Chapter 9

74 3 0
                                    


Chapter 9

"Ano ba 'yan! Nakakainis ka! Iiwan mo na ako. Walang hiya ka talaga! Kung bakit mo ba naman sinipa 'yung ano nung pamangkin ng principal edi sana happy tayo ngayon?" mangiyak-ngiyak na sambit ni Clarisse. "Edi sana magkasama parin tayo magpakailanman at forever."

Inirapan ko na lang siya at nagkibit-balikat. Ano ba 'yan. Ang drama. Parang aalis lang naman ako. Ah alam ko na kung bakit siya naiiyak -- kasi wala nang manlilibre sa kanya ng chicharon tuwing meryenda. Ugh. Mabuti nga 'yon, bawas gastusin at pakainin. Hay, ano ba 'yan! Bakit ba parang nanay ko na magsalita? Sabagay, mukhang nanay na rin naman ang ayos ko.

Bakit ba? Wala akong pakialam kung anong hitsura ko. At least, may mukha. Okay na 'yun sa akin.

"Alam mo Clarisse. Sa panahon ngayon, wala nang forever."

Sumingit na naman si Yella Nutella, ang babaeng chismosa, "Waaah! Girlalu! Thanks for that line! Akala ko, akala ko wala na akong new line na maittweet sa twitter! But thanks to you. May maittweet na ako ulet. Don't worry, if-favorite ko 'yung recent tweet mo. Nice diba?"

Ngiting-ngiti niya akong pinaghahampas sa armchair na inuupuan ko habang kami ni Clarisse na nakaupo lang at nagchichikahan kani-kanina lang, natameme sa pagsingit niya.

Umirap si Clarisse, "Hay nako. Tingnan mo 'yung IBANG TAO diyan, Salem. Nabubuhay sa panchichika sa mga tao. Samatalang tingnan mo 'yung grades niya sa mga subject sa report card, puro itlog! Ay nako, nakakabiset."

"Hmp." ani ni Yella. "Atleast, famous. Hindi katulad nung IBA DIYAN, napakaplastic. Akala mo demure, 'yun pala may kamot. 'Yun pala makati. Maharot. Oh wait a minute chika minute, is that you Clarisse? Sarreh ha."

"Ano? Maharot daw? Sabihin mo 'yun sa sarili mo, tsismosang frog! Tingnan mo ngang maigi 'yang mga tweets mo, puro kalandian ang laman! Puro mga abs ng lalaki, likes nila, dislikes o kung ano pa man! Kadiri! Wala ka na ring ginawa kundi magpakalat ng mga tsismis tungkol sa ibang tao! Alam mo ba 'yung nararamdaman nila kapag trending sila sa school? Hindi! HINDI MO ALAM."

"It's not my fault noh! They should take care of their own reputations. I'm just updating the whole school! Besides, gusto rin naman nilang magtrending! Ate, sa panahon ngayon, madami nang famewhores! Oh wait, I like that statement. Ma-post nga sa instragram along with my selfie. Ahihi."

"Teka nga --"

Hindi ko na napigilan ang pantog -- este damdamin ko. Napatayo na ako at napasigaw,

"WAAAAAAAH! PWEDE BA TUMAHIMIK NA LANG KAYO! NAKAKASAWA NA ANG MGA PITIK NG BUNGANGA NIYO. PESTE, LAST DAY KO NA NGA LANG 'TO SA IMBYERNANG PRIVATE SCHOOL NA 'TO TAPOS HINDI NIYO MAN LANG AKO MABIGYAN NG KATAHIMIKAN? UTANG NA LOOB! IKAW CLARISSE, BAKIT MO PA PINAPATULAN 'TONG SI YELLA? HAYAAN MO SIYA KUNG ANONG GUSTO NIYANG GAWIN. THIS COUNTRY IS DEMOCRATIC. IKAW NAMAN, YELLA. BAKIT UMABOT PA SA PANGHUHUSGA MO KAY CLARISSE ANG LAHAT? DOESN'T MEAN NA MAY MADALDAL SIDE SIYA, EH MAHAROT AT MALANDI NA AGAD! JUSME! NAHAHIGHBLOOD AKO!"

Buti na lang at wala pang teacher. Maaga pa kasi at hindi pa nagsstart ang first class. Nagulat ako nang magpalakpakan ang buong klase. May mga tumili, iwinagayway ang bench bath towel nila sa ere at may nag-wiggle wiggle pa sa harapan.

"Saleema Esguerra for president!"

"Iboto sa senado! Magaling magspeech! Itinaob si Miriam Defensor-Santiago!"

"Magaling magspeech si ati!"

Kasalukuyan akong napaupo sabay facepalm. Ay nako, hindi ko na naman napigilan ang lukso ng damdamin ko. Nagulat na lang ako nang magtawanan ang dalawang babae sa magkabilang gilid ko sabay nakarinig pa ako ng apir. Lumingon tuloy ako sa kanila na nagtataka.

"The best ka talaga, Saleema! Just so you know, you are really funny. Right, Clarisse?" sabi ni Yella Nutella at tumawa na lang si Clarisse. "So. Thanks to you too. I gotta go! May bagong issue pa akong iko-cover para sa school newspaper! Ciao!"

