Kabanata 03

2K 62 8
                                    

Kabanata 03

Good Morning

Pagkalapag ng eroplano sa airport ng New Jersey ay agad akong napabuntong-hininga. Ang napakalawak na alley sa harapan ko ay nagbigay ng lungkot sa akin. This wide space always gives me this unexplained emotion. Mabigat sa pakiramdam.

"Captain, try this one it tastes good."

I just nod at Lawrence, my co-pilot as he pushes forward the disposable transparent box container in front of me. Naglalaman ito ng pagkain na sa tingin ko ay nabili nito sa mamahaling restaurant malapit sa New Jersey Airport. Tanghali na kaya sabay na kaming kumain.

"Thanks," maikling pasalamat ko. Lawrence nodded at me bago ito nagpatuloy sa pagkain.

Officer Lawrenceville Hawkins assigned as my permanent co-pilot. Isa itong Fil-Am, dahilan na ikinatuwa ko. His mother came from Batangas, while his father is from America. May mga business din ang pamilya nito sa America. At isa itong Amature Pilot.

Tahimik kaming kumain. May mga kasama kaming crews pero nasa ibang mesa ang mga iyon. Bukod kasi sa pang tatlohan ang mesang inuupuan namin ni Lawrence ay hindi ko rin ganoon ka sundo ang mga crews sa eroplano ko.

Pagkatapos kumain ay 'saka na ako nagpaalam kay Lawrence para makapagpahinga muna. May isang oras pa kami bago bumiyahe pabalik sa Canada. And I will gladly take that rest for myself.

Hindi ko maipagkaka-ila ang sayang nararamdaman ko. It was indeed a long tiring day, but it gives contentment to me. Kontentong sa pagpapalipad ko lang naramdaman.

"Good evening, Captain Granada, may nagpapabigay nga po pala sayo." Tumigil ako sa paglalakad dahil sa mahinhing pagtawag sa akin.

I creased my forehead as I look at the new crew in the airline. Isa itong pinay at noong isang linggo lang ito sa QIA na assign. Nagtataka ko itong tiningnan habang hawak pa rin ang isang paper bag na hindi ko alam kong ano ang laman.

"Uh... Captain, someone asked me to give this to you," ulit nito sa akin, nahihiya.

Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay pina-ikot ko na ang mata ko sa pagtataray. Akala siguro nito ay hindi ko naiintindihan ang sinabi nito kanina kaya en-english. Kung sa bagay, hindi rin naman kasi halata na may dugong Pilipino ako. I have a blonde hair and a chartreuse eyes na mas lalong nagsasabing isa akong banyaga. If I won't speak Tagalog, lalong hindi ako magmumukhang pinay.

"Thank you," tipid na pagpapasalamat ko nalang matapos tanggapin ang paper bag na hawak nito. Maliit lang din na tango ang sinagot nito sa akin bago ko ito tinalikuran.

Diri-diritso lang ang lakad ko papasok sa building. Bawat madadaanan na mga kasamahan sa airline ay lumilingon sa gawi ko. I really want to roll my eyes in annoyance. Can't they just mind their own businesses? Required ba na pagbago ka sa position mo ay dapat nasa'yo lahat ng atensiyon pag nandiyan ka? Tsk!

"Hey, Captain Granada!" Nasa may elevator na ako nang marinig ang ko tumawag sa akin.

Matunog ang buntong hiningang pinakawalan ko. Tuluyan nang naubos ang pasensya ko dahil sa nakakarinding paulit-ulit na pagbanggit sa apilyedo ko ngayong araw. I can't help but to roll my eyes, na nakita pa ng ibang officers at flight attendants and other crews, bago ko hinarap ang kung sinomang tumawag sa akin.

Isang nababagot na tingin ang isinalubong ko kay Captain Lazer. Ang mga babaeng crews at officers na nasa hallway ay nasa amin ang atensyon. Even though, Captain Lazer is my senior, hindi ako nag-aalangan na ipakita rito ang bagot na nararamdaman ko.

Naiintindihan ko na napakagwapo nga naman nito para hindi maagaw ang atensiyon ng mga nandito. Pero hindi ko gusto na nasasali ako sa atensiyon na iyon. I am not a crowd lover. And I won't take it as a compliment if they stared us like we're some of couple's doing some sweet moments here.

