Chapter 6 - Ms. Fierce Red

26.3K 923 36
                                    

Bitbit ang pinggang may pagkain sa isang kamay, maingat na naglakad si Lianne pabalik sa mesa kung saan sila nakaupong tatlo. Hindi pa siya tuluyan nakalapit sa kanilang pwesto, may tumabig sa kaniyang kamay at dahilan para magkalat sa kaniyang suot na damit ang pagkain. Hindi siya nakahuma lalo na nung napatingin siya sa may gawa no'n. Kumulo ang kaniyang dugo nang makitang ang girlfriend ito ni Zyd. Nakataas ang kilay nito na parang siya pa ang may kasalanan.

"Ooops! Sorry." umikot ang eyeballs nito at nilagpasan siya.

Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo kahit kating-kati siyang hilain ang buhok nito at ingudngud ang mukha nito dahil halata naman na sinadya nitong tabigin ang kamay niya.

"Let me help you."

Isang kamay ang humawak sa kaniya at hinila siya papalayo roon. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa sobrang bilis ng pangyayari at nalaman na lang niya sa kanan bahagi ng mansiyon siya nito dinala kung saan may fountain at faucet. May ilaw naman doon at sapat na para makilala niya ang lalaking humila sa kaniya mula sa kahihiyan.

"I can do it. No need. Thanks." Inagaw niya ang panyo na hawak nito.

"I'm sorry for what my fiancée did. She saw me looking at you and... Ah— I'm really sorry for it."

"Your apology won't undo what happened. Now, please leave." Isang sulyap ang kaniyang binigay kay Zyd.

Hindi ito sumagot. Hinayaan lang siyang nilinis ang kaniyang damit. Letse! Ayaw matanggal. Ilang beses niyang binasa ang panyo at kiniskis sa sarili pero dumikit ang sauce. Wala na. Sira na ang gabi niya. Sira pa ang gown na pinahiram sa kanila ni Ms. Williamson! Sinira ng bwisit na girlfriend nito. Sirain din kaya niya mukha ng babae nito?

"I never thought we'd find ourselves in such a situation again, Ms. Fierce Red."

Natigilan siya sa ginagawa at napatingin sa lalaki. Nakatitig ito sa kaniya ngayon. Kilala na ba siya nito? Paano?

"Yeah, the lady who slapped me in the bar, accusing me of something I never did, and the little thief who kissed me in my car. Damn!" He laughed. "It's starting to make sense. You're a stalker."

Isang malakas na sampal ang ginawa niya. Hindi nabaling ang mukha nito at mukhang inaasahan na talaga nito ang sampal na gagawin niya. Ang kapal naman ng mukha nitong tawagin siyang stalker! Minahal lang niya ito dati kahit sa social media lang sila nagkita at nag-video call. Tapos tatawagin siya nitong stalker? May amnesia ba ito? O talagang trip siya nitong pag-laruan dati? Nasa phone niya lahat ng videocall recording nila at landian dalawa. Nakakapanggigil ang lalaking ito at ang sarap bitayin ng patiwarik.

"You know what? You suck and people like you deserves my middle finger." Nagmartsa siya paalis don at gigil na gigil na iniwan ang hayop na lalaking nambwisit lalo ng kaniyang gabi.

"Not so fast, woman." Mabilis na hinila nito ang kaniyang kamay kaya nasadsad siya sa dibdib nito pero agad siyang lumayo. "If you're not my stalker then what are you?"

"A human." At inirapan itong nakakamatay pero hindi pa siya tuluyan nakalayo, may sumalubong na sa kaniya na isang malakas na sampal.

"Stop flirting with my fiancé, slut!"

Nabaling ang kaniyang mukha sa sobrang lakas ng sampal at do'n tuluyan nawala ang pasensya niya nang makitang ang girlfriend ulit ito ng lalaki. Problema ba ng babaeng ito?! Sa sobrang gigil niya dahil sa biglang pananampal nito, hinila niya nang malakas ang suot nitong gown at napunit iyon hanggang tiyan.

Napangisi siya pero agad din nakaramdam ng takot nang maisip ang mali niyang ginawa. Nasa pamamahay siya ni Ms. Serenity Williamson. Nagsisigaw ito at gumawa ng eskandalo pero agad itong nahila ng lalaki papalayo kaya walang masyadong nakapansin sa tensyon nangyari.

"Min Dam? What are you doing here... Alone?"

Nagulat siya sa biglaan presensya ni Henrik sa likuran niya, "Nothing," mabilis niyang sagot, "Please excuse me." Nag-mamadali siyang umalis pero agad nahawakan nito ang kaniyang siko.

"I saw what Kate did to you."

Maang na napatingin siya rito. Ano ba ang gusto nitong ipahiwatig? Gusto niya nang makabalik sa kaniyang mga kasamahan at mag-excuse sa mabait na amo nila. Bwisit na ang buong gabi niya dahil sa babaeng iyon na galing yata sa mental Hospital.

"Yeah, but I gotta go."

Napasunod lang ang tingin ni Henrik sa kaniya ng lumayo siya rito at nagtuloy-tuloy na sa bungad ng mansiyon kung saan ando'n si Hera at Trixie. Napangiti siya nang makitang may kausap ang mga ito na mga kaedad na lalaki at halatang nag-enjoy.

Hindi na lang niya ito inistorbo, nagtuloy siya sa isang tabi at tahimik na umupo ro'n. Masasabi niyang napakagandang party ang nasa harapan niya ngayon, 'yon nga lang sira na ang buong gabi na. Hihintayin na lang niya magkaroon siya nang pagkakataon na makapagpaalam.

"Glad I've found you again."

Nagulat siya sa lalaking boses bakla na umupo sa harapan niya. Nakangiti ito at halos umabot na yata sa teynga ang ngiting binigay sa kaniya.

"Here." May kinuha ito sa pitaka na isang calling card. "I must say, your beauty truly captivates me. As a fashion designer, who created the gown you're wearing right now, I find immense satisfaction in seeing how well it complements your elegance. It really suits you!" Maarteng saad nito, "By the way, I gotta go girl, give me a call!" At umalis ito na hindi man lang siya pinagsalita. Kumaway pa ito at maarteng kumendeng papalayo.

Hindi niya alam kung anong i-react nang mga sandaling iyon kung nagsasabi ba ito ng totoo o nangti-trip lang pero binasa pa rin niya ang nakasulat. Napatango siya pero hindi siya interesado. Kontento na siya sa pinagtatrabuhan Coffee Shop.

NAMAGA ang pisngi ni Lianne kinabukasan pero sa tulong ng yelo, medyo nawala iyon. Tuloy pa rin sa trabaho at masaya siyang nakikinig sa dalawang lukaret niyang kasama na nagkikwento na nagyaya raw ng date 'yon boylet sa mga ito. Mabuti at hindi napapansin nang mga ito ang pisngi niya at milyong tanong ang ibabato ng mga ito sa kaniya.

Busy siya sa pag-inventory nang biglang may naghagis sa kaniyang ulo ng malamig na kape. Hindi siya nakahuma. Nang magtaas siya ng tingin, umusok ang kaniyang ilong at parang gusto niyang magwala. Anong ginagawa ng animal na babae dito?!

"That's for ruining my gown last night," maarteng saad nito.

Kinalma niya ang sarili at pinilit na pakiharapan ito nang maayos. Nasa shop siya at kahit saan banda tingnan, customer ito. "Don't pick a fight here, ma'am. I promise you won't enjoy it."  nakangiting saad niya. Pero 'yong ngiting hindi abot sa mata.

Umirap lang ito na parang diring-diri, "You're truly a pitiful woman! It's embarrassing how poor and pathetic you are. The next time our paths cross, I'll make sure you regret it, and you'll be digging your own grave."

Kung hindi siya mabilis napigilan ng dalawang kasama baka nasabunutan niya na ang babae nung tumalikod na ito. Kinalma na lang niya ang sarili at gigil na gigil na nagpalit ng damit at inayos ang sarili. Nagpunta lang talaga ito para bwisitin ang araw niya pero sana nga hindi na magpang-abot ang landas nilang dalawa dahil sa susunod, hahamunin niya na ito ng away at wala siyang pakialam kung ipapakulong siya. 

DOMINANT SERIES 4:Tempter [Completed] ZYD MCCLUSKEYWhere stories live. Discover now