya.

“Ang yayabang pala nung mga Weaboo na yun! Hindi ko na sila crush pwee!” sabi naman ni Keiza at sumalampak din sa kama niya at nagtakip ng unan sa mukha.

“Siguro pinagtatawanan tayo nila pusit kanina kasi natalo tayo” sambit naman ni Karie habang nakatutok sa laptop niya at kung may anong kinakalikot.

“Tanggapin niyo nalang kasi na talo tayo. Malay niyo next showdown tayo naman manalo” sambit ko sakanila. Para naman kasi silang binagsakan ng langit at lupa kanina nang inannounce ni Ms. Fusia yung winner.

“Talaga! Hindi ako papaya na magpatalo sa mga mahahangin na yun” sambit naman ni Cydrille.

“Tama! Tignan naman natin ang galling nila sa voice battle” sabi naman ni Keiza.

“Uy guys! Tignan niyo ‘to oh! Yung fanpage ng Weaboo dalii” sambit ni Karie. Agad naman kaming apat na lumapit sakanya at tinignan ang sinasabi ni Karie.

We had a great fight! Easy. – Nash

1056 likes     505 comments

 

“What the hell?! Ang yayabang” Inis na inis na sabi ni Cydrille. Kung tutuusin nakakainsulto talaga yung status nila sa fanpage nila. Di bale! Babawi kami! Fighting aja~

“Karie magpost ka sa fanpage ng STAR dalii!” Utos ni Keiza kay Karie.

“Anong ipopost ko?” tanong naman niya dito.

“Teka tumabi ka dyan! Ako magpopost” Tumayo si Karie sa upuan niya at umupo naman si Keiza. Nagtype siya sa keyboard na may halong nakakalokong ngiti.

“Post!” Kinclick niya yung post at na-post sa fanpage namin yung status na nilagay ni Keiza.

Pinanalo lang namin kayo. - Keiza

111 likes 40 comments

 

“Grabe kakapost mo lang ganyan agad karami yung likes?!” Gulat na gulat kong sambit.

“Bwahahaha! Basahin natin yung mga comments dali” sabi ni Karie. Isa-isa namin binasa yung mga comments and one comment caught our attention.

“Nagcomment si Nash oh!” Tinuro ni Karie ang comment ni Nash.

Hahaha. Chicken!

53 likes

 

“Urgh! Ang yabang talaga ng Nash na yan! Hindi ko na siya crush pwee!” Paghihimutok ni  Keiza. Ewan ko ba kung bakit ang laki ng galit nito kay Sky. Siguro nayayabangan lang siya. Or may iba pang dahilan?

Clash Of The Idols[On-Hold]Where stories live. Discover now