"Yes, Flight Captain?" walang ganang tanong ko rito and raised my left brow, naiirita.

"Good evening." Unang bati nito na tanging maliit na tango lang ang sinagot ko. "I just want to... ask if how's your flight?"

Umingos dahil sa inis buti at napabuntong hininga nalang. Hindi man lang ito nag-alangang magtanong, samantalang ang daming nakatingin sa amin at marahil ay narinig din ang pagtatanong nito. Required din ba ito?

"It's good so far," maikling sagot ko at hinintay ang sunod pa nitong tanong. Wala na akong balak na pahabain pa ang usapan. Pero lumipas ang ilang segundo ay tahimik lang itong nakatitig sa akin na para bang sinusuri ako kaya bumuntong hininga na naman ako dahil sa sobrang inis.

"Is that all, Captain? I'm d*mn tired already and I badly want to rest. So, kung wala ka nang itatanong pang 'mas' mahalaga, mind if I excuse myself?" Pinagdiinan ko pa ang salitang 'mas mahalaga ', walang intensyon na dagdagan pa ang mga sasabihin, lalo na't maraming tsismosang nagmamasid sa amin. Kaya nang tumango ito ay agad na akong dumiritso sa elevator.

Pagod na pinindot ang right button para sa tamang palapag ng kwarto ko. Nag-iisa lang ako sa loob na ipinagpasalamat ko. Nang tumunog ito, hudyat na nasa tamang palapag na ako ay tamad akong naglakad palabas.

Dumiritso ako sa banyo to clean up myself and crawled up to bed after. Sa sobrang pagod ko at lambot ng kamang hinihigaan ko ay agad na akong hinila ng antok.

Kinabukasan ay alas singko pa lang ay gising na ako. Katulad ng routine na ginagawa ko ay nagsimula akong mag stretching sa labas bago nag jogging. I refused to have my boxing session today dahil ginawa ko iyon kahapon. Kaya pagkatapos magjogging ay dumiritso na ako sa kwarto para makapag-ayos na.

"Did you heard the news?"

Nasa pintuan pa lang ako ng kusina ay rinig na rinig na ko na ang pag-uusap ng tatlong FA at dalawang babaeng officer. May kanya-kanyang hawak na mug ng kape at toasted bread sa kaliwang kamay. I snorted because of what I saw.

Tsk! It's too early for the chismis. Early birds really catches the worms, huh.

"Uhuh...I heard that Captain Alec asked Captain Granada yesterday if how's her flight. I also heard that Captain Alec gave something to Captain Granada when she arrived in the building's lobby. Like a gift, I guess?" mahabang tsismis ng pinakamatangkad sa tatlo.

"Yeah. I heard it also. Are they some sort of... flings?" dagdag ng isang officer.

Tumikhim ako at walang pakundangang nilampasan ang mga ito at dumiritso sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig. Nagsitahimik naman agad ang mga ito nang makita ako kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa. My presence seems like a remote control for the mouth's of this little b*tches, huh.

Napa-ismid nalang ako nang maalala ang paper bag na binigay sa akin kahapon. Buti pa ang mga 'to alam kung kanino galing iyon. Samantalang hindi ko naman 'yon pinagtuonan nang pansin pagdating sa kwarto ko kagabi at diritso nang naligo para makapagpahinga na.

Pagkatapos magkape at kumain ng toasted bread ay lumabas na ako at nagpunta sa eroplano para e-check rin ito kasama ang mga mechanical engineers.

"Good morning, Captain," sabay na bati sa akin ng mga ito kaya tipid akong ngumiti at tumango.

"Good morning, Engineers."

Umakyat ako sa eroplano para tingnan ang flight deck at e-check ang kung anoman ang mga nandoon. Wala pa si Lawrence at sa tingin ko ay nag-aalmusal pa lang iyon. Inagahan ko lang ang pagpunta rito dahil maaga rin naman akong nagising.

"Good morning, Maisha."

Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa bigla-biglang pagsasalita ni Alec na nasa likuran ko. I throw him a death glare that made him bark in laughter na mas lalong ikina-irita ko.

What the hell! Para siyang kabuti na sumusulpot kung saan-saan!

-----
GorgeousYooo 🍀

Falling In Love With Aviation - INCOMPLETE VERSION (SOON TO PUBLISH)Where stories live. Discover now