Chapter 2 - The Kiss They Shared

38.4K 1.1K 55
                                    

She was totally shock! Idaan pa na lumamig ang simoy ng hangin at paki-ramdam niya nagsasayawan ang bituin at buwan sa paningin niya. Bakit wala ito kanina nung siya ang humalik dito... Wait, he's kissing her and reality hits her! Nagpumilit siyang kumawala pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniyang beywang at mas lalong dumiin ang halik nito.

Oh my, his kiss tastes like heaven at nanghihina ang mga tuhod niya. Naramdaman niya ang sariling tumugon pero bago pa man niya tinugon ito, bigla na itong bumitaw at nakangising dumistansya sa kaniya.

"I'm taking back the kiss you stole. Goodbye, Ms. Fierce Red." Tumalikod na ito pabalik sa sasakyan.

Habang siya ay napatulala. Kung hindi pa siya nilapitan ni Sheena at hilahin ulit hindi pa bumalik ang utak niya.

"What was that Lianne Elhuoette Vergara!!!" matinis ang boses na tili nito nang makapasok ito sa loob ng kotse. "Hayop! The great Zyd Caiden really kissed you. Oh my! Good thing I did some couple shots of you two. It's mind blowing. We need to get home. Mababaliw ako sa kilig bakla ka!"

Habang siya ay nakatulala lang at napahawak sa labi. Totoo? Hinalikan siya nito? Letse! Ang puso niya, ang puso niya sabi, eh. Wala na siya sa katinuan. Ano raw? Binabawi ang ninakaw niyang halik? Letse! Bakit sobra ang bawi nito? Bakit pati puso at katinuan niya? Ano na ang gagawin niya nito? Nawala na nang tuluyan ang puso niya.

Gusto niyang magwala pero masyado siyang okupado sa kaiisip sa mukha ng binata at sa halik na ginawad nito sa kaniya. Ramdam pa niya ang malakas na brasong nakahawak sa kaniyang beywang at ang labing umangkin sa kaniyang labi. Hail Mary! Sinampal niya ang sarili. Wala na talaga siyang pag-asang makapag-move on nito.

Shutaaa! Paano ako mag-move on nito? Bwisit ka talaga!

ISANG kurot ang inabot nilang magpinsan sa ante niya nang mauwian sila nito kinabukasan. Kagagaling ito sa seminar sa ibang lugar kaya malaya silang nakapag-bar hopping ni Sheena.

"Aray Ma, ano ba 'yan! Ang sakit ng singit ko," reklamo nito habang siya ay natawa.

Nakapameywang naman ito. "Explain niyo sa 'kin dalawa itong video na kumalat ngayon sa social media."

Mas mabilis pa sa kidlat na napabangon silang dalawa at lumapit sa ginang saka nag-agawan sa cellphone nito. Anong videong kumalat? Wala naman siyang video scandal, mas lalo wala siyang— Oh God!

Napakagat labi siya nang makita ang paghalik niya sa binata at sa pagsampal niya ng malakas. Buti, medyo madilim kaya hindi masyadong kita ang hitsura niya pero nung tumalikod na siya para lumayo, nahagip ng ilaw ang kaniyang mukha at kahit may kakapalan ang kaniyang make-up, alam niyang makikilala siya ng tiyahin.

"Um... Ma, actually po..." nakangiwing saad ni Sheena at kinakabahan napatingin sa kaniya.

Napakamot siya ng ulo. Nasa 2 million views na ang naturang video habang ang caption ay nagpainit sa kaniyang ulo.

Ms. Red Stalker kissed our Capt. Zyd Caiden McCluskey!!!

Grabeng caption, ah. Damang-dama niya ang inggit nang sino man nag-post nito. Stalker talaga, siya? God! Hindi ba pwedeng siningil niya lang ang utang nito? Mga tao talaga. Instant famous na siya yata nito.

But so what?

"Bata ka!" Kinurot siya ng tiyahin sa teynga. "Ano ba ang pinaggagawa niyo ni Sheena? Naku, hindi ko naman kayo pagbabawalan kasi matatanda na kayo pero ang nakawan ng halik at sampal itong lalaking ito na halos sambahin ng mga kababaihan rito sa Pennsylvania, ibang usapan na iyon bata ka. Hay naku, pinapataas niyo ang dugo ko! O siya, magpahinga na ako. One month kayong grounded at walang bar hopping mangyayari." Saka ito tumalikod.

DOMINANT SERIES 4:Tempter [Completed] ZYD MCCLUSKEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon