Dance#1 (Fantastic Baby)

125 8 5
                                    

Dance#1 (Fantastic Baby)

Mia “Shine” Furukawa Point of View

 

“Cuz run devil  devil run run..” Pagkakanta ko habang sumasayaw.

“Times up! Woooh” sambit naman ni Karie habang nag-iinat.

“Yes! Nahasa nanaman ang ating dancing skills” sambit naman ni Cydrille.  Habang nag-iinat din katulad ni Karie. Andito kami kasi ngayon sa isang maliit lang na rent auditorium. Kapag kasi after school gusto naming magpractice lang ng sayaw.

“Hindi mo na kailangan magpractice ng magpractice Cydrille, ikaw naman ang dancing machine sa ating apat eh” sabi ni Keiza habang naka-pout. Yep tama yun! Si Cydrille ang pinakamagaling samin sumayaw.. Akala mo nga walang buto kung gumiling eh.

“Alam niyo bang may sumisikat na boy group dito?” Tanong naman samin ni Cydrille. Boy group? Kunsabagay, sikat naman kasi ang idol ditto eh. Na-adopt na kasi dito sa Pilipinas ang mga sumisikat na Kpop at Jpop idols.

“Talaga Cydrille? Anong group?” Tuwang-tuwang sambit ni Keiza. Si Keiza ay laging fangirl ng kahit na anong mga groups. Basta kung gusto mo ng info about sa mga sumisikat na group si Keiza lang tanungin mo kasi laging nakakalahap yan ng information once na nagstalk siya.

“Yung Weaboo. Hawak sila ng KBoo Entertainment eh. Hay.. Sana makapasok din tayo sa entertainment na yun noh?”

“Pangarap ko din makapasok sa Entertainment na yun Cydrille. Eh kung mag-audition kaya tayo?” Suhesyon niya. Napatingin naman kami ni Karie sakanya. Seryoso?

“Baka hindi tayo matanggap” sambit ni Karie sakanya.

“Wala ka talagang self-confidence Karie! Syempre matatanggap tayo noh! Magaling kaya tayo sumayaw. Kay Cydrille palang tiba-tiba na sila” Proud na proud na pagkasabi ni Keiza.

“Pero malay mo sa ating apat si Cydrille lang makapasok” sambit ko naman. Alam kong hilig ko na kumanta at sumayaw dati. Mommy ko kasi maganda bosses nun! Ewan ko lang kung anong  talent ng daddy ko. Si kuya naman maganda bosses pero walang talent sumayaw. Sungit pa! Pero ako nahiligan ko na din sumayaw dati pa.

“Hindi naman siguro Mia. Magaling din naman kayo sumayaw eh. Pero ang pagkakaalam ko mahirap pumasok sa KBoo Entertainment eh. Piling pili lang talaga” sabi ni Cydrille.

“Huwag nga kayong ganyan! Matatanggap tayo dun noh! Malay mo isang araw maumpog yung ulo ng CEO nila at lumabas tas nakita tayong sumasayaw! Oh diba? Mamamangha agad yun satin! Ganda ng bosses ni Mia tas magaling sumayaw si Cydrille! Magaling din naman tayo Karie kaya okay na okay tayo noh!” sambit ni Keiza. Napailing-iling nalang ako. Pero nothing is impossible naman diba? Sana nga mangyari yung sinasabi ni Keiza kasi pangarap ko din maging idol tas magdedebut kami sa Japan! *U* This is so exciting!!!

“Aitakatta Aitakatta Aitakatta Yes!” Nagulat ako nang biglang tumayo si Keiza at kumanta. She started to move her feet at sumayaw. Napatingin naman kaming tatlo sakanya at siya nakatingin lang sa salamin. Kapag kasi auditorium punong-puno ng salamin. Masarap magpractice kasi nakikita mo ang bawat galaw mo.

“Jidensya zenryoku de pedaru! Koginagara saka wo noboru..” Bigla naman din na-engganyo si Cydrille at sinabayan niyang sumayaw si Keiza.

“Kaze ni fukurunderu zatsuo! Imma wa modoka shi!” Napatingin naman ako ngayon kay Karie at nagkibit-balikat lang siya.

“Sing and dance with us Mia!” Bigla akong hinatak patayo ni Keiza. Wala akong nagawa kundi sabayan silang sumayaw at sinasabi kong nag-enjoy naman kami .

Clash Of The Idols[On-Hold]Where stories live. Discover now