Changes in Kuya Jay's Life.

3.7K 74 0
                                    

>>>Author's Note:Sorry guys kung delayed ang update hindi kasi ngayon inspired ang writer. :((( Alam kong walang connect pero ang hirap kasing magsulat ng masayang story kung ang mismong writer naman ei hindi masaya! Pasensya na po kayo sa kadramahan ko well anyways ituloy na natin ang istorya para sa mga readers ko itutuloy ko na malakas kayo sakin ei Haha^__^<<<

Miggy's POV...

After naming mag-usap ni Myloves at sulitin ang oras naming magkasama ngayong Monsary namin. Umuwi na rin kami. Nagpaalam kami sa tropa at sobra akong nagpasalamat sa sobrang pagiging supportive ng mga mokong! ^___^

"Guys Salamat talaga di niyo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon Haha ^__^ At dahil dyn ililibre ko kayo kahit san niyo gusto sabihin niyo lang sakin okay! Haha ^___^"-Miggy.

"Besty wag kang mag-alala na plano na namin ang kapalit nito Haha:D"-Puma.

"O___o??? Na plano? Anong ibig mong sabihin Besty? Grabe naman kayo akala ko pa naman bukal sa mga puso niyo tong ginawa may kapalit pala Haha ^___^"-Miggy.

"Hahaha:D wala ng libre sa mundo ngayon Bess wag kang assuming Hahaha^___^"-Ola.

"Ayyyy grabe! Haha^__^ Teka teka hindi naman ako ang humingi ng tulong sa inyo si Myloves tapos ako tong magbabayad hindi naman ata makatarungan yan guys Haha ^___^"-Miggy.

"Oh? Akala ko ba Miggy kanina sabi mo libre mo kami kahit saan tapos ngayon binabawi mo na? Haha ^_^"-Chelz.

"Oo nga saka diba napasaya ka naman namin sabi mo. Sabi mo pa nga kahit saan ei Hahaha ^___^"-Mae.

"Ano guys? Hong kong sounds fine to me makapag shopping naman tayo libre naman pala ni Miggy ei Haha^___^"-Diane.

"O___O!!! Hong kong Shopping??? Anong pinag sasasabi niyo dyn Hahaha ^___^ Kayo ang wag assuming pang Eat All You Can lang kayo Hahaha ^___^"-Miggy.

"Hay naku ang kuripot mo ang yaman yaman niyo naman sige na Bess alis na kami medyo pagod na kami at alam kong pagod na rin kayo ^__^"-Ola.

"Sige Sam alis na kami bye ingat kayo ha! ^__^"-Chelz.

"Sige sige maraming maraming salamat ulit sa ginawa niyo para samin ni Myloves I love you guys! Haha^__^"Sabay hug at beso sa isat isa.

Sam's POV...

Di parin ako maka paniwala sa mga nangyari! Natuloy yung surprise ko para kay Myloves at sobrang nag-enjoy pa kami higit pa sa ineexpect ko Hahaha^_^. At ngayon taggap pa ni Kuya Jay ang relasyon namin ni Miggy. Masaya talaga ako ngayon kasi unti unti nang natatanggap ng mahal namin sa buhay ang relasyon nmin ni Myloves. Una ang barkda at ngayon nman ay si Kuya Jay ^____^. Alam kong sinabi ko kay Myloves na ayokong malaman muna ng lahat ang tungkol samin pero marami na ang nakakaalam ng tungkol samin ni Myloves at kung dumating man yung time na malaman na pati ng mga magula namin ang tungkol sa relasyon namin ay hindi ko itatanggi sa kanila ang totoo.

Marami nang sinakripisyo si Miggy para saming dalwa gustong ipaglaban din ang relasyon namin. Sana matanggap din nila ang kung ano man ang meron samin ni Miggy. Mahal ko ang parents ko at nirerespeto ko sila,pero sana maging supportive din sila kagaya ni Kuya jay at ng mga kaibigan namin. Although sobrang takot ang naramdaman ko nung sinabi samin ni Kuya Jay na pag nalaman ito ng Daddy ni Miggy ay siguradong tututol siya sa relasyon namin at siguradong paghihiwalayin kaming dalwa. Iniisip ko palang nakakaramdam na ko ng sakit. Hindi ko ata kakayanin wait talagang hindi ko kakayanin ang mahiwalay pa kay Miggy. Siya lang ang taong gusto kong makasama at wala ng iba pa.

Habang nasa sasakyan kami ni Miggy pinagmamasdan ko siya ang saya saya niyang tingnan halatang sobrang nag-enjoy talaga siya. Ngayon ko nlng ulit nakitang masaya si Myloves hindi maalis ang smile niya kahit para na siyang baliw sa koste hinahayaan ko nlng siya dahil talaga namang napakasaya ng araw na to na parang ayoko ng matapos pa! ^__^

Twisted HappinessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum