Chapter 3 New Neighbor :)

6.6K 142 6
                                    

Eto na po si Samantha ang pag pagpasok niya sa buhay ni Miggy alamin natin kung papano sila magkakalapit at mag simulang mabuo ang feeling para sa Isa't-isa :)))

Nakatambay lang kami ng 5 sa labas ng bahay namin dahil nagpapatay oras kami at mamaya ay aalis na rin kami dahil may pupuntahan sa bahay ng isa pa nming kaibigan. Si Puma nagyon palang kasi nagstart ang vacation nila. Kaclose din namin siya. Bukod kay Ola isa siya sa pinaka malakas ang trip samin masayang kasama at Go na Go siya. Loka loka rin kaya excited kaming hinihintay siyang umuwi at alam niyo na Inuman na nman to kasi The Gang is complete. :)))

Habang nagkwe-kwentuhan kami nina Ola Chelz Diane at Mae biglang my isang malaking truck na nagpark sa tapat ng kapitbahay namin dati na sina Mr. and Mrs. De Villa. Nagulat ako pati na rin sila dahil ang alam ko umalis na sila sa bahay nila at nag migrate sa States.

Miggy diba wala na sina Mrs.De Villa dyn sa bahay nila bakit my malaking truck at mukhang may titira ulit? Tanong ni Mae sakin.

Hindi ko alam nagtataka nga rin ako kasi nagpaalam na sila samin at sa ibang kapitbahay nmin. Nag Organize na din si Lola Zenny ng Farewell party para sa kanila noon. Pero after a few weeks nilang umalis.May mga tao na nag-ayos ng bahay nila. Binago ang mga pintura at mas pinaganda ang bahay nila. Sagot ko sa kanila.

Ahhhhh! Baka naman kamag-anak lang nina Mrs.De Villa yung titira dyn? Sabi ni Diane.

Siguro! Maikling sagot ko na parang walang pakialam.

Woooooow! Ang gaganda nman ng mga gamit nila mukhang Big time ata tong bagong kapitbahay ni Miggy. Hangang hangang sabi ni Ola.

"Teka!!!!! Guys??? TOTOOO BA TONG NAKIKITA KO?!!!"....Gulat na gulat na sabi ni Chelz at akala mo nman nakakita ng multo sa sobrang laki ng mata at titig na titig.

"Shit!!!! Miggy ang swerte mo grabe!!!!"....May pagyugyog pa sa balikat ko at halatang masayang nasabi ni Ola.

"Oo nga si.... siiiiiii SAMANTHA REYES!!!!! Siya ba yun??!!"...May pagkusot pa sa dalwang mata si Mae na OA ang dating para sakin.

"TEKA NGA!!! Bakit ba ang OA niyong apat dyn para nman kayong nakakita ng multo dyn?"...Pagtatakang tanong ko sa mga kaibigan ko.

Palibhasa naka tingin ako sa mga reactions nila kaya di ko makita ang sinasabi nilang Samantha!

Nang biglang my gumulong na gamit nila papalapit sakin bigla ko namang naabot at akmang ibibigay sa kanya nang biglang........

"Ay! Sorry".....Sabi ni Samantha palapit sakin na kukuhanin din yung gamit nila.

GRABE NATULALA NA LANG AKO! Ang ganda niya grabe marami na kong nakitang magaganda bukod sakin joke! Pero iba siya mali pala ako di multo ang nakita nila kundi isang Dyosa! Nang biglang sikohin ako ni Ola.

Bess! Yung gamit nila ibigay mo na naka nga-nga ka pa dyn! Bulong ni Ola.

Ha?! Ah Oo eto pala sorry. Medyo nahihiyang sabi ko.

Napangiti nman siya habang kinukuha yung gamit nila grabe para ata akong matutunaw ang ganda niya. Matangkad sexy ang haba ng buhok at ang bango bango di man kami sobrang magkalapit pero amoy na amoy ko siya. At yung ngiti niya whooooooo!!! Heaven ang ganda ng smile niya kaya tuloy na tameme ako.Biglang singit nman ng mga surot kong kaibigan at panira ng moment.

Hi! Ikaw si Samantha Reyes diba? Tuwang tuwang sabi ni Chelz.

Nagulat nman siya dahil nakilala siya nito at napangiti na nman. Hay ang ganda niya tlaga :)))Bago pa makasagot si Samantha ay bigla namang nagsalita si Mae.

Kayo na ba ang bagong titira dyn? Ngiting ngiting tanong ni Mae.

Grabe nman ganto ba siya kaganda para lahat kami ay mawala sa sarili nmin hay!

Bigla nman siya sumagot at sinabing...

Oo ako nga si Samantha Reyes "Sam" nalang ang itawag niyo sakin masyado kasing mahaba ang Samantha:)

Habang nagsasalita siya parang wala akong naiintindihan at naka focus lang ako sa mga mata bibig at sa kanya.Yung mata niya na color Brown at mga labi niya na pinkish at mukhang kissable pa matangos na ilong lahat ata perfect protion sa kanya!

Twisted HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon