We're Getting Closer

5K 101 1
                                    

After kong ihatid si Sam sa kanila uwuwi na ko sa bahay ng MASAYA. Paulit ulit sa utak ko nagfa-flash back yung mga nanyrai samin sa farm. Lalo na nung sinabi niya na "Best Date Ever!". Alam kong hindi ko dapat lagayan yun ng meaning dahil baka nga naman ganun lang tlga siya kasweet sa mga kaibigan niya. Pero di ko mapigilan kiligin feeling ko yung puso ko umaapaw sa saya ang nararamdaman.Pag kasama ko siya para akong lumulutang sa saya parang ayokong matapos gusto kong sabhin na MAHAL KITA!. Pero alam kong mali alam kong hindi tama hindi dapat pero tuwing kasama ko siya parang gusto kong hawakan ang mga kamay niya gusto ko siyang halikan yakapin. Gusto kong iparamdam ang pagmamahal ko gusto ko siyang maging akin ayokong may kaagaw pero alam ko nman na imposible yung gusto ko.

Ilang araw pa ay na papadalas na ang pagtambay sa bahay nina Puma Ola Chelz Diane at Mae. Pati si Sam ay palaging nasa bahay nmin halos araw araw kaming magka text nagkikita magkasama. Parang di kami mapaglayo at tuwing maghihintaymaghihiwalay kami na mimiss ko na agad siya na para bang ayokong bitawan ang mga kamay niya ayokong malayo sa kanya.

Galing ako sa bahay ng Tito Fernand ng makauwi ako sa bahay habang papasok na ang koste ko sa loob nakita kong mukhang walang tao sa bahay nina Sam.Nakita ko rin na maraming Flowers sa labas ng bahay nila Chocolates at mga love letters.Pinasok ko muna ang kotse at lumabas ulit para silipin yung mga bigay ng manliligaw niya.

Wooooow!! Ganto pala kadami ang karibal ko sa kanya ang gaganda ng mga bulaklak ang daming Chocolates my Tobleron Kisses Cadburry Ferrero. At iba iba pang klase ng chocolates my mga letters din. Halatang marami talaga siyang manliligaw.

"Oi Miggy!" Biglang tawag sakin ni Kevin kapitbahay namin.

Oh? Bakit langya gara ng suot natin ah! Naka polo ka pa at todo porma my Bulaklak at Chocolates pa! San ba lakad ntin mukhang manililigaw ka ah!...Tanong ko sa kanya.

Kanino pa ei di kay Sam! Andyan ba siya?? Alam mo kasi matagal ko ng pinag-ipunan ng lakas ng loob toh.....Sagot ni Kevin na parang Inlove nga.

HA!? Ahh.. Wala atang tao sa kanila Kevin.... Sagot ko pati ba nman siya hay!

Ah! Ganun ba sayang nman tong dala kong flowers at chocolates sa kanya. Ayoko namang iwan sa labas baka kasi di maging espesyal para sa kanya. Malungkot na sabi ni Kevin.

Iwan mo nalang sa labas ang dami mo ngang karibal tingnan mo parang my namatay na nga ang kinalabasan ng mga Flowers na bigay ng manliligaw niya.

Ah! Nga pla Miggy ma iba ako balita ko magkaibigan daw kayo ni Sam?

Ha??? Ah oo bakit?

Pwede mo ba kong ilakad sa kanya? Nakangiting tanong sakin ni Kevin.

Ha? Ei di pa nman kmi ganun ka close Kevin....Palusot ko nlng sakin pa magpalakad kung sipain kaya kita dyn.

Ah gnun ba ikaw lang kasi ang nakikita kong kasama siya lagi pati yung ibang babae na iingit na sayo kasi ikaw lang kaibigan niya dito satin.

Sige Miggy Uwi na ko iwan ko nlng siguro tong dala ko sa labas ng bahay nila :) Nakangiting sabi niya sabay alis.

Nung umalis na si Kevin napa isip na nman ako at dun narealize na talagang ang daming nagmamahal kay Sam.Isa lang ako sa maraming nagmamahal sa kanya. :(((Pumasok na ko sa bahay at hinintay siya sa terrece ng Room ko. Nagtext ako kaso walang reply di ko nman alam kung nasan siya. Namimiss ko na si Sam gusto siyang makita:(((

10pm na ng gabi nakita kong papasok na ang kotse ng Papa niya napahinto rin sila dahil nakita nila yung mga bigay ng manliligaw ni Sam.Nakita kong pumasok nlng si Sam sa bahay nila na parang pagod. San kaya siya galing at yun namang mga bigay ng manliligaw niya ay kinuha nalang ni Yaya Delia.

Nang nakita kong nasa room siya umarte ako na di ko kunyari sila na pansing dumating na busy akong nag sosoundtrip at naka headset habang nakatingin sa phone ko na kunyari my katext. Sumusulyap lang ako sa kanya para di mahalata. Lumabas siya ng room at ngpunta sa terrece.

MIGGY!! MIGGY!! MIGGY!.Sigaw niya mula sa terrece nila naka ngiti habang kumakaway.

"Oh! Hi. "...Kumaway na rin ako na parang di na pansin ang pag dating niya.

Miggy! Sorry kung di ako naka sagot sa text mo galing kasi ako shoot. Kamusta kna namiss kita! :)....Biglang my text akong na Recieve from Sam.

Sumagot nman ako sa text niya kahit pareho lang kami nsa Terrece di nman kasi kami pdng magsigawan kasi gabi na.

Ah ganun ba ok lang nag-alala lang ako sayo kasi maghapon kita hindi nakita:) Sagot ko.

Na miss mo ko?:)

"Ha? Di ah! ".....Pero sa totoo lang sobrang miss MISS NA MISS NA MISS NA MISS NA MISS!!!

"Ah ok!"....Mukhang tampororot na naman siya ang cute ng mukha.

"Joke lang! :D syempre na miss kita magpahinga kna bukas na tayo mag-usap alam kong pagod ka."... Tumayo na rin ako at kaway sa kanya dahil papasok na ko sa loob.

Sige Good Night Miggy :* Pumasok na rin siya at naghanda para matulog.

Ayoko pa sana siyang matulog kaya lang kita ko kanina nung bumaba siya sa kotse nila na pagod na siya kaya sinabi kong matulog nalang siya.

Twisted HappinessWhere stories live. Discover now