Chapter 6

94 5 0
                                    

Chapter 6

Lumabas na ako sa rooftop and luckily, wala na si Pryke doon. Bumuntong-hininga ako.

"Salamat naman at nawala na ang posibilidad na maging batang ina ako. Akala ko masisira na ang future ko. Ang weird naman ni Pryke. Bakit nagkainteres 'yun sa babaeng pangit na gaya ko kung maraming chicks naman na naghahabol sa kanya?" bulong ko sa sarili ko.

Pero mapalad na rin ako na hindi regular students dito sa eskwelahan sina Clyde at Pryke. Visitors lang sila dito at sa mas mayamang school nag-aaral. Kakakilala ko pa lang sa kanila pero nagpasimula agad sila ng kaguluhan sa buhay ko. Nakakastress. Ginamit ko ang Ninja moves ko para makalabas nang ligtas sa high school building. Maingat na palingon-lingon, nagtitiptoe at parang spy sa mga secret agent movies kung makaiwas sa mga tao. Tumingin ako sa malaking orasan sa harapan ng elementary building. Two o'clock na pala pero hindi pa ako naglalunch. Naubos ko na rin ang twenty pesos per week na pinapabaon ni mama at 'yung mga kinita ko sa pagdodota, nalustay na kakapalibre ng madaldal na si Clarisse tuwing recess o break time. Bawal rin naman akong bumalik sa bahay kasi isusumbong ako ni Aling Guranggutan kay mama na nagkacutting ulit ako.

So ... magdodota na lang ako para magkapera tutal umuungol na naman ang tiyan kong malupit. Sisiguraduhin ko na mananalo ako kina Clep, Koleng at Winwin.

Nilampasan ko na ang gate na walang kahirap-hirap. Malamang sa malamang, tulog ang guard sa ganitong oras. Kung ako lang ang principal, hindi ko siya siswelduhan.

Katulad ng nakasanayan, dumaan ako sa tatlong eskinita para marating ang pinakamamahal kong computer shop. Kinalabog ko ang pinto para makapasok. Mabuti at wala si Aling Tessie para sermunan ako sa pagkalabog ng pagkamahal-mahal niyang pinto na pinagawa sa divisoria. Dumiretso na ako sa likod kung saan nakita ko ang tatlong loko.

"Huy makintab na babae!" sabay-sabay nilang bati sa akin. Tumigil nila ang pagkocomputer. Humarap silang lahat sa akin.

Inirapan ko lang sila at nagsalita, "Mga walang hiya. Alam ko naman na malangis na talaga ang mukha ko. Hindi niyo na kailangan ipaalala."

Nagsalita si Winwin, "Oo na. Masapak mo pa kami ulit isa-isa sa mukha. Me have learned lesson. Hehe."

"Aba! Umeenglish ka na boy! Iba na talaga kapag inlababo, tumatalino. Yuhoo!" pailing-iling na sabi ni Clep sabay nag-apir sila. "Masyadong booming si Winwin. Hehe."

Sumabat naman si Koleng, "Booming ka diyan, Clep? BOOBING kasi. Ang shunga mo, mag-aral ka ng mabuti."

"Oo na. Sige, kayo na panalo."

"Ano ba!" inirapan ko sila. "Blooming kaya. Tss."

"IKAW NA!" sinigawan nila ako. Napatingin tuloy ang mga usyoso sa computer shop at napafacepalm ako. Ang hirap ng may mga kaibigang tambay. Kung wala lang akong pera na makukuha dito, matagal na akong nangblackmail ng mga lalaki o maski beki sa kalsada para lang kumita. Lumapit ako sa taga-bantay para makagamit ng computer. Mukhang papayag naman makipaglaro sa akin ang tatlo sa ayaw o gusto nila. Alam ko namang mga takot na sila sa suntok ko. Pumayag ang tagabantay at naglakad na ako papunta sa nirentahang computer. Uupo na sana ako nang may humawak sa kamay ko na parang sa magkasintahan. Agad akong napatingin sa humawak sa kamay ko. Sino ang kaya ang lokong 'to nang mabugbog ko na?

Nagsalita ako, "Ugh! Bitiwan mo ako kung ayaw mong masugod sa ospital ngayon din."

Timpi Saleema, timpi.

Pilit ko paring tinatanggal ang kamay niya gamit ang kabilang kamay ko pero to no luck, ayaw matanggal. Sinapak ko ang lalaking mokong sa may libre niyang braso pero wala siyang reaksyon. Inapakan ko ng sobrang diin ang paa niya subalit wala ring epekto sa kanya. Grr. Imbis na bumitaw siya, hinawakan niya pa ang kabilabg kamay ko ng mas mahigpit kaya kinagat ko na ang kanang braso niya. Umungol siya sa sakit. Mabuti binitawan niya na ako. Malaya na ako sa halimaw.

"RAPE! NIRIRAPE AKO! TULONG!" sigaw ko.

"Ikaw? Saleema? Marirape? Talaga?"

"ASA KA PA!"

At ang gaganda pa ng sagot sa akin ng mga nasa shop. Anak ng. Hindi ba kapani-paniwala na marirape ako? I mean, hindi ako kagandahan. Inaamin ko 'yon. Ngunit wala man lang ba na kahit 0.01% na attractive sa katawan ko? Psh, oo na. Oo na. Alam ko na ang sagot diyan. Isang mabantot at mapanghing wala. Sa totoo lang, nakikita ko na ang sarili ko na isang matandang dalaga sa 20 years from now. Ano ngayon? At least, wala akong makakasamang halimaw sa araw-araw ng buhay ko.

Nakangiti siyang sumagot, "Akala mo makakatakas ka pa ha. May kabayaran ang pagsuntok mo sa akin kanina, Miss."

Nakahakot ng atensyon ang eksena namin. Medyo hinihinaan ko nga kanina 'yung boses ko para walang makapansin pero ang daming observer kasi talaga dito sa shop. Mga chismoso't chismosa. Maya-maya pa, marami na ang nagbubulung-bulungan at sumisigaw ng 'ayieeee' sa amin. Peste talaga 'tong lalaking 'to. Peste ka nga talaga, Pryke.

"TUMIGIL KAYO KUNG AYAW NIYONG MASAPAK ISA-ISA! MAGAGAYA KAYO SA BAKULAW NA 'TO!" sigaw ko. Humaltak na lang ako ang isang lalaki na busy sa paglalaro ng special force. Hinawakan ko ito sa kwelyo at sinapak. Tumumba ito sa sahig.  Tulog siya. Tumahimik ang lahat. Pagkatapos ng sampung segundo, bumalik na ang lahat sa kani-kanilang gawain na parang walang nangyari. Lumingon ako sa lalaking halimaw na nasa harapan ko. "Biset. Tigilan mo ako."

Tatalikod na sana para umupo nang magsalita si Pryke, "Bakit? Nahihiya ka pala sa kanila? Sus. Hindi ka nga nahihiya sa akin."

"Ha? Bakit naman ako mahihiya sa'yo aber? Ang kapal ng mukha mo. Hindi ka special kaya huwag kang papansin diyan."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagdaldal. Kaasar.

Nakangiti siyang sumagot na lalong nakapaghighlight sa dimples niya.Hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yun o hindi pero mukha itong natural lang sa kanya. "Hindi ka nahihiya na pumasok sa utak ko at guluhin ang isipan ko. Ngayon, para na akong nababaliw sa isang pangit na gaya mo."

Narinig ko ang tawanan ng tatlong mokong sa may likuran ko. "Peste ang korni mo. Layas!" At iyon na ang signal ko para mariin ko tadyakan siya sa may bandang tiyan. Mahirap kasi sipain sa mukha, nakapalda pa man din ako kasi galing sa school. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid habang nakahilata siya sa sahig. "Huwag na huwag mo nang uulitin ang paghawak sa kamay ko kasi kapag inulit mo, hindi lang 'yan ang aabutin mo. Baka mapatay na kita."

Foot spa. Unang beses ko pa lang 'yin mahawakan sa kamay ng isang lalaki - at 'yung totoong holding hands pa. Nakakadiri. Tumalikod na ako para umupo sa silya. Pinindot ko na ang icon ng DOTA para makapagsimula na kami. Napag-usapan namin na one hundred ang pusta. Sana swerte ako ngayon. Habang naglalaro ako, may naramdaman akong umupo sa upuan na katabi ng pwesto ko. Sa may kanan ko kasi 'yung upuan at 'yung nasa kaliwa ko, doon nakaupo si Koleng Miradona.

"Mukhang tumabi sa'yo ang admirer mo teh!" ani ni Koleng.

"Wala akong pakialam."

Nagsalita si Pryke sa gilid,"Uy babe, tigil mo na muna 'yan. Alam kong hindi ka pa naglalunch. Treat kita ng pagkain."

Naramdaman ko ang pagbubulungam ng tatlo sa tabi ko. Nako nako.

First blood! Sana manalo na talaga ako. Naglalaro ako habang sinasagot siya, "Ayoko. Baka kung anong masama ang gawin mo sakin at tsaka hindi ako nagtitiwala sa mga lalaki. Mukha mo pa nga lamg, hindi na katiwa-tiwala."

"Oh come on! Bakit ko naman pag-iinteresan ang isang katulad mo? As if matutukso ako sa'yo. Ang pangit mo kaya." sagot niya. "At tsaka, why don't you try trusting me even this once? Gusto ko lang ng kasama."

"Bakit hindi na lang 'yung Clyde Buenaventura? Hindi ba kaibigan mo 'yun? Bakit hindi 'yun na lang ang isama mo? Bakit kailangan hanapin mo pa ako?" hindi ko na nakontrol ang dila ko sa paglabas ng lahat ng katanungan na siyang laman ng utak ko. Badtrip. Napahawak ako sa bibig ko. I'm not supposed to be this talkative.

Ngumiti siya ng nakakaloko at nagsalita, "Simple lang. I'm madly challenged about your personality or should I say -- of who you are, Miss. You are a puzzle I can't solve.One thing is for sure, I'm bothered and I don't like this feeling. Nakakaasar."

OnceWhere stories live. Discover now