Kabanata 01

3.2K 82 3
                                    

Kabanata 01

Promotion

"Congratulations Captain!"

Sunod-sunod ang bati ng mga kasamahan ko sa Queen's International Airlines pagpasok ko pa lang sa lobby ng building. May hawak ang mga ito na tarpaulin at naka-imprinta ang mukha ko doon at may malaking nakasulat na 'Congratulations to our newest Pilot Captain.'

I don't expect this. Maliban nalang siguro kong nasa Pilipinas ako. Siguradong gagawin ito ng pamilya ko.

Tipid akong ngumiti sa mga nandoon. Binati ako isa-isa ng mga kasamahan ko pero tanging maikling pasalamat lang ang naging sagot ko.

This is the day that I've been waiting for, to be promoted and work as a pilot in the airline where Adriel worked before. The long wait is over.

"Congrats, Cap!" Malaki ang ngiti ni Elisse habang binabati ako.

Isa si Elisse sa mga flight stewardess na naging kasundo ko noong bagong assigned pa lang ako dito. Ito ang bukod tanging naging kaibigan ko maliban nalang sa co-pilot ko.

Elisse Lissette Wright came from a high profiled family in Italy, but chooses to work here in Canada. Gusto nitong maging independent at ayaw na umasa sa pamilya. May mga negosyo ang pamilya nito na siya rin naman ang magmamana. Dahil nag-iisa lang itong anak ng mga Wright.

"Thank you, Lisse," tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya bago ko itinaas ang baso for a toss. Nilingon ko ang mga kasamahan at isinenyas ang baso. "Cheers!"

"Cheers for the newest and hottest pilot captain I've ever known," sigaw ni Lawrence kaya nagtawanan ang mga lahat.

Nagsimula na ang kasiyahan. May mga pagkaing nakahanda rin na naka-buffet. Hinanda iyon ng taga airline para sa promotion ko. Nagkakasiyahan na ang mga kasamahan ko nang nagpasya akong lumabas.

Ilang taon ko ring pinaghirapan na maabot ang position ko ngayon. Being a pilot captain was never been easy. You need to pass through the hole of a needle before you get what you'd wished for. It is not like, you are just eating a piece of cake for you to get what you want. Instead, you need to ignore the money to get the real gold.

"Congratulations."

Agad akong napabaling sa lalaking nakatayo di kalayuan sa pwesto ko ngayon. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit nito. Dahil na rin siguro sa sobrang lalim nang iniisip ko kaya parang wala akong paki-alam sa paligid.

Malamig ang paligid pero hindi ko ininda iyon. This is what I love about Canada. A cold night featured with a can of beer. Ang mga kasamahan ko ay patuloy parin ang pagkakasiyahan sa loob. Pero mas pinili kong manatili dito sa labas habang humihilig sa nguso ng isang chopper. Calming and devouring the peaceful night I had earlier.

I badly want to ignore this man's presence. But it's rude for me to do that. Kaya tumikhim nalang muna ako bago hinarap ito.

A tall man with an athletic built body, walks towards my direction. He has this cloudy gray eyes that makes me stare on it for a moment. His sculpted jaw attracts him more. His pointed nose and his red pouty lips that is in grim line now, made me gulp. I was snapped back when the man smiled at me.

"Thanks...?" I prolonged my words to let him know that I don't know him, na kaagad naman nitong nakuha ang ibig kong sabihin. He is not familiar to me. Hindi ko alam kong bago ba ito dito o ako lang talaga ang walang pakia-alam at hindi pinagtuonan ang mga kasamahan ko.

"Grant... Officer Grant Villoso," dagdag nito sa sinabi ko 'saka inilahad ang kanang kamay sa akin. I nodded my head as I accepted officer Villoso's hand for a handshake. "Just call me Grant," dagdag nito.

"Pilot Captain Granada." Pormal at maikling kong pakilala. Bahagya itong natawa dahilan nang pagkunot ng noo ko.

"Yeah. I know you," napangiwi ako dahil sa sinagot nito. Hindi na ako umimik pa. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahina nitong buntong-hininga. I glared at Officer Villoso na ngayon ay parang sinusuri ako.

"You're too cold." Kagat-kagat ang labi nitong saad. Gusto ko itong sungitan pero pinili ko nalang na tingnan ito nang seryoso.

"The temperature is. So I guess, it's because of that."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Grant at bahagya pa itong nailing. Dahil siguro sa sagot kong hindi ko alam kung pabalang o ano. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. I don't mind if he talk or not though.

Ang akala kong mapayapa na pagpapalipas ko ng oras sa labas ay nauwi lang sa nakakailang na katahimikan. I wasn't left by Grant. In fact, he sat on the plane's wing across the chopper where I am leaning on. I almost roll my eyes because of his presence.

"Don't you have a plan on going back inside? The party is for you, yet you're here, outside." He even gestured where I am right now.

I just blew a loud breathe and shakes my head, not planning to talk this man. Nanatili ang tingin ko sa malawak na alley kung saan nakahilira ang naglalakihang mga eroplano.

I heard him chuckle kaya nilingon ko ito. May hawak itong in canned beer sa kanang kamay. Samantalang nilalaro ko nalang ang empty bottle ng flavored beer na hawak ko.

"You looked like... you're not happy," komento nito sa akin at sumeryoso ang boses dahilan para lingonin ko ulit ito. Agad nagsalubong ang mga kilay ko.

"Do I look like I'm not?" kunot-noo na tanong ko.

Ngayon ko lang din kasi tuluyang napagtanto ang nararamdaman. Yes, I've finally got promoted. But, I don't feel happy. I just can't be happy. There's a big hole in my heart that I wanted to fulfill. But I don't know how to.

"Yeah..."

Hindi na ako sumagot at bumuntong hininga nalang. Isang mahabang katahimikan na naman ang namutawi sa pagitan namin. When I was about to talk, 'di naman natuloy ang sasabihin ko dapat dahil sa biglang may tumawag kay Grant.

"Officer Villoso." Sa mababa pero seryosong boses.

Agad kaming napalingon sa nagsalita. Grant jumped off the plane's wing before he put his hand inside his pocket.

"They're looking for you inside," saad nito. Kunot rin ang noo at umigting ang pangang nakatingin sa direksyon ko.

Nakalapit na rin ang lalaking tumawag dito. Just like Grant, this man is not familiar to me. Masyado yata akong naging tutok sa trabaho sa kagustuhang ma-promote at di na napapansin ang mga nakapaligid sa akin.

Tumikhim ako at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaking halos magkasing tangkad lang na nasa harapan ko. Hindi ko tuloy maiwasang 'di kumunot ang noo dahil sa tinginan ng dalawa. Pero nagkibit-balikat nalang ako at hinayaan na ang mga ito.

"I'll go ahead, Captain. Nice meeting you," paalam ni Grant at ginawaran ako ng ngiti.

"Hmm." Tanging sago ko at tumango. I mocked a salute to him as he walked pass me. Nangingiting umiling pa muna ito bago tuluyang pumasok sa loob kung saan ang party.

Isang nakabibinging katahimikan na naman ang namagitan sa amin ng lalaking kadarating lang. I don't know who's this man. And knowing him is beyond my limit. At kung bakit hindi pa ito bumalik sa loob ay wala na akong pakialam doon. Ang buong akala ko pa naman ay tahimik na akong makapag isip-isip gayong umalis na si Grant. But seems like I got it all wrong, nah.

I've heard him blew a loud breathe, that made me tilt my head a bit. I slanted my body and relax my muscle as the man scan my whole.

What the!

Tumalim ang tingin ko at bahagyang umayos sa pagtayo. Bigla yatang uminit ang ulo ko dahil sa paraan nang pagsuri nito sa kabuoan ko!

The man cocked his head and slipped inside his hands on his pocket.

"Kumusta ka na, Maisha?"

----
GorgeousYooo 🍀

Falling In Love With Aviation - INCOMPLETE VERSION (SOON TO PUBLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon