Nakatago ako sa isang pillar ng lobby, chineck ko isa-isa yung mga nag la-log . At nahagip na ng mata ko si Ada. This time, nakatalikod na siya. Pero syempre kilala ko pa rin siya kahit anong view.

Teka, may unit siya sa floor na to?! Siguro nandito lang talaga siya, joke joke lang yung umuwi siya ng California.

Bago pa mahuli ang lahat, tumakbo na ako papalapit sa kaniya. Niyakap ko siya mula sa likod. Tapos hinalikan ko ang balikat niyang naka-expose dahil sa off shoulders niyang blouse. Sakto at walang masyadong tao sa alley ng unit na tatahakin niya. Nagulat siya sa ginawa ko, syempre.

Pero mas nagulat ako sa ginawa niya.

Sinampal niya ako.

Pagharap niya, sinampal niya ako ng malakas.

Akala ko, ayon na ang pinaka-nakakagulat na bagay sa mundo. Pero may mas nakakagulat pa pala.

Nang mabalik ako sa wisyo mula sa pagkakasampal sa'kin, mas nagulat ako ng makita ang babaeng hinabol-habol ko.

Hindi pala si Ada ang hinabol ko, niyakap ako, at hinalikan sa shoulder. At nakakagulat talaga kasi...

HINDI PALA YON BABAE! MUKHANG CLOWN NA BAKLA!

End of Flashback

'Wag sana masamain yung comment ko roon sa hitsura nung gay na 'yon. Hindi sa judgemental akong tao, pero kaniya-kaniya tayong pananaw at kung paano ko siya dinescribe, 'yon talaga ang natanaw ko.

Tinawag pa nga akong manyak nung bakla e. Jusko, akala yata e mo-molestiyahin ko siya. Maloka ako sa kaniya.

Sabog-sabog na ang pagkakalagay ng ibang damit sa maleta na iniimpake ko ngayon. Iniisip ko kasi yung kahihiyan na nagawa ko e. Dahil 'yon sa di pagpapatahimik sakin ni Ada.

Hindi naman marami yung nakakita sa ginawa ko at sa pagsampal sakin ni beshy. Mga limang tao lang naman yung nakakita. Yung pagsampal, wala akong pake roon kahit lahat pa ng tao dito sa building e makita 'yon. Pero yung pag yakap ko sa kanya? Jusko, kung alam niyo lang. Pinag-pray ko talaga kanina na sana lamunin na ako ng anuman o kung sinuman na pwedeng lumamon akin.

Napa-isip tuloy ako bigla..

Kung si Ada kaya talaga 'yon, magagawa ko siyang habulin at yakapin ng ganoon? Baka rin kaya ako may lakas ng loob kanina ay dahil di naman ako 100% sure na si Ada yun e. Syempre kung sure na sure ako, makakaramdam ako ng hesitation sa gagawin ko diba.

Isa pa, kung nagawa ko man talagang habulin at yakapin siya, at siya talaga si Ada, ano kayang magiging reaction niya?

Sasampalin niya rin kaya ako?

O yayakapin niya ako pabalik?

Pero syempre, knowing Ada, sasampalin talaga siguro ako noon.

Nabalik lang ang sarili ko sa reality ng mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Mama. Chineck ko ang oras, inabot na pala ako ng gabi.

Si Ada nanaman kasi ang laman ng isip ko. 24/7 walang palya ang pang-gugulo niya sa'kin mentally. Lagi akong nawawala sa sarili kapag naiisip ko na siya. Hanggang kailan ba ako magiging ganito, Ada?

Sinagot ko yung tawag ni Mama. Nag-aalala na siguro siya.

"Sa pagkaka-alam ko, hanggang 5 ka lang sa opisina. Alam mo ba kung anong oras na, Jana Sherry?!" Bungad sa'kin ni Mama matapos kong i-accept ang call niya.

"Hello rin sa'yo, Ma. Kaloka ka naman, nag fliptop ka nanaman dyan." Pabiro kong sabi.

"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Ikaw talagang bata ka, napaka pilosopo mo." Strict niyang sagot.

"Chill ka lang kasi, mother. Nandito ako sa condo, rito na rin siguro ako magpapalipas ng gabi, so don't wait for me. Tatapusin ko yung pag sinop sa mga gamit ko para bukas madala ko na riyan sa bahay." Sagot ko kay Mama.

"'Wag mo naman masyadong madaliin yung paglipat. Di ka pa naman pinapaalis nung nakabili ng condo mo. At isa pa, wala naman dito yung dahilan bakit gusto mong umalis dyan." Nag-aalala pero mapang-asar niyang sagot.

Napa-roll eyes ako. Buti na lang talaga nasa kabilang linya siya at 'di niya nakikita ang pag-irap ko sa kaniya. Hehehe.

"Alam kong sobrang busy ka sa ngayon, Sherry. Pero gusto ko lang ipaalala sa'yo na pinangakuan mo si kuya mo na tutulungan mo siya sa wedding preparations niya." Seryosong sabi ni Mama.

"About that, Ma. Pasabi kay ate LJ at kuya na pasensya na. I'll make it up to them after ng anniversary celebration sa company." Sagot ko.

Marami pang ibinilin si Mama bago niya tuluyang i-end ang call. Ang dami-daming sinabi, akala mo naman 'di ako uuwi bukas doon sa bahay. Minsan talaga ang hirap intindihin ng mga mudrakels natin.

Dala na rin ng pagod, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

The AntagonistWhere stories live. Discover now