At mabilisan na siyang umalis. Kakaiba talaga 'yung si Yella Nutella. Oo, siya ay isang writer sa school newspaper. Kinuha siya sa kadahilanang updated raw siya lagi and of course, due to insistent public demand. Balita ko nga, mayaman ang angkan nilang Chinese kaya nabibigay ang mga luho niya lagi. Half-Chinese rin pala siya. May lahi siya kaya marami-rami ring lalaki ang naghahabol. Oo nga pala, laging may wi-fi sa bahay nila. Lagi siyang online sa mga social accounts niya. Bonus na rin pala 'yung pagiging adik niya sa Nutella. Sakto sa apelyido niya.

"Pero aalis ka na talaga." malungkot na sambit ni Clarisse sa may gilid ko. "Aalis ka ng wala ka pa ring natututunan sa mga sermon ko. Ni hindi parin kita namamake-over. Nakakaloka ka naman kasi! Bakit ba ayaw mong mag-ayos? Walang namang bayad ha? Libre naman --"

"Uhmm. Excuse me?" biglang may babaeng kumatok sa may pinto ng classroom. Sa wakas, ligtas ako sa sermon ni Clarisse Delos Reyes. "Sino po si Saleema Liberty Esguerra? Dumiretso na lang daw po sa principal's office. Salamat!"

P-pero wala naman akong inaway? As far as I know, wala akong sinaktang lalaki these days? Anong kalokohan 'yun. Di bale na nga, huling araw ko na rin naman ito sa mundo -- este sa eskwelahang 'to. Sa sobrang tuliro ako sa paglalakad, hindi ko namalayang nalagpasan ko na pala 'yung principal's office. Napunta ako sa canteen.

Makabili na nga muna ng C2 solo, tutal hindi naman 'yun lalagpas sa bente. Sakto rin namang break time rin ng mga kinder kaya nauna sila sa pila pero nakapila parin ako.

May kumalabit sa likod ko. Pagkalingon ko, isang maliit na bata. Kinder din ata. "Hi. I'm Ishi Beunaventura. Can we exchange places in this waiting line because I'm in a hurry?"

Tss. Kabata-bata pa neto, marunong nang sumingit sa pila. Ano ba naman 'yan. Pero sige na nga, pagbigyan. Nakakaawa naman. Tsaka ang cute nung bata e. Ang taba taba niya tas ang puti puti pa. Nakakagigil. Nagpalit kami. Ako sa likod siya sa harapan ko.

Kasalukuyang dumagsa ang mga bata sa canteen. Nagsisingitan sila sa pila kaya napilitang magpaatras ang iba. Nag-arms forward silang lahat at unfortunately, pati ako, kailangang umurong paatras. Tuloy lang ako sa pag-atras papunta sa likod nang may mabangga ako, "Ouch. I think you're falling for me."

Pamilyar ang boses. Hindi kaya siya si ..

"F-ford?"

"Oy Salem? Ikaw pala 'yan. Nice meeting you again. Kumusta ka na? Long time no see."

"A-ah. Oo nga. Hahaha."

Tinitigan ko siya pasimple pero nahuli niya ang titig ko. Nagkatitigan kami pero umiwas ako ng tingin. Maayos na ang mukha at katawan niya. Mabuti nga walang high school na may break time ngayon kung hindi, nasabunutan na ako ng mga 'yon. Kayo ba naman ng isang Ford Unidad, magkaharapan at magkatitigan? Pangarap na 'yon ng mga pugita este babae rito!

"So kumusta ka na nga?" sabi niya sabay ngiti sa akin.

Kakaunti na lang matutunaw na ang oily face ko. Iba na talaga ang kamandag ng anak ng principal. Oo, siya ang anak ng principal na nabugbog ko kasi nagtapat siya sa akin na gusto na ako sa hallway. Hinarana niya pa ako at isinayaw pero nung natauhan na ako sa kalandiang nagawa ko, sinapak ko siya at binugbog. Matagal-tagal na rin kasi kaming classmates nito. At noong binugbog ko siya, napilitan siyang magbakasyon sa Italy para magpagamot. Medyo nakokonsensya talaga ako. Pero medyo nababawasan na 'yung guilt kasi sa nakikita ko, magaling na ang mga injuries niya plus mas umayos na ang mukha niya.

"Uy, tinatanong kita Salem!"

"Ay pumogi ka lalo -- este ha? Teka ano 'yun?"

Ang shunga mo, Saleema. Bakit mo nasabi 'yun?! Hindi ba ayaw mo sa mga lalaki? Hindi ba kinamumuhian mo ang mga nilalang na kagaya ni Ford? Nasapok ko ang ulo ko ng mga five times nang marealize kong nasa harapan nga pala ako ni Ford.

"Ikaw ha." kumindat siya sa akin. "Napopogian ka pala sa akin?"

"Ha? Hindi ah."

Inilapit niya pa lalo ang mukha niya sa akin nang nakangiti. 'Yung killer smile niya na matagal nang kinababaliwan ng mga kababaihan. Palapit ng palapit hanggang sa onti nalang ang distansya ng mga mukha namin. Hindi ako magalaw -- parang nakastuck lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Talaga? Paano kung sabihin kong gusto kita?"

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon