Chapter 14

49 2 0
                                    


Chapter 14

Englishero. Matapobre. Feeling gwapo na pa-hearthrob pero hindi naman. Kasama sa Gwapong-gwapo sa sarili ko GGSS club. Habulin ng mga babaeng walang taste. Two words, six syllables. 

"CLYDE BUENAVENTURA?" sambit ko. Ay, sigaw pala.

"Shh. Ang ingay mo po ate. Nagkaklase pa ang grade two. Rinig na rinig po ang boses niyo." may kumalabit sa akin na batang babae na mukhang nasa elementary pa lang. "Sorry po sa panggagambala. Hehe. Thank you ate."

Ay kabute. Buti at umalis na siya agad. Sige sige, medyo ititikom ko na ang bunganga ko.

Hinawakan ni Clyde ang natadyakan kong tuhod niya. "Hala, sorry naman. Di ko nakita e. Kasalanan ko bang tinakpan mo ang mukha mo ng makapal na libro na 'yan," sabi ko with matching turo pa sa The Fault In Our Stars niyang libro. 'Yung totoo? Binabasa niya 'yan? Ang bakla niya ha. Iniimagine ko pa lang na umiiyak siya habang binabasa niya 'yan, hindi ko na mapigil ang tawa ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" at ayun na nga, tuluyan nakong natawa.

"What are you laughing at?"

"Pfft. HAHAHAHAHAHAHAHA! W-wala. Huwag m-mo nalang isipin. Hahahahahaha. Nevermind haha."

Grabe. Ang hirap pigilan. Hinahawakan ko na ang tiyan ko, literally. The best ka talaga, Buenaventura.

"Tsk. Nakakarami ka na miss. Nakakainis na. All I need to hear is an apology from you. You owe me a lot after all."

Hindi ko parin siya tinulungan kahit nawindang siya sa harapan ko sa sakit ng tadyak ko. Bakit ba? Eh hindi naman siya natumba e. Mukha ngang hindi pa masakit sa kanya 'yung nagawa ko. Besides, 'yan narin pala 'yung ganti ko sa kanya pagkatapos niya kong pahiyain kaninang pagpasok ko. Beats him. Quits na kami.

"Sorry not sorry." pa-cool kong sabi sabay ngiti pa para sobrang maasar ka, Clyde Buenaventura. HAHAHA. Nasa akin ang huling bulaklak este halakhak pala."

Sige lang Buenaventura, maasar ka sa'kin.

"Okay sure. But I still won't give you this." nakangiti niyang sabi at awtomatikong lumuwa ang mga mata ko. Oh hindi, bakit nasa kanya 'yun?!

"BAKIT NASAYO YAN? P-PAANO MO NAKITA 'YUNG ID KO? HINDI AKO MAKAKAPASOK DITO NANG WALA 'YAN!"

Napatakip ako sa maingay kong bibig. Bawal nga pala mag-ingay. Pasensya na ho. Tss. Nakakairita kasi e. Bakit nasa kanya ang ID ko? Kung wala 'yon, di ako makakapasok sa sosyaling eskwelahang 'to! Buti pa dun sa dati kong school, guard lang ang tagatingin kung may ID ka o wala. Sus, simpleng jacket lang ang makakalampas ka na dun kung wala kang ID.

"I have my ways." nakangiti niyang sabi. Pilit kong kinuha ang ID pero itinaas niya 'yon at iwinagayway sa ere. Tumalon-talon ako para makuha ito pero walang epekto. Badtrip. Bakit ba kasi ang tangkad nito? Bakit ba kasi kinapos ako sa height? Ito na ba ang kaparusahan ng hindi ko pag-inom ng cherifer nung bata pa ako?

"Ibalik mo sa'kin 'yan, Buenaventura!" inis na sabi ko.

"In one condition."

"Tigil-tigilan mo ako sa english mo ha!" sagot ko at tumawa siya. "Ano bang kondisyon 'yan?"

"You'll help me make-up with my girlfriend."

Kung may tubig akong iniinom, matagal ko nang naibuga sa pagmumukha niya. Aba't walanghiya! Talagang ako pa ang tutulong na magkaayos sila ng girlfriend niya ha? Para lang sa ID ko? Isang malaki at intense na AYOKO NGA.

"Kapal! Ayoko nga. Gagawin niyo pa ko na taga-ayos ng gusot niyo. Mas gusto ko pa nga na hiwalayan ka niya e. At least, magigising na siya sa katotohanan na wala talagang kwenta ang mga lalaking tulad niyo! Magigising siya sa katotohanan na wala siyang mararating sa mga lalaki. Mas gugustuhin narin niya na maging isang matandang dalaga balang araw!" sabi ko sabay humalakhak na parang isang mangkukulam. Ang galing ko talaga! Mwahahahahaha!

Nakakunot noo lang siyang nakatingin sa'kin, "Then fine. Babye Identification Card." Ngumiti ulit siya.

"Walanghiya ka talaga, Buenaventura!"

"Whatever, whatever you say. After two days and you won't decide, I'll dispatch this Identification Card of yours." Nakakainis talaga 'yung nakakaloko niyang ngiti. Tinago niya 'yung ID ko nang tuluyan sa bulsa niya.

"Ano bang problema mo, ha? Hindi na nakakatuwa. Maraming babae ang makakatulong sainyo ng girlfriend mo. Sa kalandian mo naman, sure na sure akong magkakaayos kayo niyan. Bakit kasi ako pa?"

"Because I just want to. Besides, marami ka nang atraso sa'kin, miss."

Muntik nakong ma-out-of-balance nang may umakbay sa'kin sabay humalik sa noo ko, "We can ask for a replacement regarding her ID.  Leave her alone, Pryke.  After all, she's mine to begin with."

PMS? Katahimikan ang bumalot sa akin, sa akin lang naman. Kasi kahit walang nagsasalita ni isa sa'ming tatlo, nafifeel ko ang tension. Oh baka feeler lang talaga ako? Anak ng. Ano ba naman kasing problema nito ni Pryke? Biglang sisingit sa eksena e.

Nagsusukatan lang ng tingin ang dalawang higante este matatangkad sa harapan ko. Teka, hindi ba magbestfriends ata 'to e. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bigla ko na lang hinatak ng pagkalakas-lakas si Pryke paalis sa eksena. Makakatikim na talaga 'to sa'kin. Dinala ko siya sa may likuran ng school. Sa may mga damuhan. Buti naman hindi ako nakarinig ng anagal sa kanya o kaya ay nagpumiglas man lang.

Tumigil ako sa may damuhan at umupo doon nang magsalita siya, "Uy baby, don't tell me kaya tayo nasa damuhan kasi nagdecide ka nang tuluyan akong i-rape? Huwag po, bata pa po ako -- aray naman!"

Natigil siya sa pagsasalita nang tumayo ako at apakan siya sa paa habang nakatayo siya.

"Kulang pa 'yan, PMS. Unang-una sa lahat, inasar mo ako kanina. Pangalawa, inakbayan mo ako. Pangatlo, may pahalik-halik ka pa diyan sa noo. Peste. Pang-apat, PAGBIBINTANGAN MO PA TALAGA AKO NA RAPIST? Aba't kung hindi ka rin walanghiya!"

Yumuko siya at nagsalita, "Sorry na."

"Ewan ko sa'yo. Nakakainis ka. Layu-layuan mo na ako simula ngayon." sabi ko at naglakad palayo -- palayo sa kanya.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon